Episode 51

8.1K 85 8
                                        


Nag - uusap sa hallway si Kaitlyn kasama si Lulu at isang staff. Napalingon si Kaitlyn nang napansin niya ang isang batang babae sa opisina. She was ten meters away from them.
" Sino ang batang yan?"tanong ni Ms. Lewis.
Nakaupo ang batang babae sa isang upuan at parang may hinihintay. May dala itong lunch box.

"Siya ba? Anak yan ni Engr. Evans, " sagot ng staff.
Nabigla si Kaitlyn, "huh? Talaga?" Hindi siya makapaniwala.

Dumating na rin si Emman at pinuntahan ang batang babae.

"Anak niya ang batang babae? Eh, akala ko ba single siya!" sabi ni Kaitlyn na masyadong curious.

Sinagot siya ng staff, " Single dad! Mukha siyang single kasi napakagwapo but he's divorce already sa asawa."

It seems Kaitlyn was interested malaman ang tungkol kay Emman.
Pagkabigay ng batang babae, si Kath, ang lunch box kay Emman ay umalis na ito. Kaitlyn immediately approached Emman.
Paalis na sana si Emman nang nasa harapan na niya si Kaitlyn.

"Anak mo?" tanong ni Kaitlyn na medyo sarcastic ang pagkakasabi.
Hinarap naman ni Emman na may ngiti sa labi. " Oo!"
" Aahh.. May anak ka na pala," reaction ni Kaitlyn.

Nacurious si Emman, " Bakit mo naman naitanong?"
Sinagot siya, " Wala lang. Hindi halata na may anak ka na pala."

Mas lumapit si Emman kay Kaitlyn at may ibubulong sana ng biglang.. tinawag siya ng kasamahan niya.
"Engr. Evans pinatatawag ka..." sigaw ng kasamahan niya.

Hindi naituloy ang sasabihin ni Emman.

-----
Isang araw, nagpasama si Lulu kay Kaitlyn sa paaralan ng kanyang pamangkin. May program ang mga bata sa kanilang paaralan. Gustong manood ni Lulu sa performance ng kanyang pamangkin kaya dumalo siya. She grab this opportunity. Sinamahan naman ni Kaitlyn si Lulu.
Si Kaitlyn ay nakasuot ng long jacket na sa loob ay backless na blouse  and nakaskirt. Naka black stockings and high heels. Nakasunglasses rin siya para hindi siya makilala ng mga tao.

Sa paaralan, nanood sila Lulu at Kaitlyn. Nagtula ang mga bata sa stage kasama ang kanyang pamangkin na si Josh.

Pagkatapos ng palabas ay pinuntahan si Lulu ng kanyang pamangkin.
"Auntie Lulu, maganda po ba?" tanong ni Josh.
"Syempre naman Josh, napakahusay ninyong lahat, " sagot ni Lulu.

Nakatayo sila habang nag uusap sa labas ng gym.
Ang mga bata ay lumabas na rin ng gym pati ang mga audience. Ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang at ang iba ay nagtatakbuhan lang.
Napatanong si Josh na nakatingin kay Kaitlyn, " Sino po siya?"
" Siya si Kaitlyn, tita Kaitlyn. Kaibigan ko, " sagot ni Lulu.

Hinawakan ni Lulu ang kamay ni Josh, " tara na! Hanapin na natin ang mga magulang mo para makauwi na tayo."
Sumunod naman si Kaitlyn sa kanila na naglalakad paalis sa lugar na yun ng biglang may sumigaw na bata na, "Enrico halika na!"

Napatigil si Kaitlyn sa paglalakad at may batang lalaki na tumatakbo at binundol si Kaitlyn ng hindi sinasadya. Mga nasa 8 na taon ang batang lalaki.
"Sorry po!" sabi ng batang lalaki at nagpatuloy sa pagtakbo.

Hindi naman napano si Kaitlyn at nakatayo pa rin ito. Napalingon siya at naramdaman niya ang isang kakaibang feeling.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Lulu.
Hindi na niya makita ang batang bumundol sa kanya. Napakarami ring mga bata ang naglalaro at tumatakbo.
Hindi maintindihan ni Kaitlyn ang nararamdaman.

Something flash on her mind at naririnig niya ang pangalan na.. " Enrico! Enrico!!" tinatawag ito.
The scene na punasok sa isip niya: Habang sinusuot ng isang babae  ang locket kay Enrico, napaluha siya. She said, "Mahal na mahal kita baby Enrico. Mahal ka namin ng papa Emman mo!"

MISTAKEN  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon