Chapter 10

151K 5.6K 1.4K
                                    

The disguise thing that I'm doing keeps going on for weeks. Hindi ko napapansin na ilang linggo na pala ang lumipas mula nang umpisahan ko ang pagpapanggap na ibang tao para makatakas kay L. Pero hanggang ngayon, heto pa rin sya. Nasa driver's seat at ipinagmamaneho ako papunta sa peke kong trabaho.

I couldn't believe that I'm actually enjoying what I'm doing. This is ridiculous! Bumibili pa ako ng mga wigs and clothes online para dito! And I'm even watching a video tutorial on how to do a makeup para sa mga pagpapanggap ko!

Mabuti na lang at medyo tahimik yata ang Queen ngayon. Kahit si Enki ay hindi rin nagpaparamdam. Walang misyon o kahit anong ipinapagawa nila sa akin. I wonder what they're up to?

The rare drug?

Pero sooner or later, alam kong gagalaw din sila. Baka nga magkaroon pa kami ng misyon that will require my assistance. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano makakatakas kay L kapag nangyari iyon.

But for now, I'll just enjoy being free with L beside me.

I hugged my shoulder bag that contains the clothes and the wig that I will use for my disguise today. I just brought my eyeshadow palette with me dahil hindi naman nagre-require ng detailed makeup ang disguise ko ngayon. Just a few touch of black eyeshadow on my face and I'm all set.

Napatingin ako kay L na tahimik lang sa pagda-drive. I sighed dreamily. Gumaganda talaga ang mood ko kapag napapatingin ako sa kanya. Ang gwapo ba naman kasi!

He's wearing a black button down shirt na bukas ang unang dalawang butones. It was a short-sleeved shirt at hanggang kalahati lang ng braso ang manggas. I can clearly see his biceps. Nakikita ko din ang mga ugat doon na mas nakadagdag sa manliness nya.

Yung veins nya sa braso, parang ang sarap pindot-pindutin.

I feel so blessed na makasama ang isa greek god sa loob ng kotse ko. Bodyguard ko pa. Kaya nga lang, hindi nagsasalita, eh.

"Everything will be perfect kung hindi ka lang tahimik." I said while staring at him. Titig na titig ako sa kanya pero hindi ko sya nakitaan ng pagkailang.

Sanay na kaya syang matitigan? O wala lang talaga syang pakialam sa paligid nya?

"Everything will be perfect kung hindi ka madaldal." tamad nyang sabi.

Nagulat ako sa pagsasalita nya pero napasimangot din pagkatapos. Minsan na nga lang sya magsalita pero hindi pa kaaya-aya ang mga lumalabas sa bibig nya.

"Everything will be perfect kung wala kang palaging rebuttal sa sinasabi ko." I said pero hindi sya nagpatalo.

"Everything will be perfect if you'll just remain silent. No words from you, then no rebuttal."

I rolled my eyes. Kunwari inis pero deep inside, natutuwa sa pagsasalita nya. Kahit patamad ang tono nya. Kahit mukhang hindi sya masayang kausapin ako ay okay lang. At least, narinig ko na ang boses nya ngayon!

Minsan kasi ay hindi talaga sya nagsasalita. Especially when we're at home. He's busy with his laptop. Kahit anong pagka-usap ko sa kanya ay wala talaga.

Hindi kaya sya napapanisan ng laway? Paano nya kaya nakakayanan ang hindi na magsalita? Ako kasi, hindi ko kaya. I'm talkative. It's weird. I don't have any friends to talk to but I'm talkative.

"Hindi ka ba napapagod?"

I automatically smile when I heard L's question. Parang ngayon lang yata sya nagtanong sa akin na sya ang nag-initiate! Usually ay palaging ako tapos magbabatuhan na kami ng tanong. But now, I didn't ask him anything pero nagtanong sya!

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon