Natapos na ang pent meet... back to reality again. Tambak ang trabaho ko, ang dami kong deadlines na kailangan i-meet. May District Pres-con pa ako bukas...
Sumalampak ako sa swivel chair, tumingi tingin sa paligid... ang pangit talaga ng school paper office namin!
I checked my emails na nga lang... Dinala ko na si lappy (laptop) here, parang panahon pa ni Jose Rizal yung computer dito eh! Mas madalas mag hang kaysa magwork.
Hay! puro deadlines pa rin ang andito...
I looked around the office again at nakita ko yung dalawang stuffed toy that I owned... dala dala ko sila if I'm working here...
Ang isa ay si chibi kurama from Jason at ang isa ai si eeyore from Oscar...
Damn! Yung dalawang yun, well I know for sure gustong gusto ko si Jason, he is everything I want, the man I dreamed of, the materialization of Dennis.
Pero ayaw ko rin naman saktan si Oscar, ang bait bait niya, matalino din siya, pero I want fafa Jason more... love ko na ata talaga!
Hay! sakit din sa ulo pala ang maging torn in between two lovers, akala ko maganda yun kasi, haba ng hair mo te if pinag aagawan ka, TAE! bakit walang nagsabi na masakit sa ulo? if di mo alam ang gagawin mo, yet I know I have to make a decision soon...
Bumalik na ako sa trabaho ko. Matagal walang activity sa lappy ko kaya naman nagsimula na ang screensaver ko, it was a series of photos... Usually photos namin ni JN, ewan ko ba, parehas kaming mahilig magpapicture pero, di namin pinopost sa fb, mga adik lang?
Isa pa ito, ewan kung bakit pakiramdam ko may nagbago, o sadyang loka loka lang ako... Pagod lang siguro ito... I'm starting to imagine things na... ganito na ba ako ka stressed? The hell!
I looked at the time sa lappy, Ay fruta! 8pm na pala kaya ginugutom na ako...
Niligpit ko na yung mga gamit ko, itetext ko na sana si JN para sunduin na ako, pero may kumatok sa pinto ng office,
Hala? Sino kaya ito...Lech! ako lang mag-isa dito... "JN ikaw ba yan?" walang sumagot, lalo akong kinabahan... wala akong ibang nakita na pang pukpok, kaya si lappy na lang kinuha ko...
Dahan dahan akong lumapit sa closed door, may narinig akong kuluskos, WAAAAHHHHh! lagot ka sa akin kung sino ka man? di ako patutumba na di lumalaban.
Binukasan ko na yung door at akmang hahampasin na ng lappy with all my might ang taong nakatayo dun, ng napansin kong....
"Oscar? bakit andito ka?" ... tinignan ako ni Oscar... para siyang nagulat na makita ako.
"Ai Dahly buti andyan ka pa, ipapasa ko lang tong write up ko sana baka kasi wala ako for 3 days... iiwan ko na lang sana sa desk mo." Inabot ni Oscar ang write-up niya habang di makatingin sa akin ng direct...
Ai Lech! ito na naman kami, awkward moments.... Hay! nakalimutan ko writer nga pala ng news section si Oscar...
:Ah kk dear, kinuha ko na lang yung paper, papauwi na rin ako actually, buti na lang naabutan mo pa ako... "
"Gabi na ah, ihahatid na kita" offer ni Oscar sa akin...
Tumango lang ako at minadaling kunin ang mga gamit ko...
We walked silently, I have to make a decision na talaga, mali na pinapaasa ko si Oscar...
"Ahmmm Oscar" tinawag ko name niya, kahit pa side by side kami naglalakad medyo nalakasan ko yung pagtawag sa kanya...
Liningon naman niya ako, like Jason he looked at me with intensity, yung parang pilit na kinikilala ako by looking at me.
LECHE! anak ng tokwa! Echuserang frog frog ka Dahly! sasaktan mo ang taong to, halang ang iyong kaluluwa...
But I have to be cruel just to be kind to him...
He looked at me with sadness in his eyes... "Dahly" narinig ko na lang na sinabi niya...
"Yes?"
"Sa tingin ko, nahihirapan ka na sa aming dalawa ni Jason..."
seryoso niyang sabi sa akin... kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yun...
"I really really like you... pero ayaw ko rin nahihirapan ka, besides... di na ako pwedeng magpatuloy sa panliligaw..." medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"In 3 days Dahly... I'm processing documents ... gusto ni kuya doon na ako sa Singapore magpatuloy ng studies ko.... "
"Alam ko ng wala naman talaga akong pag-asa pero nagbabasakali ako... you are really kind Dahly, never mo pinafeel sa akin na olats ako. Fair na fair ang treatment mo sa amin ni Jason, and I really thank you for that..."
"I guess this means goodbye... pagkatapos sabihin ni Oscar yun, niyakap niya ako ng sobrang higpit..."
"Oscar..." napaiyak ako... I hate goodbyes... di man siya ang taong mahal ko pero isa siya sa mga naging malapit na friend ko dito sa school...
Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin... "Dahly bakit ka umiiyak?" dali dali niyang kinuha yung panyo niya at pinahiran ang luha ko...
"Ikaw kasi eh!, mawawalan ako ng friend..." hinampas ko pa siya habang umiiyak... di ako umiiyak dahil sa nasasktan ako na di na siya manliligaw, as what I said, nunca ako iiyak for a guy because of love...
sayang lang yung friendship namin, kaya naiyak ako... ilang beses na ba akong iniwan ng kaibigan, and everytime they do, I can't hep but cry.
"Asus! May skype naman at facebook.... we could still communicate oi..." Sinabi yun ni Oscar habang pinupunasan pa niya ang luha ko...
"Tahan ka na, baka ano pang sabihin ni JN, akalain niyang inaway kita o kaya inano... masapak pa ako ng asawa mo..." pabiro niyang banat.
"Asawa ka dyan, friends lang kami oi..." itinama ko ang maling akala niya...
"Ok sabi mo eh" nagkibit balikat si Oscar, "pero sa tingin ko, hindi ka lang isang friend sa kanya...." pahabol ni Oscar.
"What do you mean?" tinanong ko siya, confused talaga ako.
" Dahly, lalaki din ako... and I've seen JN grow up... lapit lang kaya bahay namin sa kanila. Hindi siya ganyan kay Patricia, pwedeng ngayon in denial pa siya o kaya confused, pero nararamdaman ko na hindi lang talaga friend tingin niya sa iyo..." Oscar gave his opinion about sa amin ni JN, na amaze ako.
"Of churs! I'm more than a friend for him, sister niya ako." Nilinaw ko sa kanya kung ano ba talaga kami ni JN, people always misunderstand what we have kasi...
Oscar just shrugged then smiled, "Halika na, baka masapak na ako talaga nun, he strictly said na ihatid kita agad agad sa house nila... Strikto talaga niya sa iyo no?" tumatawa siya habang tinanong yun.
"Ewan ko dun, this past few days parang lalaking menopausal..." nakasimangot kong sagot sa kanya...
"haha! sa tingin ko alam ko ang dahilan bakit siya ganyan..." tumatawang reply ni Oscar.
"Bakit?" tinanong ko siya...
"It's a guy thing" yun ang tipid niyang sagot with a smile...
"Tara na!" aya niya sa akin at hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko while walking...
____________________________________________________________
Hi readears, so lame ang UD pasensya na, busy kasi talaga si Author, naghahabal ng oras sa work heheh... hope you like it though... LOVE YA ALL MWAH!
![](https://img.wattpad.com/cover/27285818-288-k73689.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)
HumorDahly the ever cute na nerd/ chabelita/ echuserang emoterang kokak is out to conquer a new place , new school , new faces. Carry kaya nya ang mga churvah that lies ahead. Join her and her circle of out of this world friends as they try to add spice...