Chapter 21

170K 6.1K 2.2K
                                    

Now that L already told me his real name, I feel like our relationship moves one step up. Nag-upgrade ang kung ano mang meron kami. From kissing partners, naging kissing-partners-na-alam-ang-totoong-pangalan-ng-isa't-isa na kami.

And it actually makes me happy. I feel like L is willing to share his life with me. Hindi katulad noon na ang mga tanong ko ay sinasagot nya rin ng mga tanong. O hindi kaya ay hindi nya talaga sasagutin.

But I can't still brag to Yucca. Ang gusto nya ay magkaroon muna kami ng label ni L bago ko sya hayaang halikan ulit ako. But we kissed again that night at the party. Gusto ko rin naman na magkaroon ng pangalan ang kung ano mang meron kami pero hindi ko lang mapigilan na halikan pabalik si L.

Masarap ang mga labi nya kaysa sa lollipop. And now I'm addicted.

But I'm worried. I really like L. But then, there's the Red Faction, the game, and the Queen. Ayoko namang mapasok sa gulong ito si L.

"So your nickname came from your surname Elias?" I asked L.

We were inside my car while watching some romantic-action movie. The protagonist is a retired agent pero something happened kaya sya nagbalik sa serbisyo. Then he met a girl who kidnapped his father and used him as a bait para sundin ang mga iuutos nya. And then they fell inlove.

Napatingin ako sa labas. The scenery is beautiful. We were at some highlands at kitang kita ang mga city lights sa baba. But I didn't bother to go outside the car. I am enjoying my time here with L.

Maingat akong sumipsip sa lollipop na kinakain ko para hindi makagawa ng ingay. Naalala ko kasi na ayaw na ayaw ni L na maririnig ang pagsipsip ko doon. I laughed silently. Madumi lang syang mag isip eh!

"Yes." ang simpleng sagot nya sa tanong ko. Nakatingin lang sya sa laptop na nakapatong sa dashboard at tutok na tutok sa panonood.

What's with men and action movies?

"Edi lahat ng mga ninuno mo, L din ang palayaw?"

"No. Ako lang. Maximilian is too long for a name." sabi nyang hindi pa rin tumitingin sa akin.

I wrinkled my nose. He sounds lazy while talking but at least he's answering my question. Kahit na maikli.

Is he really like this though? Mukhang tamad na tamad sa buhay. But I rarely see him sleeping. Baka ayaw nya lang talagang ma-engage sa mga walang kwentang bagay.

Pero hindi naman ako walang kwenta eh.

L is too engrossed with the movie. Nakakunot pa ang noo nya habang nakatitig sa palabas. I pouted. Maingay akong sumipsip sa lollipop at agad ang pagbaling nya sa akin.

Success!

I innocently eat my lollipop. Hindi ko na nilagyan ng tunog ang pagsipsip ko ngayong nakatingin na sya sa akin. Magkasalubong ang mga kilay nya pero maya-maya ay inirapan na ako.

I laughed. So adorable!

"I should call you Maxi, then." I said nang balingan nya ulit ang palabas. But he's distracted now dahil ibinalik nya ang tingin nya sa akin.

"What?"

"Tatawagin na kitang Maxi. Short for Maximilian."

Ilang sandali akong tinitigan ng itim nyang mga mata. I beamed at him but he looked serious. Pinag iisipan nya siguro kung tao pa ba ako o tuluyan nang naging alien.

Nagpapapansin lang naman ako sa kanya. Kanina pa kasi sya nanonood at hindi ako pinapansin. I'm not fond of action movies. Palagi ko namang napapanood through CCTV ang mga ka-team ko sa Red Faction kung paano sila pumatay. Parang araw-araw na rin akong nakakanood dahil doon. Sawang-sawa na ako.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon