Episode 32

8.4K 116 2
                                    

Sinugod sa hospital si Kate dahil sa pananakit ng kanyang tiyan at nahimatay ito. Alalang alala sila Emman at Kiko. Sinusuri pa siya ng doctor sa loob.
Kahit nasa hospital, may tensyon parin sa pagitan ni Emman at Kiko at makikita sa mata  nila na sinisisi ang isat isa sa nangyari.

Lumabas na nag doctor sa kwarto at gustong kausapin ang kamag anak ng patiente.
Dali daling pinuntahan nila Kiko at Emman ang doctor.
" doctor, kumusta po siya?" sabay na tanong nila.

"Sino ba ang kamag anak ng patiente?" tanong ng doctor sa kanila.
Sumagot naman si Emman, " ako po ang asawa niya. Kumusta po siya doc?" nag - aalalang tanong ni Emman.

Tinitigan naman ni Kiko si Emman at sa isip niya, " asawa ka lang niya pero hindi ka naman ang ama ng bata!"

Nagsalita ang doctor, " Marami bang problemang iniisip ang asawa mo? Dahil sa itoy nakakasama sa kanyang pagbubuntis. Emotionally stress. Habang tumatagal ay nanghihina ang katawan ng asawa mo dahil sa stress na kanyang nararanasan. Naaapektuhan rin ang bata na nasa sinapupunan niya. Maaari itong magdulot ng hindi maganda o kaya manganganak siya ng hindi oras. Kaya, kailangan niyang magpahinga at iwasan ang mga bagay na nakakastress at mga problema. Kung maaari, iwasan na siyay magalit, sobrang lungkot at mga emotiong nakakasama sa kanya. Iwasan rin na mapagod siya. Nasa six months pa ang bata kaya kailangan na alagaan niya ang kanyang katawan at  kalusugan. Sa ngayon, okay na sila."

Then umalis na ang doctor.
Pumasok na si Emman sa kwarto. Si Kiko naman ay hindi na pumasok. He just stand infront of the door.
"Nariyan na ang  iyong asawa.. Pero kung kailangan mo ako, narito lang ako. Magpagaling ka Kate. Para sa yo, at para rin sa bata. " bulong ni Kiko sa sarili. At umalis na rin siya.

Kate was sleeping. Minamasdan naman siya ni Emman na nakaupo sa may gilid ng kanyang kama.. Hinahawakan niya ang kamay ni Kate.

"alam kong nahihirapan ka sa mga nangyayari sa buhay. Magpakatatag ka lang Kate." sabi ni Emman.

Dumating ang ina ni Kate na sobrang nag aalala.
"Kate!!" sigaw ng ina ni Kate na papasok sa kwarto.

Nabigla si Emman., "auntie!?"

Nilapitan niya si Kate na nasa kama. " anong nangyari sa kanya? Kumusta sila ng baby?"
Sumagot naman si Emman, " Ang sabi ng doctor okay naman po sila, but kailangan na iwasan na mastress siya at mapagod. "

Mas nilapitan ng ina ni Kate si Kate. Tumayo si Emman at pinaupo ang ina ni Kate. She touches the face of Kate.

"kawawa naman ang anak ko.. " sabi ng ina niya.

"Sorry auntie Sorry po kung may ginawa po ako." he apologized.
Sumagot ang ina ni Kate, " Bakit ka nagsosorry? May ginawa ka bang kasalanan?"

Nabigla si Emman sa tanong ng ina ni Kate," po?"
She looked at Emman na medyo malungkot ang mukha.

"kasi po auntie, nakipag away po ako sa kakilala ni Kate.. Tapos pinagsabihan na niya kami pero hindi kami nakinig kaya nahimatay po siya dahil sa sobrang emotion.."  he felt sorry.

" Bakit mo ako tinatawag na auntie..? Di ba dapat mama?" sabi ni Karla, ang ina ni Kate

" po?" hindi makasagot si Emman.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang ina ni Kate.  " Mahal mo ba ang anak ko?? O mahal mo na ba ang anak ko?"

Speechless si Emman.. Nahihiyang sumagot.

Dumating ang principal at guro nila.

" kumusta na si Kate?" tanong ng principal.

Meanwhile. . Walang malay man si Kate but she had a dream.

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon