Chapter 12

148K 6.6K 2.7K
                                    

I was feeling excited the next morning when I woke up. Ang dami pang sinabi sa akin ni Yucca. Feeling ko tuloy ay talagang mababaliw na sa akin si L kapag nagawa ko ang lahat ng mga tips na ibinigay nya. She's an expert in seducing men kaya alam kong magtatagumpay ako.

Yucca knew that I don't have any idea on how to do it. Binigyan nya rin ako ng mga tips, examples at scenarios. Kaya naman mas confident pa ako sa confident ngayon.

I put on a lipstick, a bit darker than my usual shade. Simpleng makeup lang kasi ang ginagawa ko palagi kung saan mukhang natural lang. Ang sabi ni Yucca ay unti-untiin ko daw ang pagbabago. Baka makahalata daw si L.

When I got satisfied with my look, bumaba na ako. Wearing only a shorts and a spaghetti top. I was feeling giddy and excited. Ang laki-laki ng ngiti ko. I can't wait to apply the tips that Yucca taught me!

In the dining area, I found L, sitting on one of the chairs. He was busy doing something with his laptop while sipping a cup of coffee.

Tumigil ako para pagmasdan na muna sya. He was wearing a black and white plaid polo shorts and a tight maong pants. Simple lang ang suot nya pero shit lang. Ang gwapo-gwapo pa rin nya!

He looked so fresh kahit na nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa laptop. Mas lalo tuloy dumidilim ang mga mata nya. Mukha syang may pinoproblema doon but shit, as in shit talaga! Ang gandang bungad talaga sa umaga kapag sya ang una kong makikita!

"Good morning!" ang maligayang bati ko habang lumalapit sa kanya. Saglit lang akong sinulyapan ni L at ibinalik ulit sa tingin ang laptop.

Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa trato nya sa akin. But then, kailangan ko ba talagang masanay? How long is he going to stay in my life? How long is our remaining time together bago sya mawala sa tabi ko?

Ipinilig ko ang ulo ko. Hangga't hindi pa muling nagbibigay ng panibagong utos ang Queen, I will just enjoy my time while being temporarily free.

Doon sa katapat nyang upuan ang napili kong upuan. I can freely stare at him while he's in front of me. Mangangalumbaba pa sana ko para mas matitigan sya ng maayos nang maalala ko ang sinabi ni Yucca.

"Don't be a desperate bitch. He'll feel uncomfortable if you do."

I sighed. Ang hirap lang kasing ilayo ang mga mata ko sa kanya. But in order to win this, kahit mahirap, gagawin ko.

"Hotdog!" I exclaimed nang ihain na sa hapag ang almusal ko. Napatingin sa akin si L na nakakunot pa rin ang mukha. I smiled at him sweetly. Napailing na lang sya at bumalik na sa ginagawa.

"Plus points if it's a jumbo hotdog." was what Yucca said to me. Kaya naman talagang jumbo ang hotdog na ipinahain ko.

"Shit. I bet this will be delicious!" sabi ko at tumingin kay L. Hindi ko alam kung paano makukuha ang atensyon nya mula sa laptop pero bahala na.

Okay. Let's do this!

Tinusok ko ang isang hotdog sa tinidor. It's big. Hindi ako sanay na ganitong kalaking hotdog ang kakainin ko. Usually ay mga normal sizes lang ang kinakain ko for breakfast. Yung maliit.

I wanted to slice the hotdog before eating it. But Yucca said na huwag hahatiin. Itusok ko daw ng buo sa tinidor bago kainin.

I took a bite and moaned when I tasted the hotdog. I felt stupid. And sabi kasi ni Yucca ay umungol daw ako na parang nasasarapan talaga sa kinakain ko. Pero na-realize ko na mukha pala akong isang shit.

But L looked at me. I finally got his attention kahit hindi maganda ang reaksyon na nasa mukha nya. He looked at me weirdly. Like I'm some kind of a puzzle na hirap na hirap syang buuin. Tinignan nya ako na parang hindi ako isang tao.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon