Episode 42

8.1K 84 1
                                    

Napatingin si Flora kay Kate habang hawak ang kanyang cellphone.
" Anong nangyari?" tanong ni Kate.
" Kate..wag kang mabibigla..  Ang mama mo.. " sagot ni Flora.

Hindi man napatuloy sa pagsasalita si Flora, naramdaman lang ni Kate ang mga pangyayaring hindi maganda.

Bigla nalang umiiyak si Kate. Napasigaw ito, " HINDIII!! NOOO!! Hindi Flora!! Buhay pa si Mama.. Shes still here kanina.. No!!"
Napaiyak rin si Flora. Nakatayo lang ito sa may upuan. Habang si Kate ay naglalakad ng dahan dahan.
Kate was holding the wall while walking.. " hindi ito maaari..gusto ko siyang makita. "

Napatigil ito sa paglalakad.

Napatigil ito dahil sumasakit ang tiyan nito. "Aahh..."
"Kate?" sabi ni Flora na napansin ang kakaiba kay Kate. Pinuntahan niya agad si Kate.
"Kate, okay ka lang ba??" nag aalalang tanong ni Flora.

"aahh.. Ahhhh" sigaw ni Kate. Masakit na masakit na ang tiyan ni Kate na parang manganganak na siya. Seven months pa naman ang baby..

"doctor! Doctor! Nurse! Tulungan ninyo kami!" napasigaw si Flora.

Kates pov
Bakit ba ang isang tao ay nakakaranas ng mga problema? Sa buhay kong ito, simula nong araw nayun.. ang pagkakamaling yun ang bumago sa buhay ko. Naging masaya, malungkot at pagdurusa. Kailan ba ito matatapos?

Ginusto ko na ako ang unang makita ni Emman pagkagising niya.. But then wala ako sa tabi niya at naroon ako sa isang silid, mag isa. Nanganak ako ng hindi oras, seven months pa si baby.. si baby Enrico. Premature baby at nasa incubator at nagpapalakas... but then, napakatapang niya at hindi sumusuko. Please baby, wag kang susuko!

After three days, libing na ni mama at ako ay narito lang sa hospital, hindi makalabas.
Si Emman at ako ay nasa iisang hospital, nakalabas na siya na may bandage naman sa ulo. He is okay now. Binisita niya ako.

" Kate.." sabi ni Emman na bakas sa mukha ang kalungkutan.
No words from Kate. Napaluha ito.
Lumapit si Emman sa kama at yumakap si Kate sa kanya. Umiiyak ito.

Pagkatapos ng ilang buwan, nagkaroon na ng hearing. At ang pinakamatibay na ebidensya ay narito na.
Naroon rin si Emman at lilitisin rin dahil siya ay nasangkot sa kaso.

Sinabak muna ang mga kaibigan ni George," kayo ba ang nasa video..?" tanong kay Yael.
Sumagot siya, " Hindi po!"

Tinanong rin si Paul, " Ikaw ba ang nasa video na nasa labas ng storage room?"
Sumagot rin siya na " napadaan lang kami nong oras na yan!"

Tinanong rin si Monay, " Ang sabi ay sa iyo raw ang cellphone na ginamit sa pagvideo.. So naroon ka ba sa oras na yun?"
"Sa akin po" sagot niya.
Tinanong ulit soya, " sino ang kumuha?"

" ako po!" sagot ni Monay.
" Sila ba ang naroon sa oras na yun?"

" opo, sila ang look out habang si George ang nasa loob." sagot niya.

Sumigaw si George at nagreact." nagsisinungaling siya!! Mukhang pera ang babaeng yan! Binayaran yan!!"
"order of the court!"

Mukhang pera nga si Monay pero sinabihan siya ng kanyang ina na kaibigan ng mama ni Kate na sabihin ang katotohanan. Naawa rin sila kay Kate.

Tinanong rin si Kiko, " naroon ka ba noong oras na yun? Ikaw ba ay isa sa mga lalaking kasabwat ng suspek!?"

Tumingin muna si Kiko kay Kate. Bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi.
Nagsalita na siya, " ako po ay kasama ni George. Nagkatuwaan at nagpustahan po kami na makukuha ni George si Beverly na crush niya pero sa kasamaang palad ay si Kate ang naroon at hindi si Beverly."

Nabigla sila sa kanilang nalaman. Si Beverly na naman ang dahilan ng lahat.

Umalma na naman si George. " Nagsisinungaling siya.. Gusto lang niyang magpaimpress kay Kate. May gusto si Kiko kay Kate!"

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon