Episode 22

9.2K 101 3
                                        

  " Anong ginagawa ng babaeng yan dito ate?" tanong ni Pink na nasa kwarto niya kasama si Kate.
"Hinahanap niya kuya mo. May kailangan kasi siya.,mag- uusap sila " sagot ni Kate sa batang inosente.
Nasa sala nakaupo si Beverly.

Patuloy na nagtatanong si Pink, "Eh, bakit maydala siyang maleta? Dito na ba siya titira?"
"huh?" nabigla si Kate sa tanong ni Pink. Hindi niya alam kung paano sasagutin siya.

Sa isip ni Beverly, " ano kaya nangyari? Alam na kaya ng mama ni Emman ang tungkol sa amin."
Hindi sinabi ni Kate ang nagyari sa bahay. Gusto niya na si Emman ang magsasabi sa kaniya.

" Nasaan ba si Emman.?" tanong ni Beverly.
Palabas ng kwarto ni Pink si Kate.

Hindi sumagot si Kate na nakatingin sa kanya.

Tumayong galit si Beverly.
" Ano ba Kate!! Sabihin mo kung nasaan si Emman? Bakit mo ba siya tinatago?" sabi ni Beverly.
Lumapit si Beverly sa kinatatayuan ni Kate. They were facing each other.

" natatakot ka ba na mawala siya sa yo at maagaw ko kaya ayaw mong sabihin kung nasaan siya at tinatago mo!"

Nagsalita na si Kate, " hindi ko siya tinatago!"
Nagpatuloy sa pagsasalita si Beverly, " eh, kung ganun bakit hindi mo sinasabi kung nasaan siya!!"
" Ano ba ang nangyayari sa yo Beverly? Hindi ka naman ganyan noon!! You are so obsessed kay Emman na parang desperadang babae na wala na at mauubusan na ng lalaki sa mundo. " Kate said.

" Naiinggit ka lang dahil ako talaga ang mahal niya at hindi ikaw. Ang batang yan na nasa tiyan mo ay hindi sa kanya!! Pinakasalan ka lang niya dahil sa scholarship ng school at para hindi tuluyang masira ang buhay niya. That was the agreement diba? Kaya wag mo akong ihalintulad sa yo dahil itong dinadala ko ay anak niya!!" Beverly said na napakaover confident. " Kaya, payo ko lang.. Layuan mo na siya!! Papapel ka sa buhay namin ni Emman."

Kate's POv
Kate thought at inaalala ang nakaraan.. Nagbago na talaga ang kaibigan ko..hindi naman siya ganun noon. Simpleng babae at hindi ganito. Mabait, maalalahanin at medyo ayaw sa lalaki. Maraming nanliligaw sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Sabi pa niya, pag aaral muna. Wala munang boyfriend, nakakasira sa future. Pero parang nakalimutan na niya ang sinabi niya nong junior high pa kami. Classmate kami noong grade10, ang year na nagtransfer siya sa school namin pero pag senior high ay iba na kami nang section and track, ako nasa dressmaking, siya naman sa beauty care. Mas lalo siyang gumanda at lapitin ng mga lalaki. Pero ni isa sa mga boys ay di niya pinansin. Bakit nagbago siya? Nagbago ba talaga O kaya, hindi ko lang talaga alam ang totoo niyang ugali?

Suddenly, may nagtext.. Tiningnan ni Kate.
Text message: gising na si Mama!

Masaya si Kate ng malaman niya na gising na sa wakas ang ina ni Emman. Si Beverly naman ay clueless sa mga nangyayari.
Tinawag ni Kate si Pink, " Pink, pupunta tayo sa hospital!!"
Ang bata kapag sasama sa hospital ay kailangan ng waiver para makapasok sa hospital.

At the hospital, gising na ang ina ni Emman. Masaya masaya si Emman.
" Malayo na siya sa peligro pero kailangan parin siyang magpahinga. She will be okay at makakarecover. Wala namang complications kaya she will be fine soon. Kailangan hindi na siya mastress, mapapagod at magagalit. Iwasan ninyo ang mga bagay na makakatrigger sa sakit niya. " paliwanag ng doctor.
Umalis na ang doctor. Masaya rin ang ina ni Kate.
Nilapitan ni Emman ang mama niya. Hinawakan niya ang kamay nito.
Nagsalita ng mahina ang ina niya,.. Pero hindi siya makapagsalita masyado dahil sa mga bagay na nasa bibig nito. " Emman.. Pink.. Kate.. "
" ma, huwag muna kayo magsalita.. Magpahinga muna kayo. " nag- alalang sabi ni Emman.

Panatag na ang loob ni Emman. Nakatulog na rin ang ina nito. Binabantayan nila.
Naunang pumasok sa kwarto si Pink.
" maa!!" sigaw ni Pink.
Napalingon si Emman at ina ni Kate, " pink! Shhhh... " he reprimanded her. " huwag kang maingay, natutulog si mama."

Nilapitan ni Pink ang mama nila.
Pumasok na rin si Kate.
Masayang tiningnan ni Emman si Kate. Medyo sad naman ang mukha ni Kate.

" may gustong makipag- usap sa yo. Nasa labas siya," sabi ni Kate.

" huh?"

Sa labas ng kwarto ay naroon si Beverly.
Lumabas na si Emman. Nabigla siya ng makita si Beverly. Hindi niya ito inexpect.
Beverly hug Emman.
" sorry, hindi ko alam na narito kayo at may nangyari sa yong ina... kay mama" she said.
" bakit ka narito?" Emman asked.
" nag aalala ako kay mama," sagot ni Beverly.
Emman grabbed the hand of Beverly. Mag-uusap sila sa ibang lugar.

Meanwhile. Nagkita sila Kiko at George kasama sila Yael at Paul sa park. At sila lang ang naroon.
" bakit mo kami pinapunta rito Kiko?" tanong ni George.
Nakasaklay pa rin si Kiko. Nakatayo sila Paul at Yael sa may likuran ni George.

" pinapunta ko kayo rito para sabihin na.. Bakit hindi natin sabihin na tayo ang may pakana noong July 13 sa storage room!!" Kiko said confidently.
Nagulat silang tatlo.
Sumagot si Yael, " nagjojowk ka ba Kiko!?" tumatawa si Yael.
" nauntog na yata ang ulo nito sa pagkakabundol!! " sabi naman ni Paul.
" Anong nakain mo? Panis na!! " patuloy na pagsasalitang pabiro ni Yael. Yael and Paul was not serious sa sinabi ni Kiko.

But George was so serious looking at Kiko. Seryoso rin si Kiko sa pagsasalita.
" im not joking! Sabihin na natin ang totoo!! Tayo ang may pakana non! Tayo ang may kagagawan nito!!" pasigaw na sabi ni Kiko.
Napikon si George.
" Eh, gago ka pala eh," George said sabay sinuntok si Kiko.

Natumba si Kiko.
Nagulat ang dalawa.
George pulled ang kwelyo ni Kiko. Galit na galit si George! " Anong sinasabi mo!!?? Aamin tayo!!?? Gago ka!!"
Sinuntok na naman niya si Kiko. Hindi makatayo si Kiko.
Inawat ni Paul si George pero malakas si George at tinutulak lang niya sila Paul at Yael.
" tama na bro!" sabi ni Yael.
Still, George pulled Kiko. " Gago ka!! "
" Umamin na tayo!!" pagmamakaawa ni Kiko.
" tapos, ano!! makukulong tayo!?? Mapupunta sa Dswd.. " galit na sabi ni George.

Nasa lupa si Kiko. Pasa at may dugo ang mukha. Hindi pa nga tuluyang humihilom ang mga sugat niya at galos na natamo sa aksidente ay heto na naman.

Hindi rin sang-ayon sila Paul at Yael sa sinabi ni Kiko.
" Bakit natin sasabihin at aaminin?" tanong ni Yael., " mapapahamak tayo! Naisip mo ba yun!!??"

Nagpipigil sa galit si George.

Nagsalita si Kiko, " paano ang biktima? Hindi ba kayo naaawa.!"
Napatingin sila kay Kiko.
" paano na si Kate? Nasisira rin ang buhay niya dahil sa ginawa natin!! Kung iniisip ninyo na masisira ang ating buhay, hindi ba ninyo naiisip ang buhay ng biktima!! Sa ating kalokohan at pagnanasa mo kay Beverly ay nasira na ang mga buhay natin!! From the start at nong sinimulan natin ito, sira na ito. Tayo rin ang nagsira nito.. Walang kasalanan si Kate. " Kiko expressed what is in his mind and heart at kung ano ang tama.

Napatahimik sila George at Paul.
Si Yael naman ang sumuntok kay Kiko.
" baka magising ka na nito.!!"

Kiko spit some blood. But hindi siya sumusuko.
" Alam ba ninyo bakit ako naaksidente? Alam ba ninyo ano talaga ang nangyari at bakit ako nasagasaan!?" sabi ni Kiko.

" ang tanga mo kasi, " sagot ni Paul.
Napakseryoso at nanlilisik sa galit si George.
" Dahil sa yo George! Niligtas ko lang naman si Kate na dala dala ang anak mo!! " sabi ni Kiko. " "Muntik na siyang masagasaan. Salamat ay napadaan ako sa lugar na yon at naiwasang may mangyaring masama sa kanya at sa baby! "

" Hindi mo na sana niligtas at para wala ng problema!" sagot ni George.
Napatingin sila Paul at Yael kay George. He was so serious.
Nabigla naman si Kiko sa kanyang narinig. Hindi niya inexpect na okay lang kay George na may mangyaring masama sa baby.

" Ano!? Okay lang sa yo?" hindi makapaniwala si Kiko.
" You dont need to save that baby, " sabi ni George.
" Niligtas ko ang baby kasi anak siya ng best friend ko!!" sigaw ni Kiko na galit.   

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon