CHAPTER 12: Kiss On Public

41 3 0
                                        

MICHELLE'S POV:

Alam mo kung sino ang pinaka nakakainis na tao na nakilala ko. Hulaan nyo dali! Ay kahit wag nyo na hulaan sasabihin ko na lang. sino pa ba! Ede si Christian Niel. Yang niel na yan somosobra na akala nya masisindak nya ako ha! Lalabanan ko sya. Alam nyo bang kanina pa ako binibwiset nyan sa bahay pa lang. grabe ang konsume ko sa taong yan. Hahayst! Kung siguro nasa 50+  na ang age ko kanina pa tumaas ang Bp ko ay hindi pala na-stoke na pala. Sobra-sobra kasi yung konsume na ginagawa nya sa akin eh!

So ito na nga tayo. Pumasok na kami ni tita charlotte  sa kwarto para ayusan na ako. Hinarap nya ako sa isang malaking salamin. Ang una niyang aayusin ay ang buhok ko. Kinulot nya tapos gumawa sya ng parang bun yung nakaladlad kinulot nya. Next naman ang make up nilagyan nya ako ng foundation powder next yung eyelashes ko nilagyan nya ng mascara nilagyan nya din ng eyebrow pencil ang kilay ko. Teka mali ata pagkakasabi ko ah hahahaha! Nilagyan talaga ng eyebrow pencil Delete! Delete! Ginuhitan nya ang eyebrow ko ng eyebrow pencil. Oks na ba? Next naman yung cheek ko nilagyan nya ng blush on. Syaka next yung lips ko nilagyan nya ng kulay rosy red na lipstick. Hindi naman makapal ang make-up ko. Ayos lang para mamaya. Pagkinapalan kasi magmumumkha akong matanda. Ayoko naman ng ganun. Ok last but not the least ang aking isusuot na damit. Hmmmmm! Simple lang sya pero maganda para sa mga sosyalin na okasyon katulad ng pupuntahan ko mamaya. Do you want me to describe it? Ahmmm! Black dress sya na may strap hindi naman patub may ribbon sya na pula. Above the knee ko sya. Hahaha! Hindi ako marunong talaga magdescribe. Basta sexy syang tignan, pero hindi naman bastusin ayos lang. lastly yung shoes ko isang 2 ½  heels na sandal na kulay black. Taas nga eh! Hindi pa naman ako sanay sa heels.

"PERFECT!"

Sigaw ni tita charlotte ng humarap ako sa kanya at tumayo at umikot na rin hehehe!

"Alam mo hija you look so gorgous. Magugustuhan ni niel itong ayos mo. Mas lalong ma-iinlove sayo yun ^_^"

"ahehehe! Salamat po. Nahihiya naman po ako sa compliment ninyo sa akin (*≧ω≦*)"

"ano ka ba hija yang ganda na yan hindi ikinahihiya ang dapat dyan binabalandra. Pero ngayon hindi na pwede may niel kana eh heheheheh! Naku madami magugulat sa party nyan.   Mapapatingin sila sa inyo. Alam mo ba hija bagay na bagay talaga kayo ni niel"


Nginitian ko lang sya ng isang sweet na ngiti. Isipin ko pa lang na bagay kami para sa isa't isa ni niel nasusuka na ako. Ew kaya yun.

"Oh! ano tara na labas na tayo para maipakita na natin kay niel yang ayos mo. Kung papasa (⌒‿⌒) mapapanganga siguro yun sa ganda mo (⌒‿⌒)"

So ayun na nga lumabas na kami ng kwarto. Nakita ko si niel nandoon nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Siya pa nga ang cover nung magazine na tinitingnan nya. Nang mapansin niya na bumakas na ang pinto na pinag-ayusan ko napatingin sya sa amin. Sa amin nga ba o sa akin lang. assuming ano hahaha! Nakakalusaw yung tingin niya eh! Speechless much ba sa itsura ko? O inuusig lang niya at lalaitin pagkatapos. Ganyan yan eh.

"Sabi ko na nga ba sayo eh! Mapapatulala sayo yang boyfriend mo :)"

Pabirong sinabi ni tita charlotte sa akin.

"Ui tama na ang pag-titig sa girlfriend mo baka malusaw yan sa kakatitig mo"

Biro ulit ni tita charlotte kay niel. Binalik naman ulit ni niel ang tingin nya sa magazine na hawak-hawak nya kaso nakikita ko syang patingin-tingin sa akin.

"Ui sweetie, ayos lang ba?"

Malakas ang pagkakasabi ko sa kanya para namang nagulat sya sa pagtatanong ko medyo naubo eh! Or sa pagtawag ko ng sweetie sa kanya yun.

Fall For MeWhere stories live. Discover now