Episode 45

8.3K 92 1
                                    

Lumipas ang mga araw..
Emman decided to take the scholarship for engineering sa isang kilalang university roon. Si Kate naman ay naghihintay na maayos ang mga papers niya para makaflight na siya pa abroad. Iba ang school calendar ng sa abroad at rito. Mauunang magsimula rito. Kaya may two months pa para makapagstay si Kate at isang buwan na lang para magtake si Emman.

Kailangan na mag aral si Emman. Sabi pa nga nila, bihira lang daw nakakapasa sa entrance examination ng  engineering roon  at ang test for the scholarship. Kailangan pagbutihin ni Emman... Mathematics.. Calculus, differential equations at marami pang iba. Wheew! But this what Emman wants....maging isang engineering balang araw.

Still, Emman works sa restaurant. Nagpart time pa rin siya sa restaurant pero umaga na ang shift niya. Napakabait ng may ari dahil pinapayagan si Emman na magstudy habang gumagawa ng kanyang task basta hindi lang makakasira at hindrance ito.

"Napakasipag mag aral ni Emman.. " sabi ni Jasper na nakatingin kay Emman na nasa kusina at naghuhugas ng plato. Kasama ni Jasper si Henry.
"Oo nga.. Hanga talaga ako sa batang yan." sabi naman ni Henry.
Si Emman ay naghuhugas ng plato habang nasa gilid ang  kanyang libro at nagmemorize siya ng mga formula. He makes sure naman na hindi mababasa ang libro niya.

" Kaya naman crush ko siya!" interrupted by Eunice na kasamahan nila sa restaurant.
"Ano ka ba, may asawa na ang taong yan!" sabi ni Jasper.
"Alam ko.. Eh.. Crush lang naman.." sagot ni Eunice.

Nagpatuloy sa pag - aaral si Emman kahit sa bahay. Nagpupuyat ito para lang makapag aral.
Nakatira sa ngayon si Kate kina Emman at kasama si baby Enrico.
Masayang nilalaro ni Pink si baby Enrico. Ang cute talaga ni baby Enrico.. He is so handsome katulad ng ama niya. Mamula mula ang cheeks, matangos ang ilong at may puting skin. Sigurado, magiging crush ng campus siya.

Habang nasa kwarto ni Pink si baby Enrico at binabantayan niya, pinuntahan ni Kate si Emman na nasa kwarto nito at nag aaral. Sinilip niya ito at talagang napakabusy niya. Para bang hindi pwedeng disturbuhin. Talagang seryoso siya.
Bumalik si Kate sa kwarto niya na kasama si Pink.
Pinatulog niya muna  si baby at si Pink. Mahimbing ang dalawang bata.
Pinuntahan niya ulit si Emman but nakatulog na ito sa mesa.

"Emman" bulong na sabi ni Kate.
Kumuha ng kumot si Kate at nilagay ito kay Emman. Hindi naman mapigilan ni Kate na titigan si Emman habang natutulog. She touches with her point finger his cheeks, his eyebrows, his nose..his lips.
Hindi namalayan ni Kate na nakatulog na pala siya. Napakalapit ng mukha ni Kate sa mukha ni Emman, mga three inches ang layo nito.

Naunang nagising si Emman. Nabigla siya sa kanyang nakita sa harap niya. Hindi niya inexpect ito na nasa harap niya si Kate.
"anghel ba itong nasa harap ko?" pabulong ni Emman.
Tinitigan ni Emman si Kate.
He touches her hair.. Her nose.. Her lips..

Dahan dahang dumilat ang mga mata ni Kate. At napatigil si Emman. Nagulat ito! Napabangon siya bigla.
It was an awkward moment.
Nagblush naman si Kate at dali daling lumabas ng pinto ng kwarto..at bigla ring nasalubong niya ang ina ni Emman.

"OmG!" gulat na aabi ni Kate ng makita ang ina ni Emman.
"Kate.. " nagulat rin ang ina ni Emman. Nacurious kung bakit nagmula si Kate sa kwarto na ganon kaaga at namumula rin ito.

" auntie.. Good morning.. " bati ni Kate na dahan dahang yumuko ang ulo at pumunta sa kwarto niya.

Pumasok sa kwarto ni Emman ang mama niya.. " Emman.." tinatawag niya si Emman.
"po?" napalingon si Emman sa kanyang ina.

Nakatayo ang ina nito sa pinto.. ang mga mata nito ay parang may gustong itanong. " May dapat ba akong malaman na nangyari rito sa kwarto?"

"Ma.. wala po, " panay tanggi si Emman.
His mom closed the door. At masinsinang nag usap sila at itoy tungkol sa divorce.

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon