Chapter 5: Clinic

61 3 0
                                        

MICHELLE'S POV:

"Tingnan mo ayan na sya. Grabe hindi naman pala kagandahan mas maganda pa ang hinlalaki ko sa paa sa kanya"

"Oo nga friend. Bakit sya pa iba na ba ang taste ni CN ngayon grabe"

"Naku baka ginayuma nya lang look at her mukha syang witch"

Huh? Sino kaya pinag-uusapan ng mga ito? Nakakatakot sila tumingin. Im scared.

"Are you Michelle?"

Huh? Paano ako nakilala ng tao na to?

"ha? Ah oo bakit?"

"Hinahanap ka ni Althea sa may likod ng campus"

Si Althea hinahanap ako bakit kaya?

"bakit daw?"

"Pumunta ka na lang kung ayaw mong mas mapasama ka"

Mas mapasama? Bakit ano kaya nagawa ko. Hindi kaya nachismis ako na nalilink kay CN or any hot guys na kilalang kilala dito sa campus. Oh ano! Gusto ko pang mabuhay ng matagal.

Pumunta na ako sa likuran ng campus katulad nga nung sinabi nung babae kanina hinihintay ako ni Althea. Omo nakakatakot sya tumingin. Para syang tiger na anytime lalapain ka. Every step na gawin ko parang patungo na ako sa aking hukay.

"Mabuti pumunta ka"

"ha? Ahm! Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Gusto mo bang malaman kung bakit ha?"

"Oo naman kasi ayokong tumunganga lang sa wala"

"Ok!"

Sinenyasan nya yung ibang mga babae na lumapit sa kanya. Bakit kaya? Ano kaya ipapagawa nya sa mga to?

"Hey come here!"

Utos ni Althea sa akin. Palapit na sana ako ng biglang.

"MICHELLE"

Tinawag ako ni sarah lumingon naman ako sa kanya.

"Hoy Althea. Anong balak mong gawin sa friend ko ha"

"You don't care. Syaka sino kaba para mangialam sa mga gusto ko ha. Stupid girl, kahit anong gawin ko dito sa babaeng to. It's not your business to know so go get lost"

"Aba! Hoy bruha ka. Kaibigan ko lang naman yang gagawan mo ng masama kaya may pakealam ako"

Fall For MeWhere stories live. Discover now