Episode 33

8.6K 93 0
                                    

Warning!! Spg alert!!

Kate's pov
Mahirap pala kapag kasama mo ang isang kaibigan noon na naging karibal mo sa iisang bahay. Karibal nga ba? Sino ba talaga ang nang agaw? Ako ba? Dahil ba napilitan si lalaki na pakasalan ako.. Masasabi na bang inagaw ko siya dahil sa una ay sila ang may relasyon na magboyfriend-girlfriend. O siya?  Ano ba talaga kami ni Beverly?  Magkaibigan o magkaribal?  Saan at ano pala ang nangyari at bakit nagkakaganito ang mga buhay namin? Kelan ba ito matatapos? Minsan, napapagod ako na patulan siya na obssessed siya masyado kay Emman. Siguro, hindi lang niya matanggap na kasal na kami ni Emman. Teka, inagaw ko ba talaga siya sa kanya?
Hmmm.. Pero ang lahat ng ito, si Emman lang ang makakadesisyon. Kung mahal niya si Beverly, maaari naman niya akong iwan at ipaglaban si Beverly. Bakit napakacaring niya sa amin ni baby kahit alam niya na hindi siya ang ama? Mahal na ba niya ako o talagang assuming lang ako?
Hindi ko talaga makakalimutan ang sinabi niya noon.. Hinding hindi siya makakagusto sa akin. Ever! So, ano ito? Pagpapanggap lang ba ito? Pinaparusahan lang ba niya ako dahil dinawit ko siya sa kaso at pinaghinalaan na siya ang gumahasa sa akin dahil sa kwentas na yon?
Sigh.. Buntong hininga ni Kate.

Nagkaroon ng hearing sa kaso ni Kate. Nagpakita rin ang janitor kung saan sinabi niya na hindi kay Emman ang kwentas na tinutukoy nilang ebidensya sa kasong rape.
Natanggalan ng tinik si Emman. Unti unti ng nalilinis ang kanyang pangalan.
But kahit ganun, kailangan pa rin malaman kung sino ang mga may kagagawan ng pangrape. Kung hindi si Emman, sino? Tanong ng nakakarami.

Seven months na si baby ni Kate.
Umuwi ng bahay nila si Kate. That was Sunday.

May mga gamit at damit siya na iniwan sa bahay nila Emman dahil sa Lunes naman ay babalik rin naman siya roon. But may isang bagay na hindi niya talaga iniiwan at ito ang notebook niya. But unfortunately  sa araw na yon, hindi niya namalayan na naiwan niya ito.

" nasaan ba yun? Dala ko naman siguro yun! O naiwan ko?"  hinahanap niya nag kanyang notebook sa kanyang mga gamit at bag.

Meanwhile,
Hindi mapakali si Beverly. Wala si Emman sa mga oras na yun dahil nagattendcng birthday ng katrabaho niya.. Wala rin si Pink at mama nila dahil nasa kamag anak nila.

Pumasok si Beverly sa kwarto ni Kate, ang kwarto ng kanilang ina.
Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang pumunta roon. Tiningnan niya ang mga gamit ni Kate. Ano ba ang hinahanap niya? She's searching of something na hindi niya alam.
Until, may kumuha sa kanyang pansin.. ang notebook ni Kate.

Kinuha niya ang notebook at binuksan ito. Binasa niya ang ibang pahina. It was like a diary na kinakausap si E.
"E?" nabigla si Beverly.

Naaalala niya ang mga sulat sa library. "K?" pinagdikit dikit niya ang kanyang nalalaman at nadiscover.
"Si E ay si Emman... pero si K pala ay si... Si Kate?" hindi siya makapaniwala.

Naalala niya na si E na si Emman ay napagkamalan siya na si K..at doon nagsimula ang kanilang relasyon..

" kung si K ay si Kate.. Ibig sabihin sila ang totoong magpenpal noong una pa.. Siya rin yung hinahanap ni Emman.. Ang lihim na nagustuhan niya!" nakatulalang sabi ni Beverly. She cant believe it.

Hindi pumayag si Beverly na malaman ni Emman na si Kate ay ang totoong si K. Paano na kung malaman niya ang katotohanan, edi ibig sabihin nitoy tuluyan nang mawawala si Emman sa kanya. "I will never let it happen!"

" Monay, pahiram ng cellphone.. Mag out of town kami ng kabatchmate ko. Reunion namin. Mawawala ako ng ilang araw rito!" sigaw ng ina ni Monay. Kinuha niya ang isang cellphone na nasa mesa. Nasa banyo naman si Monay at hindi narinig ang ina.
Then umalis na ito.
"bye!"

Lumabas si Monay sa banyo.
Napansin niya na wala ang cellphone niya, " teka, nasaan ang cellphone ko? Dito ko lang yon nilagay?"

Sa bahay nila Kate, nagpaalam ang kanyang ina na magkakaroon sila ng reunion ng kanyang ka batchmate. Pinayagan naman ni Kate upang malibang naman ang kanyang ina. Babalik rin naman siya kina Emman kinabukasan.
" alagaan mo ang sarili mo Kate, " sabi ng kanyang ina.
" opo!" sagot ni Kate. " huwag po kayong mag alala.

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon