Chapter 7

144K 5.2K 547
                                    

Hindi mabilis maloko si L. That's the impression that he gave me. Inaasahan nya nang tatakasan ko nga sya. Maybe my father gave him a warning about me. But still, parang alam na ni L kung paanong pagtakas ang gagawin ko.

He waited at the main entrance of the building. He took the risk na abangan ako doon instead sa may parking lot. Paano pala kung sa parking lot ako lumabas instead na sa main entrance? Natakasan ko pa sya siguro.

Hindi ko alam kung paano pa ako makakapunta sa hideout ngayong nakabantay sa akin si L. It's been days pero hindi ko pa rin nakikita ang mahal kong mga computers. I have a laptop in my room at the house but it's too risky to use it. Hindi gaanong matibay ang firewall noon compared sa mga computers ko so I rarely use it

Good thing that we don't have any mission yet. Hindi pa nagbibigay ang Queen kung anong gagawin namin. She's busy with the rare drug. Pero alam ko na sooner or later, magbibigay din sya ng mission. At dapat, bago mangyari iyon ay nawala na sa landas ko si L.

I stayed at home and tried to make a good plan. Pero walang pumapasok sa isip ko. Ngayon na lang ulit ako nag isip ng paraan para mapaalis ang bodyguard ko. Palagi kasing gumagana yung plano ko dati! Pero ibang iba talaga si L.

He's the only bodyguard who frustrates me. He's the only bodyguard who pissed me off. Sya lang din ang hindi sumusunod sa utos ko 'cause according to him, si Papa daw ang amo nya at hindi ako. At sya lang din ang naging dahilan kung bakit may nasayang ako na dalawang lollipop!

I sighed. Feeling ko tuloy ay hindi ako normal na tao dahil nag iisip ako kung paano mapapaalis ang isang tao sa buhay ko. But then, again, am I a normal person?

I don't have friends. Papa protected and sheltered me all my life. Ang tingin nya sa lahat ay kalaban at may masamang gagawin sa akin.

It was my choice too. Hindi ako nakipag kaibigan. Umiiwas ako sa mga gustong makipag kaibigan sa akin. With me, being a member of Red Faction, hindi malayong manganib ang buhay nila dahil sa akin.

'Cause I'm not normal.

My biological father died from the last Bloody Human Chess Game. He's the former Knight. Namatay naman ang Mama ko nang pinanganak ako. She was just a normal person who fell inlove with my real father.

Ang umampon sa akin at ang kinilala kong magulang ay kapatid ni Mama. He treated me as his real daughter and adopted me. But he doesn't know anything about the game.

The Queen, even as a child, is a so powerful. Nahanap nya ako noon. She told me about the chess game and explained everything to me. Thus, I became their Knight.

Pumayag ako. Sumali ako sa laro. I want to know more about my real father. Dahil kahit na may nag ampon sa akin, there's a void in my chest that I wanted to fill. Feeling ko ay may kulang sa pagkatao ko na mapupunan lang kapag nalaman ko ang tungkol sa totoo kong mga magulang.

And lollipop was my only comfort back then. Sweets made me feel like I'm still a human. At hanggang ngayon, hindi ko mabitiwan ang pagkain ng lollipop. Buti na lang matibay ang ngipin ko.

A lollipop a day, keeps Codee alive and sexy anyway!

Tumunog ang cellphone ko and it was Enki who's calling. Kinabahan ako. He won't call if it's not about our work. Baka may ipapagawa na sa aming mission ang Queen.

Shit lang. I'm still thinking of a plan on how to get rid of L!

"Hi, Enki!" maligaya kong bati pagkasagot ko ng tawag pero nagdadasal na talaga ako na sana ay walang kinalaman sa mission ang pagtawag nya.

"Alter, I need you look into someone."

Shit! Sabi na, eh!

"Sino? Girlfriend mo?" biro ko pa. Napatingin ako sa laptop na nakalapag sa side table ng room ko.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon