Chapter 19

151K 5.2K 892
                                    

The party was held in a grand ballroom at a five star hotel. Marami nang mga tao nang makarating kami. I got cultured shock nang pagpasok pa lang namin sa loob ay may mga reporters nang nakabaabang para kuhaan kami ng litrato. And since that this is the first time that my father introduced me as her daughter to the public, maraming mga tanong ang ibinato sa akin.

"Are you Codee Alter Vasco? The only daughter of the CEO of Paladin Enterprise?"

I stopped and looked at the photographer to answer her question. Ngumiti ako sa kanya. She's holding out her phone at me, probably to record my answer.

"Yes, I am." sagot ko at halos masilaw ako sa mga click ng cameras. My father was beside me habang nasa likod ko si L. Protecting me and doing his job as my bodyguard.

Pero mapagkakamalan pa syang businessman kaysa sa pagiging bodyguard. I bet na pagtitinginan sya ng lahat lalo na ng mga babae sa party!

"This is your first appearance to the public as one of the business tycoon's daughter. Paano mo pinaghandaan ang party na 'to? Are you nervous?"

I laughed and looked at my father. Nakangiti si Papa sa akin, ipinapaubaya nya sa akin ang pagsagot sa mga reporters. Muli akong tumingin sa nagtanong at nakangiting sumagot.

"To be honest, I don't even know that there will be a party like this and that my Papa will introduce me to everyone. Kaninang umaga nya lang sinabi. Imagine my shock." I laughed. "So hindi talaga ako handa."

"Hindi ka pa handa sa lagay na 'yan?" the reporter teased and eyed me from head to foot. "You look stunning, Ms. Vasco! What more kung pinaghandaan mo?"

"You have a very lovely daughter, Mr. Vasco." sabi ng isa pang reporter kay Papa. He smiled and held my hand.

"I know. She's my treasure. Kaya nga ngayon ko lang pinakilala sa lahat. I want to protect her."

"Now that she's out in public, does that mean na welcome na kayo sa posibilidad na maligawan ang anak nyo ng mga businessmen?" hindi pa man nakakasagot si Papa ay may panibago na namang tanong.

"I heard that Mr. Aceveda will also introduced his son tonight. Is there any possibilities na may magaganap na merging ng dalawang naglalakihang company soon?"

I laughed nervously. Napatingin ako kay Papa na nakangiti lang sa reporter. Kinakabahan ako sa sagot nya kaya naghintay lang ako.

"I just want to take this chance to introduce my daughter to the business world. Good evening, everyone."

Hinigit na ako ni Papa papasok sa venue. Nakasunod naman sa amin si L at may narinig pa akong mga reporter na nagtanong din sa kanya. But as usual, L is a man of a few words. Hindi nya sinagot ang mga tanong sa kanya at walang pinansin na kahit isa.

My father really did introduced me to everyone. Nangalay na ang panga ko sa kakangiti sa mga ipinapakilala nya sa akin na hindi ko rin naman natatandaan ang mga pangalan. I tried so hard to return their compliments. Pero ilang minuto lang ay nararamdaman ko na ang pagod.

I looked at L na nakatayo lang sa isang sulok pero nakasunod ang mga mata sa akin. I was right. He really did caught the eyes of all the women here. May nakikita akong pagtataka sa mga mata nila kung sino ba sya pero madalas ay paghanga.

I saw one girl tried to approach and talk to him. Napairap ako. Nawala na ang atensyon ko sa mga taong ipinakilala sa akin ni Papa at nanatili ang tingin ko kay L. The girl is talking to him animatedly. But L looked so bored. Sa palagay ko nga ay hindi nya pinapakinggan ang babae.

I can't help but to smile. Ngayon lang ako natuwa sa pagiging tahimik ni L.

"Mr. Aceveda!" my father exclaimed. Iyon na yata ang host ng party but my eyes remained at L.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon