Chapter :Missing You

3 0 0
                                    

CHRISTIAN NIEL'S POV:

mahigit isang taon na simula ng mangyari ang araw na iyon.Isang taon ng sa malayo lang nakatingin samantalang ang mahal ko ay may kasama ng iba isang taon. Unti-unting dinudurog nito ang puso ko sa kadahilanang may kasama na siyang iba. Kung sakali bang malalaman mo ang dahilan ng mga sinabi ko sayo noon mapapatawad mo pa ba ako? Ginagawa ko lang ito para mailayo ka sa mga makakasakit sayo. Tama bang pinagtabuyan at sinaktan kita? Sana naman may pagkakataon akong itama ang lahat. YUng maari kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita at mahalaga ka ng walang mananakit sayo. Oo Michelle kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sayo. MAsaya ka na nga ba sa kanya? Wala na ba talaga akong puwang sa puso lahat ba ng ginawa at ipinakita ko sayo noon ay balewala lang sayo talaga bang siya ang gusto mo kung ganun hihinto na lang ako.

Ngunit paano? Ikaw lang parati ang laman ng isip at puso ko paano ko gagawin yun?

"Niel lumabas ka nga ng kwarto mo lagi ka na lang nagkukulong diyan simula ng mawala si Angela  ganyan kana"

akala ng lahat dahil kay Angela kaya ganito ako. Ang hindi nila alam dahil kay Angela pinilit kong layuan at ipagtabuyan ang taong mahal ko. 2 months ago namatay si Angela sa car accident. Lasing daw ito at hindi napansin na may paparating na sasakyan. Ito yung araw na nakipag break ako sa kanya.

flashback:

"Angela mag-usap tayo"

"Ano naman paguusapan natin Babe?"

"Angela ayoko na makikipag break na ako sayo. Alam mo naman kung sino ang mahal ko diba? Wala na akong pakealam kung ipagkalat mo sa media na naging fake ang relasyon namin ni michelle noon. Gawin mo ang gusto mong gawin gagawin ko ang lahat para protektahan siya"

"WHAT!!!!! Ayoko hindi tayo magbrebreak. Niel mahal kita hindi pa ba sapat ang walong buwan para mahalin mo rin ako. Ano ba ang meron kay michelle ng wala sa akin at hindi mo ako kayang mahalin. Beside may carlo na siya at balitang balita na mag on na sila."

"Damn you Angela alam mo naman pala na si michelle ang mahal ko pero ano ginawa mo. Pinagsiksikan mo pa rin ang sarili mo akala mo ba porket nakuha mo na ako pati ang puso ko makukuha mo shit. Hindi mangyayari yun. Si michelle lang ang tanging nagmamay ari ng puso ko kaya kahit anong gawin mo hindi mo siya mapapalitan sa puso ko tandaan mo yan"

"Niel wag mo naman gawin sa akin to mahal na mahal kita eh!"

"Angela tapos na tayo. Bye!"

Hindi ko akalain na magiinom pala siya non. On  my part parang may kasalanan din ako kung bakit nangyari sa kanya yun. Hayst bakit ba ang lupit ng tadhana sa akin.

*Kring! kring!*

"Yes Tita Lot, bakit napatawag ka"

"Hay Niel sa wakas sinagot mo rin ang mga tawag ko."

"Ano ba yun?"

"Kailangan kitang magjudge sa contest for modelling "

"Sabihin mo tita Lot ayoko"

"Hayst ang tigas ng ulo mo. Lagi ka na lang bang magmumukmok diyan para kang tanga. Sisirain mo ang career mo sa ginagawa mo niyan eh!"

"I dont care basta sabihin mo ayoko"

"Talaga bang ayaw mo?"

"Ayoko"

"Ok si Carlo na lang tatawagan ko para mag judge. Ang pagkakaalam ko kasama sa listahan ng mga kalahok si Michelle Mendoza. So tingin ko nga si carlo na lang tatawagan ko tutal kasama ang girlfriend sa mga kalahok. Hay unfair sa iba yun ede si Michelle na palalanuhin nun."

ok ginamit na naman niya ang pangalan ni michelle at ni carlo. Kabisado na si tita lot kung paano ako mapapayag.

"Fine fine i'll be there"

"hahahaha gotcha! Hindi ako nagbibiro I really saw michelle's name sa mga kalahok sige na lover boy magpapogi ka na"

"What damn ano ba yang pinagsasabi mo sa akin tita lot"

"Bye.. ek ek ek ek"

"at talagang binabaan pa ako ng phone"

ito na ba ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko at nag mga nangyari for that past year. Kung sakali bang magexplain ako sa kanya........... Ano ba tong sinasabi ko sila na ni carlo. And I know how sweet they are at I feel they love each other. Hindi ko na dapat sila guluhin pero still i need to explain and tell her how I feel.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall For MeWhere stories live. Discover now