5

47 1 0
                                    

Malakas ang ulan sa labas,wala kang makitang ni kahit isang taong naglalakad,malakas ang hangin,at nag simula ng mabali ang sanga ng mga punong kahoy,nakatayo ako sa may harap ng bintana,hinihintay kung dumating ang asawa ko...

Kahapon ng kasal namin at pagkatapos noon ay dumeretso na kami sa bahay namin na daat bahay nila ella...kung tuloy ang kasal nila..masaya ako kasi ako ang napangasawa niya pero nakakalungkot lang isipin na pinakasalan niya ako pero hindi naman niya ako mahal,hindi na rin katulad ng dati na pinapansin niya ako,at inaasar,ngayon sobrang tahimik niya,hindi niya ako iniimik..isang simpleng bahay lang ito,hindi pa tapos ang ibang kwarto kulang pa ng ibang gamit,gusto kung ayusan pero alam kung wala aking karapatan....

Naubos na rin ata lahat ng kuha ko,masakit na ang mata ko sa kaiiyak buti nalang wala akong sakit sa puso,siguro patay na ako noon pa...kanina maaga akong nagising dahil pinagluto ko siya ng breakfast,pero hindi man lang niya pinansin ni hindi siya pumunta ng kusina..one week before our wedding ay nag -aral akong magluto..nagpaturo ako sa chieft namin...gusto ni mommy na may kasama kami sa bahay pero sinabi kung ayos lang ako..dahil alam kung magsusumbong lang ang magiging kasambahay namin sa parents ko ..iniwan ko lahat ng naka ugalian ko sa bahay namin,kotse,atm,credit card,..damit ko lang ang dinala ko dito...kotse lang ni kurt ang ang nasa garahe,sports car niya at yung USV niya...wala pa siya hanggang nagyon alas 10:34 na ng gabi at wala pa siya.....

Napabuntong hininga ako at humiga sa mahabang sofa...

Naalimpungatan ko ang malakas na katok kaya napabangon ako at binuksan ang pintuan..

Kurt.....

Sambit ko pero bumagsak lang ang katawan niya sa katawan ko,amoy alak siya....

Pinilit ko siyang itayo ng maayos at dinala sa kwarto namin,bumagsak kami pareho sa kama,dahil sa bigat niya...nakapatong ako s kanya..tinitigan ko ang mukha niya namumula dahil sa kalasingan...

Tumayo ako pumunta ng kusina,kumuha ako ng warm water at basin at umakyat ulit ng kwarto....tinanggal ko ang sout niyang long sleeve at pinunasan ang boung mukha niya pababa sa kanyang leeg....

Tulog na tulog siya....

Hinaplos ko ang mukha niya, at umungol siya....bigla akong kinabahan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko na naahawak sa pisngi ko....

Ella.....ella please dont leave me....mahal na mahal kita....

Bigla akong natigilan ng nagsalita munit tulog siya...biglang naglandas ang luha ko at impit na humikbi....tumagilid siya at tuluyan ng tumahimik..

Tumayo ako at dahang -dahang lumabas ng kwarto namin.dala ko ang basin at tubig nilagay ko sa ibabaw ng lababo at bahagyang yumuko...pinunasan ki ang luha ko at bumalik sa kwarto namin,ala una na ng madaling araw...humiga ako at tumalikod sa kanya at natulog....

Nagmulat ako ng mata at pinatay ang alarm clock ng phone ko....bumangon ako at tinali ang buhok ko,naatingin ako sa katabi ko na mahimbing pa rin siyang natutulog..alas -sais palang ng umaga....tinitigan ko ang mukha niya...at di ko napigilang haplusin ang mukha niya...napabuntong hininga ako at lumabas ng ng kwarto..

Nagluto ako ng almusal namin at nagtimpla na rin ako ng coffe....maya -maya pa may narinig akong pababa ng hagdan...kaya pumunta ako ng sala..

Ang gwapo niya sa simpleng polo t-shirt lang na puti at jeans....napatingin siya sa akin..kaya napayuko ako..

Naihanda ko na ang breakfast natin..sambit ko..

Hindi ako gutom....malamig niyang sambit..

K-kurt...

Asawa mo lang ako sa papel emerald,hindi ko hinihingi na asikasuhin mo ako,o gawin mo ang reputasyon mo bilang asawa ko,dahil kung si ella ang nagluto o nag aasikaso sa akin masisiyahan pa ako,huwag mo akong pakialaman sa gusto kung gawin dahil AKO WALA NA RIN AKING PAKIALAM SAYO...matalim niyang sambit..napalunok ako...at napatingin s kanya....AT HUWAG MO AKONG IYAKAN DAHIL KAHIT UMIYAK KA NG DUGO SA HARAPAN KO WALANG MANGYAYARI AT HINDI MUNA MAIBAALIK ANG LAHAT NG NANGYARI...sigaw niya sa akin...kaya marahan kung pinahid ang luha ko..

