Chapter 18

153K 5.5K 948
                                    

I wasn't feeling so well the next day. Iniisip ko ang mga sinabi ni Yucca. I didn't get enough sleep. Kulang ako sa tulog kaya masakit ang ulo ko sa paggising ko.

Sumabay ako sa breakfast dahil kinukulit ni Papa ang maid na gisingin ako. I don't wanna cause trouble so I joined them on the table even if my head is throbbing. Pero nawala yata ang sakit ng ulo ko nang makita ko si L na kasabay din namin.

Pati ba naman sakit ng ulo ko ay gusto si L?

He didn't say anything but his eyes were on me. Mula sa pagbaba ko sa hagdan hanggang sa pag upo ko sa katapat nyang upuan ay hindi nya inalis ang tingin sa akin. Wala naman syang sinasabi. And he looked so bored and lazy again.

His hair was still disheveled. Parang pati sa pagsusuklay ay tinamad na sya. Though he managed to dress properly, a maroon polo shirt and a khaki pants. Simple pero litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan nya.

"You okay, hija?" my Papa asked nang makaupo na ako. Nakita nya siguro na hindi maganda ang reaksyon sa mukha ko.

"Just a headache, Papa." I said. Narinig iyon ni Yaya Sally kaya kumuha sya ng gamot sa medicine kit. Hindi ko pa nga lang pwedeng inumin dahil wala pang laman ang tyan ko.

Yaya Sally served our food. Tahimik lang ako at palipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Papa. I was trying to read their reactions kung sinabi ba ni Yaya Sally ang nakita nya kay Papa.

But my father is acting all natural. Sure naman ako sa skills ko na kayang magbasa ng kinikilos ng isang tao. Especially if they're a normal person. Mas madaling basahin ang taong hindi nag-train to be a secret agent. Just like Papa and Yaya Sally. Kaya alam ko na wala pang alam si Papa sa nangyayari sa amin ni L.

I could hug Yaya Sally right now!

"How are you, Codee?" Papa asked when we started eating. "Hindi na kita nakikita kahit nasa bahay ka lang naman."

I glanced at L who's lazily eating his food. Nakatingin sya sa pagkain nya na parang iniisip kung paano mapapabilis ang pag ubos doon without putting so much effort. Parang ayaw nyang mabawasan ang energy nya. I tried to hide my smile. Ang cute nya talaga.

But he's aggressive when we're kissing. Ibang iba sa tamad na L na nasa harapan ko ngayon.

"I'm on my leave, Papa. I want to take this time to rest." sabi ko at kumain na.

"But Sally said that you went to work the other day. Hinatid ka pa daw ni Mr. L?"

My father casually asked that like he's really curious pero grabe ang kaba ko. That was the day when we did something in my car. Napatingin ulit ako kay L pero parang wala syang pakialam sa pinag uusapan namin ni Papa at pinoproblema pa rin ang pagkain nya.

"Uhm..." palusot! Isip ng palusot, Codee! "May kinuha lang po ako."

Grabe na ang kaba ko pero hindi ko iyon ipinahalata sa mukha ko. What's the use of my training anyway? I was trained to conceal my emotions. Kahit na madalas ay nasa hideout lang ako to give assistance to the members kapag may mission, they still trained me things I needed to learn.

Pero hindi ko naman magamit dahil ako lang ang tracker nila!

"Mr. L, hindi ka naman pinapahirapan ng anak ko?"

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala sa akin ang atensyon ni Papa. He asked L instead at dahan dahan pa ang paglingon ni L sa Papa ko. He looked at my father straight in the eyes.

"No, Mr. Vasco. I'm actually having fun with her."

Papa looked surprised at what L had said. I pouted my lips, trying to hide my smile. Nang hindi ako magtagumpay ay itinago ko na lang ang ngiti sa pagsubo ng pagkain sa bibig ko.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon