MICHELLE'S POV:
Nandito ako ngayon sa classroom. Tahimik na nakaupo at nakikinig sa aking professor sa history. Nakikinig nga ba talaga? Eh kasi alam nyo yung nakakatamad ito yun oh! ito! Boring talaga. Napabuntong hininga ako ng malalim. May iniisip kasi ako. Yung sinabi ni niel ano kaya ipapagawa nun? Seryoso talaga sya? Hay batang isip talaga kahit kailan yun.
"Ui michelle, parang ang lalim ng iniisip mo ah!"
"Ha? Ahm hindi naman"
"Sus halatang-halata eh! Ano problema?"
"Ha? Ah! Wala yun ano kaba"
"Ok! Ikaw bahala"
"nakakatamad magturo si ma'am ano"
"Oo nga feeling ko nga nagpapahele sya nakakaantok kasi pag nagtuturo na sya hehehe"
"Parang jiglipop lang ang peg ni ma'am hehehe"
"haha! Oo tama ka"
"MISS MENDOZA. MISS TORRES"
Nagulat kami parehas nung tinawag kami ni ma'am. Pinagtinginan naman kami ng mga kaklase naming.
"Yes ma'am"
Sabay naming sagot.
"Go in front"
Haya bakit kaya. Wiw nahuli ata kaming nagkwekwentuhan ni ma'am lagot. Para pa namang monster si ma'am pag nagalit
"Isali nyo naman kami sa pinag-uusapan nyo doon sa likod para kasing mas interesting yung pinagkwekwentuhan nyo kesa sa topic natin"
Nagtawanan ang buong klase si ma'am seryoso lang. terror talaga kahit kailan. Magpahiya daw ba ng student. Sabagay kasalanan din namin.
"Bakit ang tahimik nyo? Hindi ba kayo magshashare sa buong klase? Ng pinag-uusapan nyo"
Nakayuko lang kami ni sarah tahimik lang.
"Ok seatdown both of you. Mamaya pumunta kayo sa faculty may pag-uusapan tayo"
Tumango lang kami at umupo na sa pwesto namin.
"Ok class dismissed na! ms. Mendoza and ms. Torres came with me sa faculty"
Sumunod naman kami sa kanya. Wala pa ring nagsasalita sa amin hanggang sa dumating na kami sa loob ng faculty roon.
"Maupo kayo"
Umupo naman kami.
"Hindi na kayo bata para pagalitan alam nyo na mga ginagawa nyo. Alam nyong ayokong-ayoko na may sumasabay sa akin pag nagdidiscuss diba!"
YOU ARE READING
Fall For Me
Teen FictionA story of a lady named Michelle, who will meet this two famous and richest heir, Christian Niel Garcia and Charles Louis Han. One who will make her heart flatter and the one who will hate him from the bottom. Which of this two will gonna get her...