I-im sorry..

Stop saying sorry dahil alam kung sinadya mo ang lahat...sigaw ulit niya sa akin....at hinaklit ang dalawang braso ko at hinigpitan ang paghawak..

Kurt nasasaktan ako..

Masasaktan ka talaga dahil sa ginawa mo,hindi ko alam kung mappatawad pa kita...pero ito ang tandaan mo hinding -hindi kita mapapatawad at after 1 year,maghihiwalay tayo....madiin niyang sambit at tinulak niya ako pabagsak sa sofa....at dali -dali siyang lumabas ng bahay....

At doon ako nag iiyak,humagol-gol aki ng iyak....ang sakit -sakit...ang bigat ng dibdib ko....bakit ba nangyayari sa akin toh..alam ng diyos na hindi ko sinasadya...sinadya ko nga ba??bakit ako ang labis na nasasaktan??

Tumayo ako at niligpit ang hinanda ko kanina,at umakyat sa kwarto namin at dumapa sa kama at umiyak...hanggang sa di ko namalayang nakatulog ako...

Nagisinig ako dahil sa malakas na tawanan ng dalawang tao na nagmumula sa sala...

Nag -ayos ako ng sarili ko at bumaba..

Nakita ko sa sala si kurt may kasamang babae,magkatabi pa silang nakaupo sa sofa at naka -akbay pa si kurt sa baba...habang ang babae naman ay nakayakap kay kurt at hinahaplos ang dibdib nito pababa sa kanyang tiyan...napalunok ako at napaatras sa nakita ko..di ko namalayang natabig ko ang isang vase at nabasag....

What was that?? Rinig kung sambit ng babae..

Maybe my wife....walang emosyong sambit din ni kurt

Oh i see...sabi ng babae...

Napayuko ako at pinulot ang nabasag na vase at dahil nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ko nakita kung nasugat ang kamay ko pero di ko ramdam ang hapdi....mas masakit ang sugat sa puso ko...tumayo ako at hinayaan ko lang ang kamay kung nagdudugo at bumababa at dumeretso ng kusina para itapon ang basag na vase....pagkatapos nun ay pumunta ako ng lababo at hinugasan ang kamay ko..nakita kung may halong dugo ang kamay ko..hindi lang pala isa,kundi dalawa...

Maghanda ka ng meryenda namin at dalhin mo sa kwarto natin,may tatapusin lang kami ng secretary ko...narinig kung sambit ni kurt...nakagat ko ang pang ibabang labi ko para hindi ako mapahikbi sa narinig ko...

Narinig mo ba ako??

O-oo sige,ihahatid ko nalang doon mamaya..pinilit kung hindi mapahikbi habang sinasabi ko yun..

Okay bilisan mo...sambit niya at narinig kung lumabas na siya ng kusina...

Umiyak nalang ako...pero tama siya hindi ko kailangang umiyak,kaya naghanda nalang ako ng merienda nila at dinala sa kwarto namin...kumatok ako pero walang nagbubukas ng pintuan kaya binuksan ko ngunit walang tao sa loob...

Ngunit maya -maya bigla akong kinilabutan ng makarinig ako ng ungol mula sa cr...hindi ako makagalaw,maya -maya pa narinig kung bumukas ang pintuan ng c.r kaya dali -daki kung nilapag sa center table at lumabas ng kwarto at pumunta ako sa likod ng bahay....

Lumipas ang ilang araw matapos ang pangyayaring yun ay hindi ko siya tinanong o nagtanong man lang..dahil kapag sinusubukan kung magtanong ay naalala ko yung sinabi niya na HUWAG KO SIYANG PAKIALAM...

Ganun pa rin siya sa akin,ipaghahanda ko siya ng pagkain pero hindi niya kinakain...ala -una ng madaling araw na siya nakaka uwi,pati sabado at linggo nagtatrabaho siya..hindi ko alam pero alam kung sinadya niya yun..ako ang naglilinis ng boung bahay,at naglalaba,natututo akong magplantsa at maglaba..maghugas,mag mop..mahirap,sobrang hirap.kapag nakikita ko ang sugat sa mga kamay ko nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko..pero kulang pa yun kumbaga sa sakit na nararamdaman ko..ilang araw na rin akong parang wala sa sarili,wala akong ganang kumain...hindi ko naglalabas ng bahay..dahil wala naman akong pupuntahan..laging tumatawag si mommy at daddy at kinukumusta kami pati na sina mama at papa...sinasabi ko lang na okay lang ako,kami...

"18 ROSES" ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon