DAHLY's POV
Nakarecover na rin ako sa initial shock ng new school at new friends. Ipinakilala ako ni Lemuel sa buong klase and eventually everyone became my friend. Siyempre ma PR yata ang lola nyo.
I found out na crush ng campus or mas accurate sabihin na crush ng baranggay pala ito si Lemuel na mas gusto LJ itawag. Since grade school he has been the first honor, Sangguniang Kabataan chairperson and for 3 years na siyang Student Council position holder.
Gentleman, smart, tall, handsome... Whoops! keri whoops before you think of it , don't think of it nah. Yes let us say almost Kurama-like na siya, yet one thing, no nada nada never ever period exclamation point sa akin! He is also a known playboy inside and outside sa campus. Gala king din itong new found friend of mine.
Yet I can't help it, I like him, not the romantic way ha! I like him as a friend, iilang oras palang kami magkakilala swak na swak na kaagad kami. I think I found a BFF (psstt.... don't tell Jena magmamaktol yun)
Friendly naman daw talaga itong si LJ, of course what do you expect, if you are into local and academic politics. Pero hindi siya yung pakitang tao na friendly ha, friendly talaga as in, babaero nga lang.
I also met Dulce Acenas, classmate daw ng sis niya ang sis ko, at yung sis niya pinagsabihan ng sis ko na alagaan daw ako at sinabi din naman ng sis niya ito sa kanya. Ano ba yan nalilito aketch!
Dulce and LJ are also close friends, may isa pa na bagong salta akong nakilala si Faith Karias
Si Faith naman, GF material talaga. Kahit morena pretty pa rin, pero may pagka Jena yung style niya kaya sa tingin ko magkakasundo sila ni sister dear.
I made new friends first day pa lang pero, ang closest friends ko will be LJ, Dulce and Faith.
------------------------------------------------------------------
Second day, after class nag-invite itong si LJ na magvisit sa bahay nila, parang pa welcome lang daw for me at para na rin ma tour ko ang neighborhood. Ang saya saya, kinareer na niya talaga maging tour guide ko, walang VIP treatment ba diyan?
Tumawag ako kay mamcy at nagpaalam, buti naman at pinayagan ako. WAAAHHHH gala mode activated! Ching Ching!
Sabi ni LJ malapit lang daw ang bahay nila so maglalakad na lang kami.
Ok lang keribels lang naman ako kaya gora na ang beauty to LJ's house.
After 15 minutes ng paglalakad. Binatukan ko si LJ, "ano ka ba, sabi mo malapit lang? G R R R R."
Pataray ko na welga kay LJ na tumawa lang habang nagkakamot ng ulo.
"Malapit na nga isang liko na lang at bahay na namin" turo niya habang nakasmile at nagpacute pa ang loko.
Iba yata ang description ng damuhong ito sa word na "malapit!" Dumaan na kami sa Baranggay hall at palengke, parang na sa pinaka dulo ng community na itong bahay nila at malapit pa sa kanya yun!?
Imbyerna beauty ko ha!
"Sige na Dahly lapit na oh" pa puppy eyes na with pacute cute smile pa ang lokong ito.
"Sige sige andito na naman tayo eh. We have come so far to back out basta pagdating dun ha pakainin mo ako, kung hindi naku!" I showed him my knuckles na sobrang cute according pa sa kanya kasi, parang namamaga daw wala kang makikita na bones, plainly flesh lang and some fatty chu chu.
Taray mode pa rin ako, ang close na namin noh we just met just to remind you.
At dun nga nagpatuloy kami sa journey namin hanggang at last, after 10 years dumating na rin kami sa bahay nila.
"LAAAAAND ..." sabay hug sa gate nila at ako naman ang binatukan ni LJ ngayon. "ULOL! Grabe ka naman pakakainin nga kita eh." sabi pa niya na half natatawa.
"Masakit yun ha" pa pouty lips pa ako parang batang nagmamaktol. Pasensya na, talagang cariño brutal kami magkakaibigan.
"Ano fu-food nasa loob LJ???" tanong ko. Obvious talaga na tom jones (gutom) na aketch!
"Ikaw talaga basta pagkain alive, alert , awake enthusiastic! Habang kanina halos magback-out ka na!"pabirong tugon ni LJ habang binubuksan yung house nila.
OMGEEEEE ano ito?, na observe ko lang naman na kaming dalawa lang ang nandito sa house nila, itong damuhong to ano plan niya ha?
Naku po! LJ ha, if may tinatago ka na pagtingin pwede naman natin pag -usapan, not like this, I trusted you ... traydor!
Siniksik ko sarili ko near the door at nagdadalawang isip na pumasok further.
"Oi pasok ka na!" yaya naman ni LJ na hinuhubad ang polo shirt niya.
Wait this is too much, I'm not ready for this, friend lang talaga tingin ko sa'yo ... naramdaman ko na lang na biglang lumapit sa akin si LJ and then he hugged me from the back, isinara at inilock pa niya yung door sabay sabing "Nasaan na nga tayo? it's just you and me here "
Sa sobrang kaba ko nanigas ako, yet survival instincts ang nanaig sa akin, in the process na sana ako na ihahampas ang bag ko sa mukha ni LJ with all my strength ng biglang ...
"Oy napano ka na diyan??" back to reality nakita ko si LJ may hawak na pitsel ng juice at isang baso.
Hay naku! umandar na naman ang imahinasyon ko, napabuntong hininga ako.
Napansin ata ni LJ ang little war inside me , inilapag muna niya sa lamesa ang dala niya at nilapitan ako.
Tinitigan niya ako ng seryoso, kinabahan ulit ako. Oh my, oh my realidad na ito!
I was hesitating on what to do na when suddenly binatukan ako ng loko!
"Ulol! ano ba pinag iisip mo diyan? umandar na naman yung hyperactive imagination mo. Wala akong masamang balak no!"
"Aray! Masakit yun ha isa ka na lang!" hinimas himas ko ang head ko, masakit talaga yun.
Ibinigay na niya yung baso ng juice at bigla na lang tumawa.
"What's funny?" pinandidilatan ko siyang tinanong.
"Ikaw! What made you think na may gagawin ako sa iyo aber?"
"Ewan ko sayo, di ba lahat naman ng girl as long as nakasaya nagpapacute ka?" I rolled my eyes as I answered.
"Sabagay my punto ka, I can't help it."sagot niya sabay upo ng nakadekwatro at nilagay ang hand sa ilalim ng chin. Bumuntong hininga pa siya before he blurted out...
"I'm too gorgeous!"
Nasamid ako sa iniinom ko at ng nahimasmasan na ako "Gusto mong magmarka ang baso na ito diyan sa mukha mo?" kaloka akala ko kung ano ang sasabihin.
Gwapo naman talaga si LJ, ewan ko ba at bakit di ko magawang magka crush sa taong ito. Siguro nga meant to be just friends lang kami.
Natawa ulit itong damuhong ko na friend. "Ito naman si Dahly oh, di na mabiro!" he said then laughed again.
Nag duh face na lang ako, nasanay na rin ako sa pagka narcissist ng friend ko na ito.
Perfect combi din kami in a way, the nerd and the narcissist. Sige ipush natin yan LJ!
"Now where is the food?" tanong ko with matching taas ng kilay.
"Ah yun..." ngunit before niya masagot, we heard a strange noise at galing sa taas.
Naging alert at seryoso si LJ, "sino ang nandiyan?"
BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)
HumorDahly the ever cute na nerd/ chabelita/ echuserang emoterang kokak is out to conquer a new place , new school , new faces. Carry kaya nya ang mga churvah that lies ahead. Join her and her circle of out of this world friends as they try to add spice...