Chapter 14

158K 6.4K 1.9K
                                    

Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si L after the kiss. Nahihiya ako. I feel like it's going to be awkward between us. O baka ako lang? Shit lang. Hindi ko alam kung anong susunod na dapat kong gawin!

Yucca said that I should continue on seducing him if I want him to go crazy over him. Mukha naman daw kasing naaapektukhan ang bodyguard ko. She's right. My moves do. have an effect on him. Pero meron din epekto sa akin ang mga ginagawa ni L!

I so like the kiss. I like the feeling of his soft lips against mine. I like the feeling of his warm mouth. I like the smell of his breath. I like that kiss to happen again.

Shit talaga! I knew it! Maaadik nga talaga ako kay L!

Mas napadali ang trabahong pagbabantay sa akin ni L dahil ilang araw na rin akong nagkukulong sa kwarto ko. Hindi na rin naman ako nagtangkang tumakas. I don't have the courage to see him. Naiisip ko pa lang na makikita ko sya ay nahihiya na kaagad ako.

Ilang beses akong nagtangkang lumabas sa lungga ko pero bumabalik din kaagad kapag naiisip ko na nasa baba lang si L. My father noticed my behavior. Hindi din kasi ako nakakasabay sa lunch 'cause L is there too. Hinihintay ko na lang na matapos sila at tsaka ako kakain.

I felt stupid. Parang naririnig ko ang palaging itinatanong sa akin ni L noon sa tuwing nagdi-disguise ako. Na kung ano daw ba ang ginagawa ko sa buhay ko.

I was happy when I was seducing him pero nang kumagat sya ay saka naman ako natakot. In L's point of view, baka sinasabihan nya na akong paasa. Na hinarot ko lang sya pagkatapos ay wala na.

No one can't blame me! Half of my life, ginugol ko ang sarili ko sa pag aaral on how to be a best hacker for the Red Faction. Inaasahan kasi nila ako. Kaya naman pinagbutihan ko. I became the best tracker they could've ever had.

Speaking of Red Faction... Himala yata at hindi pa nag iingay ang baliw naming reyna? She's been very busy, huh?

Well, at least... Hindi nya ako ginugulo. Kapag may misyon pa naman ay isa ako sa mga nauuna nyang tinatawagan.

Naagaw ang atensyon ko nang marinig ang pagtunog ng tubig mula sa labas. Someone was using the pool again. My first thought was L. Mabilis akong napatayo at sinilip ang labas ng kwarto ko.

Hindi nga ako nagkamali. I saw L on the water, leaning on the side of the pool. Nakasandal sya sa gilid ng pool paharap sa akin. Ang dalawa nyang mga siko ay nakapatong doon. Mas lalo tuloy nadepina kung gaano kalapad ang dibdib nya.

He was holding a glass of alcohol on his right hand. Habang ang bote ay nakapatong lang sa gilid ng pool.

Nag angat ng paningin si L and his eyes immediately found mine. Too late to hide. He had seen me.

Kaya imbes na magtago ay pinakatitigan ko sya. Wala syang suot na pang itaas na damit. Dahil nakasandal ang mga siko nya sa gilid ng pool, mas lalo akong nagkaroon ng access na matitigan pa ang katawan nya.

Those eight pack abs... Those muscles that were on their right places. Kahit na sa malayo ay perpektong perpekto pa rin.

He brought the glass of alcohol on his lips. Magkatitigan kami habang umiinom sya ng alak. And somehow, that makes me feel excited.

Mas lalong naging gwapo si L sa paningin ko habang umiinom sya sa baso at hindi inaalis ang tingin sa akin. Somehow, the beating of my heart started to race.

It looks like he's inviting me to join him in the pool. Like he's testing me kung kakagat ako sa pangse-seduce nya.

At gumana ang pagiging competitive ko.

Nagpalit ako into a two piece red swimsuit. Mas lalong nahantad ang kaputian ko dahil sa kulay ng bikini ko. That's why I really like the color red. It was sophisticated and yet daring.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon