"Pota brin, ano na? Handa ka ng manganak? Sa pagkakaalam ko tatahiin ang V mo matapos mong manganak." Saad ni Ana na ngayoy naka upo sa hospital bed ko.
"Tatahiin talaga? Ano yan walang anesthesia? Masakit yan siguro." Si Cassandra naman ngayon ang nag tanong.
Kaming lima lang ang naririto sa loob ng room ko dahil bumili ng pagkain sina Zach. Kaninang umaga pa sila dito at napag desisyunan nilang samahan akong maglakad lakad mamaya. Exercise daw ulit para hindi raw ako mahirapang manganak.
Tinext ko muna si Zach na maglakad lakad muna kami bago niyaya ang mga kaibigan kong lumabas na. Kasalukuyang hawak ni Ana ang stand ng dextrose ko habang mabagal lang kaming naglalakad.
"So what's new sa buhay niyo? Wala bang buntis sa inyo?" Tanong ko.
"Si Ana sunod mabubuntis."
Agad naman nanlaki ang mata ni Ana kay Rian at binatukan ito.
"Anong ako?! Walang nangyari sa amin ni Bodhi oy! Virgin paradise to!" Aniya na ikinangiwi namin.
"Weh? Sure kang wala? Blooming ka pa naman araw araw." Sira talaga tong si Elgin. Lakas mang asar eh.
"Gago ka ba Gin? Natural na talaga ang pagiging blooming ko. Inggit ka?"
"Grr, blooming rin kaya ako araw-araw." Aniya at ngumiti na parang kinikilig.
"May jowa ka?!" Sabay naming tanong?
"Ay mga teh, pag blooming kailangan may jowa talaga?" Umirap siya sa amin at naunang maglakad.
"Problema non? May dalaw ata." Sabi ko.
Nagkibit balikat lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa garden na kami ng hospital na may fountain na angel sa gitna. Umiiba ang ilaw nito kapag gabi. Kaya magandang tumambay rito kapag gabi, maliban nalang kung ikaw lang mag Isa. Baka biglang may magpakita sayo or may tatabi sayo bigla.
Sumunod naman sila sakin at umupo rin katabi ko. Tahimik lang kami at pinagmamasdan ang paligid. Kanina pa ako nagagandahan sa moon. Ang ganda kasi tapos ang dami pang stars. Sher ko lang.
"Hooy! Walang uupo-upo. Ilakad ang buntis para ma stretch ang kalamnan at agad lumabas si baby sa isang push lang! Gora na!" Sabi ni Ana.
Nagsitayuan naman sila at inalalayan akong tumayo. Pano ba naman kas in ang bigat ng tiyan ko.
Habang naglalakad kami napaisip ako kung may pangalan na bang gusto si Zach. He didn't mention it tho.
"May naisip kana bang pangalan ng kambal brin?" Ngumiti ako ng alanganin sa kanila.
Alam na nila ang ibig sabihin non. Babatukan na sana nila ako ng tinuro ko ang tiyan ko. Ayown! My babies saved me.
"Jusko naman brin! Wala ka pang naisip? Be ready naman oy! Sa bagay, wala ka nga palang isip." Sa pagkakataong to ay si Cass na ang binatukan ko.
Siraulo to ah? Malay ko bang tamad ako mag isip ng pangalan? Duh. Kasalanan ko ba yon?
"Si Zach na, may naisip na yown panigurado."
"Anyway sismars, Alam naman naming made in agency yang kambal... So tell us, malaki?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Elgin.
"Hoy ang babastos niyo! Akin nalang yon! Makiki chismis pa kayo."
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pabalik na kami sa room namin. Ginamit namin ngayon ang hagdan para naman daw mataas taas ang aakyatin namin. Hello? 3rd floor rin yon.
"Ay may naisip na akong pangalan sa kambal! Do you want my suggestion Brin?" Tumango ako kay Rian.
"Geh lang."