Episode 50.2

7.9K 82 1
                                        


Kinukulit ni Emman si Ms. Lewis. Binibigyan niya ng pagkain, ma merienda man o lunch si Kaitlyn.
"Ms. Lewis, pinabibigay ni Engr. Evans," sabi ng personal assistant ni Kaitlyn.
"Itapon mo yan o kaya kung gusto mo, sa yo na!" sagot ni Kaitlyn at umalis ito sa office niya.

Kung hindi kinukulit ni Emman si Kaitlyn, inaasar niya ito.

Sinalubong ni Emman si Kaitlyn sa hallway. They were facing each other.
"Masarap ba?" tanong ni Emman. "Ako ang nagluto non."

Kaitlyn looked at Emman na maldita mode. Nakataas ang isang kilay nito at seryoso ang mukha.
" Engr. Evans, itigil mo na yan. Nagsasayang ka lang ng oras. Bakit mo ba ito ginagawa?"
Lumapit kunti ang mukha nito kay Kaitlyn. " Sa tingin mo Ms. Lewis." He was smiling na pacute mode.
"Engineer,  Kung nanliligaw ka, sorry at ayoko sa 'yo. Hindi kita type!"  sagot na mataray ni Kaitlyn.
" Ms. Lewis, akala mo lang yun. Wala naman akong sinabing nanliligaw ako. Bawal ba mamigay ng pagkain. Gusto ko lang na matikman mo ang niluluto ko." pang aasar ni Emman.
Bakas sa mukha ni Kaitlyn na napahiya siya.

Dumaan si Gigi sa harapan nila.
Tinawag ni Emman si Gigi. " Teka Gigi, sabay na tayo pabalik sa office."
"Sige!" masayang sinabi ni Gigi.
Umalis na si Emman at pinuntahan si Gigi, " Bye Ms. Lewis, see you later."
Gigi hold the arms of Emman habang paalis.

Naasar si Kaitlyn. "haist!"
Tinitigan niya ang kamay ni Gigi na nakapulupot sa mga braso ni Emman habang naglalakad.

Why does Kaitlyn feel this? Bakit kaya?

" Para siyang linta ang babaeng yan! Kung makakapit sa kanya ay wagas!!" bulong sa sarili ni Kaitlyn but narinig ito ng PA niya na nasa likod na pala niya.
" nagseselos po ba kayo Ms. In fairness po, ang gwapo ni Engr Evans." sabi ng PA niya.
Nabigla si Kaitlyn at hindi niya inaasahan na nasa likuran pala siya.

At Kaitlyn's condominium,
Nakahiga si Kaitlyn sa kanyang kama at tinitingnan ang mga pictures sa cellphone. At first, mga pictures ng tanawin at modelling hanggang nakita niya ang picture niya na kasama si Zeke. Ang sweet nila sa picture dahil yakap niya ito at nakangiti sila pareho.
"Ang gwapo talaga ng kapatid ko. Hmmm.. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Siguradong naglalaro naman yun ng computer games." napangiting sabi ni Kaitlyn. Then she scroll it at may solo picture si Zeke. Habang tinititigan niya ito, biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Emman.
Nabigla si Kaitlyn. Bumangon tuloy siya sa pagkakahiga at tinititigan niya ulit ito. Somehow, they were almost the same face. Ang mga mata nito, ilong at cheeks. Zeke was like a young version ni Engr. Evans.
"haist.. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit mukha niya ang nakikita ko? Hay naku! Pati si Zeke, nadadamay na." kinakausap ni Kaitlyn ang kanyang sarili. Tumayo siya at tinapon niya ang cellphone sa kama.
"Magshoshower muna ako." kinuha niya ang towel.
Umalis siya ng condo niya at pumunta sa condo ng manager niya.

Kaitlyn knows the password ng door ng condo ni Marcus, ang manager niya. Kaya madali niya itong nabuksan at nakapasok ito. Binuksan niya ito. Nakita niya sa shoe rack ang isang sapatos na hindi naman kay Marcus. Nagtaka siya.
Still, pumasok siya at nagpatuloy. Hindi na niya inisip ito dahil baka bumili lang bago si Marcus. It was so quiet. She went to the shower room right away.

Habang papunta sa shower room ay tinatanggal niya ang batones ng blouse niya hanggang bra nalang ang naiwan. She opened the door and entered the shower room. Tinanggal na rin niya ang kanyang skirt at nakapanty na lang siya sa loob ng shower room.
But then..
Nabigla siya sa kanyang nakita.

Nanlaki ang kanyang mga mata! She was blushing...

OMG!

Kagat labi siya habang pinagmamasdan ang...
Ang kakisigan ni....

Ang kakisigan ni Emman ay di mapantayan. Napakakisig niya. Napakaganda ng katawan ni Emman na makakaakit talaga ng babae. Walang saplot sa pang itaas si Emman pero nakapants naman siya. Kitang kita ang abbs nito.Pinupunasan niya ang kanyang katawan ng white towel.

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon