Episode 35

8.3K 95 1
                                        

Nakaupo si Emman sa labas ng gate ng bahay nila Kate.
Dumilim na pero hindi pa umuuwi sila Kate sa kanila.
"May pinuntahan kaya sila ng mama niya? " napatanong sa sarili si Emman.

Pagkatapos ng paghihintay ng mahabang oras, dumating ang mama ni Kate.

"Emman, anong ginagawa mo rito?" tanong ng mama ni Kate.

"Kasama ba ninyo si Kate?" tanong rin ni Emman.

Sinagot siya ng ina, " hindi! naiwan siya rito. May pinuntahan ako na isang reunion namin."

Mas nag alala si Emman ng malaman niya na hindi niya kasama si Kate. Nag aalala rin ang kanyang ina.

"Magkasama ba kayo ni Kate?"tanong naman ng ina ni Kate. " Nasaan siya? Nakita mo ba siya?"

"Hindi po! Hindi ko pa po siya nakikita.  Nag aalala rin po ako sa kanya. Hindi po siya umuwi ng bahay.." sabi ni Emman.

Kinakabahan si Emman na sabihin ang mga nangyayari sa ina ni Kate. . Hindi niya alam kung bakit nawawala si Kate.

Pero, napansin ni Emman na kinakabahan rin ang ina ni Kate.
"May problema po ba, an...te... . Ma?" tanong ni Emman.

Sinabi ng ina ang tungkol sa video. " Eh kasi, tungkol ito sa ebidensya.. Emman. Sorry.. "

" po? Anong ebidensya?" naguguluhan si Emman.

"tungkol sa araw na nirape si Kate. May apat na estudyante ang involve sa pangyayaring yun! Patawarin mo kami at nadamay ka!" paliwanag ng ina.

Nanlaki ang mata ni Emman. Nagulat siya.
Sa isip ni Emman, " Sinu sino ang involve.. Ang may kagagawan nito.. Ang lahat ng ito??" He was curious.

Kate's mom cried, " alam na ni Kate.. Di sinasadyang naisend ng kakilala ko ang video kay Kate... At siguradong napanood niya ito."

"Ano po?" nabigla si Emman.

Then may text na natanggap ang ina ni Kate.

Binasa niya ito.
Text message: " Ma, Alam ko po na nag aalala kayo sa akin. Wag po kayong mag alala...okay lang po ako. Kailangan ko lang pong lumayo sa ngayon sa mga bagay bagay na nariyan. Ma, I will be fine.. Kailangan ko lang po talagang hanapin  ang lakas ng loob na harapin ang mga problema. Ma, take care always. love you po. Kate.

Napaiyak nag kanyang ina. Narinig lahat ni Emman ang text message mula kay Kate.
Napaisip si Emman," Nawala si Kate dahil kaya sa video?  O kaya dahil sa gabing yon? Nasaan na ba siya? "

"Magpakatatag ka anak," bulong sa sarili ng kanyang ina habang tinitingnan ang text.

" Ma, maari po bang mapanood ang video?" seryosong sabi ni Emman.

Binigay naman ng ina ni Kate ang cellphone..

Sa bahay, naghihintay si Pink sa pagbabalik ng kuya niya and hoping na kasama si Kate. Nakadungaw si Pink sa bintana, minamasdan ang kalangitan...

Si Emman ay naglalakad sa kalsada at napatingin sa kalangitan...

Si Kate na nakatayo sa isang maliit na  bridge sa isang maliit na ilog ay napatingin sa kalangitan...

Isang shooting star 🌠 sa kalangitan.

Napasigaw si Pink, " shooting star!" pagkatapos, she closed her eyes with both hands together.

Nabigla si Kate at pinikit ang mga mata.

Namangha si Emman..ang he closed his eyes.

Then they wish.

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon