Chapter 27

139K 5K 1K
                                    

I went home feeling worse than ever. Feeling ko ay naging ibang tao ako. I don't feel like being my jolly self. I don't feel like eating a lollipop to make myself feel better. All I want is to see L. Feeling ko ay magiging maayos ang pakiramdam ko kapag nakita ko na sya.

Pero wala pa rin si L nang makauwi ako. I don't want to sleep feeling like this. Hindi ako sanay. Natatakot akong baka bangungutin ako at hindi na magising because of stress and problems. Kaya sana, gumaan man lang ang pakiramdam ko bago ako matulog.

I decided to wait for him in the living room. Umupo ako sa sofa at napatulala. Inaalala ko ang mga nangyari kanina. Pero mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko lalo na nang maalala ang inutos ng Queen sa akin.

I already came up with a plan. Tinupad ko ang gusto ko na hindi lalabas sa computer room nang walang naiisip na plano. I felt so tired after though. Feeling ko ay emotionally at mentally drained na ako.

Masyadong delikado ang plano ko. It might fail. Pero ito na lang ang naiisip ko. All I have to do is to put all my trust to L.

Napalingon ako sa may pinto nang mapansin ang paggalaw doon. From the door, I saw L entered the house. Kung nagulat man sya na nakita akong naghihintay dito sa sala ay hindi ko masabi. His face isn't showing emotions right now.

Tumigil sya ilang metro ang layo sa akin. He stared at me, mukhang wala nang plano na lumapit pa. So I stood up and walked towards him. Tumigil ako sa harapan nya.

I stared at him. Tama nga ako. Gagaan ang pakiramdam ko kapag nakita ko sya. I felt safe. I felt protected. Nakakatawa dahil ang dami nyang kayang iparamdam na emosyon sa akin by just standing here.

My eyes roamed around his face. Shit lang. He's really gorgeous. Kayang kaya nyang talunin ang mga Greek gods sa itsura pa lang. His thick eyebrows and those jet black eyes. His pointed nose and a sharp jawline. And his red and soft lips. Shit... I wanna kiss him again.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong naluha. Nakakainis. Bigla-bigla na lang eeksena ang mga luha ko nang walang dahilan. Dahil siguro sa nakita ko na si L ngayon at feeling ko ay kayang-kayang nya akong protektahan. Kayang-kayang nyang resolbahin ang problema ko. O baka dahil naiisip kong ilang araw na lang kaming pwedeng magkita.

I saw his brows furrowed. Nagtataka sya kung bakit bigla na lang akong naluha dito. Siguro ay iniisip nyang weirdo talaga ako. Na alien talaga ako. Sabagay. Kahit rin naman ako ay hindi na maintindihan ang sarili ko kung minsan.

"What's wrong?" he asked. His worried tone made me cry even more.

Shit kasi! He looked emotionless, like he doesn't care about me, na parang tamad na tamad syang makita ako ngayon. Pero yung tono ng boses nya, iba ang sinasabi. He doesn't sound like he's lazy. He sounds concern and that he cares so much about me.

Umiling ako at pinunasan ang epal kong mga luha. Hindi naman ako iyakin, eh! Shit lang! Ang tanda-tanda ko na para umiyak na lang ako basta!

I laughed and hugged him instead. Mukha syang nagulat sa ginawa ko pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Inilapat ko ang tenga ko sa may dibdib nya. I listened to his heartbeat. And it made me feel so calm.

"May problema ba?" tanong ni L. Lumayo ako sa kanya para tignan sya pero ang mga kamay ko ay nakayakap pa rin sa kanya.

"What if I tell you that I love you?"

Hindi sya nagpakita ng gulat. Hindi ko alam kung magaling lang ba syang magtago ng emosyon. He just stared at me. Titig na titig sya sa mga mata ko na parang may hinahanap. Bahagyan magkasalubong ang mga kilay nya. His eyes were slightly squinted. He looked so adorable. Ang sarap panggigilan.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon