Chapter 11

148K 5.4K 1K
                                    

I've been trying to search on the internet on how to seduce a man. I've been doing this for hours pero wala akong makitang matinong sagot. I felt so stupid. Hindi ko inakala na dadating ako sa punto ng buhay ko na magre-research ako para sa ganitong klaseng bagay!

I couldn't accept the fact na naisahan ako ni L. He teased and tried to seduce me. Inakala kong hahalikan nya ako pero hindi nya itinuloy! So I want to get even with him!

Napahiya ako, eh. Pumikit-pikit pa ako. 'Yun pala, kakabitan nya lang pala ako ng seatbelt!

"Make him chase." basa ko nang malakas sa isang article na nabasa ko.

Napasimangot ako. Make him chase, eh, hindi nga ako kinakausap ni L! Kung hindi pa ako magsasalita, hindi din sya magsasalita! Tapos tamad na tamad pa ang tono nya. Feeling ko ay ayaw na ayaw nya talaga akong kausap! So paano ko pahahabulin sa akin si L?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. This is ridiculous. Gusto ko lang na makaganti! Ayoko na naisahan nya ako. I know that I'm pretty and sexy. The woman that every man wants pero walang talab ang alindog ko kay L! Pero sya, ang lakas-lakas ng epekto nya sa akin!

Ang daya!

Naghanap pa ako ng iba pang mga articles hanggang sa nagsawa na ako. It's useless. It's all impossible! Hindi sapat ang basahin lang!

I had no choice but to call Yucca. Sya lang ang kilala ko na maraming alam tungkol sa mga lalaki. Sanay na sanay sya sa mga parties, clubbing at kung ano-ano pa. Sya nga ang ipinapadala sa mga ganoong mission namin dahil expert na sya sa mga ganoong lugar.

And everytime she went to that places, palagi syang may nakaka-flirt na mga lalaki.

This will be the first time that I'll ask her questions that are not related to our missions. Hindi kami nagkakausap ni Yucca, o kahit na ni Enki outside our work. Palaging tungkol sa missons ang mga pinag uusapan namin. So I can say that we're not friends.

"Alter." I heard Yucca's formal voice when I answered the call. Siguro ay iniisip nya na may kinalaman sa misson kung bakit ako tumawag. Nag alanganan akong ituloy ang pagtatanong ko.

"Yucca." paano ko ba sisimulan?

"What's up?" she asked.

I scratched the back of my ear. Okay. This is awkward. We're not friends pero bakit ko sya tinawagan para magtanong tungkol sa mga ganitong bagay?

Pero may kinalaman naman 'to sa mission, right? I'll try to seduce L. At kapag gumana, baka pagbigyan nya ako na hindi muna samahan sa buong araw? Then I'll have my time to go to the hideout and do the mission.

Oo, tama. 'Yun nga. Tungkol sa misson din ito.

"Do you know how to seduce a man?" I asked directly.

Silence fell. Ang akala ko ay binabaan na ako ni Yucca dahil ang tagal nyang hindi nagsalita. I even checked my phone pero nakita ko na nakakonekta pa rin ang tawag so I presume that she got surprised by my question. It's rare for me to ask these kind of questions dahil mas zero pa sa zero ang lovelife ko and Yucca knew about that.

"Wow... This is new, Alter." sabi ni Yucca nang makabawi.

Yeah. Ever since L, ang dami ko ngang na-exprience na bago.

Nakahulog ako ng lollipop na hinding hindi pa nangyayari sa akin. Two times pa! Then I make myself look stupid by disguising myself as different types of people. And now, this.

"So ano? Alam mo nga?" I asked and I heard her laugh.

"Of course, Alter. Are you seriously asking me that? It's offensive."

Chess Pieces #3: Maximilian EliasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon