BT4

11 2 0
                                    

It's been a week when that DARE happened. And he can't get out of my mind. Minsan pa nga napapaniginipan ko pa. This is insane. I should distract myself so he can get out of my mind.

"Hey, you okay? Napapansin ko lutang ka minsan. Tapos napapahawak ka pa sa labi mo." Nagtatakang tanong ni Aviana habang tumatambay kami sa may café ng harap ng building na pinapasukan namin.

Hindi agad ako nakasagot at inayos muna ang sarili bago nagsalita. " I'm okay, medyo stress lang dahil may iniisip ako."

"Iniisip mo siguro yung halikan niyo ni Zach no?"

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Ha? A-anong  halikan di kaya. Ikaw kung ano-ano pinagsasabi mo, tumahimik ka na nga lang."

"Suss deny deny pa eh halata naman." I heard her murmured.

I glared at her. And she just smiled at me mockingly.

"Alam mo kasi brin, admit it nalang na gusto mo ang hali----" Natigil sa pagsasalita si Aviana at tumitig sa likod ko.

"Huy, ayos ka lang? ba't ka tumigil sa pagsasalita?" Taka kong tanong.

Tiyaka ko lang napagtanto kung bakit sya tumigil sa sa pagsasalita when a baritone voice speak behind me. "Can we join?" Oh shit, I know who's that voice came from.

Tumingin sa akin si Ana ng nakangiti bago nagsalita. "Sure, maluwag pa naman tong pwesto namin. Kasya tayong lahat dito."

At dahil magkaharap kami ni Ana, ay tumabi sa kanya si Gelo at Andrei, bale nasa gitna nila si Ana. At sa tabi ko naman si Zach. Umusog ako ng kaunti dahil feeling ko mapapaso ako pag magdigkit ang balat namin.

Umorder sila ng tig isang slice ng blackberry cake at tubig.

Naguusap lang silang tatlo habang kami ni Zach ay tahimik lang. Para na akong tuod dito dahil hindi ako gumagalaw. Habang prente namang nakaupo si itong katabi ko.

I felt an awkwardness between us.

Until Zach broke the silence. "How are you?" He asked with his normal serious voice. Sumandal ito sa upuan at tumingin sakin.

Nag iwas naman ako ng tingin at saktong naka tingin din sakin ang tatlo. Hindi na ako nakasagot ng biglang dumating ang order nila.

Kinuha ko ang cellphone ko at earphones para kunwaring nakikinig ako ng songs pero hindi naman.

Maypagka chismosa rin ako minsan eh hihi.

Nag fb muna ako dahil ayaw ko siyang kausapin. At di rin naman kami close. Nakatukod ang siko ko sa lamesa habang tintakpan ang noo ko.

Naka yellow shirt ako na may nakalagay na I love you at naka tuck in sa mini skirt na black na may maliit na cut sa bandang gilid.

At dahil wala akong pake kung kung naka skirt ako ay nakabuka ang legs ko habang ginagalaw galaw ito. Naka cycling naman ako kaya ayos lang.

Habang nag scoscroll sa fb di ko maiwasang di makinig sa pinag uusapan nila.

Umiinom ng frappe si Aviana habang nakikipag usap sa kanila. "Ganto ba talaga umupo si Brin?" dinig kong tanong ni Andrei. Naramdam ko namang nakatingin sakin si Aviana. And I can see her in my peripheral vision na tinignan ang upo ko. "Kita mo tong babae to, wala talagang pakeelam ket naka palda eh." Sinipa niya ang paa ko kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Oh baket?"

"Alam mo ba---"

"Hindi ko alam." Sinamaan naman niya ako ng tingin at tinaasan ko rin sya ng kilay. Narinig ko rin ang mahinang tawa ng mga kasama namin kaya nagpatuloy nalang sa pagsasalita si Ana.

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now