chapter 4: Her savior

61 4 0
                                        

MICHELLE'S POV:

Nakakainis talaga ang taong yun ayst. Akala nya kung sino syang gwapo ew sya. Ew talaga. Assuming masyado. Taas ng paghanga sa kanyang sarili. Kainis, pasalamat sya malaki ang kikitain ko sa kanya sa pagiging personal assistant ko.

"MICHELLE! MICHELLE! MICHELLE!"

Woh! Sino tumatawag sa akin. Ah! Si sarah pala. Inintay ko syang makalapit sa akin.

"Ang binge mo naman kanina pa kita tinatawag kaya"

"Ay ganun ba. Pasensya kana may iniisip lang kasi ako eh hehehe"

"Ano naman yang iniisip mo ha?"

"Ha? Ahm! Ah! Wala wala hehehe"

"Sus! Pabitin talaga. Wala daw eh siryosong siryoso ka kaya kanina"

"Hehehe ganun ba. (*¯︶¯*) basta wala lang yun hehehe. Hindi naman masyadong mahalaga yun hehehe"

"naku ayaw lang mag share. Tara na nga lang kumain na tayo ng lunch may next class pa tayo maya maya sila Jasmine, Elaine at Steph andoon na rin sila"

"Mas maganda pa nga. Nagugutom na din naman ako hehehe"

Nagpunta na kami sa karinderia. Oo tama kayo ng rinig sa karinderia nga ang sinabi ko. Sa karinderia kami kumakaing tatlo. Cool din naman itong si sarah kahit papaano hehehe hindi sya maarte. Karaniwan kasi ng mayayaman maarte sya hindi go lang ng go. Parang globe lang hehehe. What I mean is kalog syang tao^^ Like nila Jasmine, Elaine at Steph na kahit isinilang silang may golden spoon hindi sila mapangmatang tao kaya nga naging matatalik ko silang kaibigan eh! Now I have my new friend si Sarah.

Umupo  kami sa pwesto ng kakainan namin. Tinanong ko kung anong ioorder nila sabi nila kare-kare daw kay Sarah. Huwow! Kumakain sya nun. Ako kasi hindi eh hehehe. kila Jasmine naman chicken Fillet, Siniganag at Menudo ako naman ang order ko ay sisig. Yhum! Yhum! Sisig.

Pagkaorder ko back to our place the kainan place ulit. Iniintay dumating yung inorder namin. Ilang sandali lang may narinig na akong nagsisigawan sa labas mga babae na nagtitilian. For sure isa yun sa mga sikat na studyante sa campus at hindi nga ako nagkamali si Charles Louis Han ang mga tinitilian ng mga babae dun sa labas. Cool nyang tingnan pero parang wala syang pinapansin . snobbish pala tong Charles Loius Han na to. Teka wait is he coming here. Dito sya kakain. Di nga. Wiw! Kakabilib wah! Meron palang katulad niyang apo ng pinakamayamang pamilya na nagtitipid hehehe! Nganga ako sa kanya. Syaka hindi maarte. Sila sarah nga din nagulat din ata.Mga  Nakanganga nga ang mga luka hahaha! Sinundan ko ng tingin ito hanggang sa pumunta sya sa counter at omorder dun. Yung tindera tulala eh si Charles Loius Han ba naman maging kaharap hindi ka kaya ma-starstruck hehehe. Ngayon lang ata kumain dito si carlo. Ano kaya naisipan ng lalaking to at kumain sya dito sa isang cheap na kainan hmmmm!

"Michelle. Ui! Baka matunaw si Charles kakatitig mo dyan hahaha"

Fall For MeWhere stories live. Discover now