Episode 40

8.2K 87 0
                                        


They were gathered at the long table na kasama sina Emman at Kate.
They were eating habang nagkwekwentuhan. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan.
Sa may gilid naman ang mga pagkain. Tumayo ang ina ni Emman para kumuha ng makakain at sumunod naman ang ina ni Kate.
They were standing next to each other.

"Salamat mare sa pag aalaga kay Kate nong mga oras na nasa sa inyo siya." pasasalamat ng ina ni Kate sa ina ni Emman.

"Ako nga ang dapat magpasalamat dahil sa kasunduang hindi  makukulong si Emman at mawawala ang scholarship niya. Nahihiya ako sa ginawa ng aking anak noon.." sabi ng ina ni Emman.

Hinawakan ng ina ni Kate ang kamay ng ina ni Emman," Mabuting tao si Emman.. At sorry rin kung nadamay man ang iyong anak at pinakasal agad kay Kate. Pasensya sa mga padalos dalos na mga desisyon."

"Si Kate ay parang anak ko na. At gusto ko siya para sa aking anak." sabi ng ina ni Emman.
Minamasdan nila ang mga bata na masaya at nagtatawanan sa mesa.

Tumayo si Aster na dala ang isang wine glass na ang laman ay juice. He raised it up.
"para sa masayang kaarawan ni Kate!!" sigaw ni Aster.
Tumayo rin si Dino and raised the wine glass  " para sa kanila ni Emman!" sigaw niya.
" malalagpasan nila ang mga pagsubok!!" sigaw ni Flora.

" May forever!!" sigaw naman ni Wendy.

"Cheers!!"

Bulong ni Kate sa kanyang isipan, " salamat ... Salamat sa inyong lahat."

But then..
Pagkatapos ng kaligayahan.. May susulpot na pipigil nito. Gulong ng panahon.

May dumating na tatlong tao.

" Hindi ba ako invited?"  isang boses ng babae na nagsalita.

Napatigil silang lahat at napalingon.
Flora: " o..m.. G.."
Aster: "ang witch narito na!"
Dino:" patay!"
Wendy: "shet, dumating pa ang kontrabida.!"

Jasper:" di ba siya yong.. "

Nagulat sila sa dumating na di inimbitahang tao at may kasama pa ito.

Napahawak si Kate sa braso ni Emman. Bakas ang takot kay Kate. Hinawakan naman ni Emman ang kamay ni Kate.

"Sino ang birthday? Sa iyo Kate!?" sabi ng babae.

"Beverly!"

Kinakabahan rin ang mga ina nila. " Beverly!"

Dumating nga si Beverly at may kasamang dalawang lalaki na nasa mga edad na 18.

Nilapitan ni Aster si Beverly, " Beverly, wag mo sanang guluhin ang party ni Kate." Hinawakan niya ang siko ni Beverly na nagmamakaawang umalis ito.
"dont you dare touch me!!" inalis nito ang kamay ni Aster na nakahawak sa kanya.

"Please Beverly," nagmamakaawa si Aster.
"teka teka lang.. " sabi nong kasama ni Beverly. Hinawakan niya ang balikat ni Aster ng  mahigpit.

Nasasaktan na si Aster kaya lumapit na rin  si Emman.
"Beverly, ayaw namin ng gulo! Kaya umalis na kayo." sabi ni Emman.

Hinawakan ni Beverly ang kamay ni Emman.

"si Kate na ba ang pinili mo? Ganun ba? Pagkatapos ng lahat.. babalewalain mo lang ang pagmamahal ko! Isang pagkakamali ko lang.. Iiwan mo na ako at ipagpapalit sa kanya." nagmamakaawang sabi ni Beverly.

"Beverly, hindi ito ang tamang lugar at oras sa mga kalokohan mo!" sabi ni Emman na unti unti ng nagagalit. Emman suddenly hold the arms of Beverly. " wag ka dito mag iskandalo."

Hinawakan naman noong isa ang balikat ni Emman, siya si Tony. Tiningnan naman ito ni Emman na nakasalubong ang kilay. "Sino ba kayo? Huwag nga kayong manggulo rito!!"
Lumapit na rin sa kanila sina Jasper at Dino. "mga pre.. Umalis nalang kayo. "
Flora said, "  Beverly, respeto naman!"

Tinanggal naman ni Beverly ang kamay ni Emman na nakahawak sa kanyang braso at pinuntahan agad si Kate.
Hindi nila napigilan si Beverly. Nagulat nalang sila sa kanyang ginawa. Beverly slap the face of Kate. Hindi man lang nakaiwas si Kate sa bilis ng pangyayari. Or simply  dahil sa takot niyay hindi man lang siya nakagalaw.
"kate!" sigaw nilang lahat.
Napatakip bibig ang ina ni Emman. Hindi makapaniwala sa ginawa ni Beverly. Nagagalit naman ang ina ni Kate, " hindi ba siya tinuruan  ng ina nya ng magandang asal!! " Si Pink naman ay natatakot at niyayakap ang ina.
Agad namang tumakbo si Emman patungo kina Beverly at Kate. Kate touches her face, ang sinampal na bahagi ng kanyang mukha.

"Beverly!!" galit na sabi ni Emman. Pinipigilan na makasakit ulit si Beverly kay Kate. Nahigpitan niya ang hawak nito.
"tama na! Hindi kita hahayaang saktan ulit si Kate!!" sabi ni Emman. "masasaktan kita kapag uulitin mo yun!!"

Nagalit rin ang mga kaibigan ni Kate at gustong sabunutan at saktan si Beverly pero pinigilan sila ng dalawang kasama ni Beverly.

"edi saktan mo ako! " sabi ni Beverly na hinahamon si Emman. " Ano ba ako sa yo?? Di ba wala na akong halaga sa yo at kinalimutan mo na ang iyong mga pangako! Dumating lang si Kate sa buhay natin, nagbago ka na.. Nasaan na ba yong Emman na nakilala ko nong una.. ? Nasaan na yong pagmamahal mo?" napaluhang sabi ni Beverly. "di  ba ang sabi mo gusto mo ako!"

"crush kita... inaamin ko. Gusto kita.. Gusto kita nong nakilala kita sa sulat. Natouch ako sa mga sulat mo kahit hindi kita nakikita pa. Nahulog ang loob ko sa bawat sulat mo sa akin... " paliwanag ni Emman.  ".. Pero...hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ka. You changed! Parang hindi na ikaw ang K na kilala ko." "

Samantala, si Kate naman ay nabigla sa kanyang narinig mula kay Emman.. Sa isip niya,"  sulat? anong ibig niyang sabihin?"

Nagsimula ng magkagulo sa may likuran nila. Nagsuntukan sila, ang dalawang lalaki versus kina Aster at iba pa.

"Anong ibig nyong sabihin?" naguguluhan si Kate.

Sumagot si Beverly, " Ibig lang sabihin ay naunang nainlove sa akin si Emman!"  They were facing with each other.
"Beverly!" pinatigil siya ni Emman sa pagsasalita.

"Hindi yan ang gusto kong malaman..tungkol sa sulat.." dahan dahang sinabi ni Kate. Tiningnan niya si Emman. Si Emman naman ay nakatingin sa kanya pero bakas sa mukha nya na naguguluhan rin siya sa mga nangyayari. Bakit napatanong si Kate?

"Sa sulat ba? Tama ka! Doon kami unang naging close ni Emman. Doon nabuo ang pagmamahalan namin na sinira mo!! " sabi ni Beverly while pointing on Kate.
" tama ba ang narinig ko.. Dahil sa sulat?? " tanong ni Kate na parang sumisikip ang kanyang puso.

Emmans pov
Sa isip ni Emman, " ano ba ang gustong malaman ni Kate?
Nakatitig si Emman sa mukha ni Kate na nag aalala.

" K?" tanong ni Kate.

Nabigla si Emman na alam ni Kate ang codename na K..."paanong.."

"Oo, K nga!. Ang palayaw ko sa sulat. Bakit?" taas noong sabi ni Beverly.
Pagkarinig ni Kate sa sagot ni Beverly ay hindi na niya mapigilan na sabunutan si Beverly.
"napakasinungaling mo talaga Beverly!! Ang sama mo!!" galit na umiiyak si Kate. Hindi na niya inisip na buntis siya at buntis rin si Beverly.

"Aray!!" sabi ni Beverly na gustong makawala sa sabunot ni Kate.
Nabigla silang lahat.
Inawat naman ni Emman sila pero hindi niya ito mapigilan. Nag-aalala siya dahil baka mapano pa sila. "tama na!!"
Lumaban rin si Beverly! Nagsabunutan rin silang dalawa.

"Inagaw mo si Emman!" sabi ni Beverly.
"Ikaw ang mang aagaw!! Hindi ka na nahiya!!" sabi naman ni Kate.

Hindi akalain ni Beverly na napakalakas pala ni Kate.
"nang dahil sa yo Beverly, nasira buhay ko!! " sumbat ni Kate kay Beverly.
Nagsalita rin si Beverly. "ako ang nauna kay Emman.. Hindi siya sa yo Kate!!"
"Hindi ikaw si K!! Ang kapal talaga ng mukha mo!!" sabi naman ni Kate.

"Pigilan ninyo sila.. Baka mapano pa sila!!" sigaw ng ina ni Kate na nag aalala. Pigil naman ang ina ni Emman dahil bawal siyang magalit. Umiiyak naman si Pink.

"tama na yan!!" inaawat  silang dalawa ni Emman.

At biglang....
Biglang may pumukol ng bote sa ulo ni Emman. Nabasag ang bote sa ulo nito. Unti unting lumalabo ang paningin nito.

Sabay namang sabi ni Kate na "ako si K!!"

Nawalan ng malay si Emman.. Tumulo ang dugo sa mukha nito at natumba siya.

"Emman!!" napasigaw silang lahat

.......

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon