JN's POV
Exactly 3 pm dumating na kami sa private hangar ng mga Vileafuerte. Agad agad kaming pumasok sa private plane at ayun parang mga loka loka si Faith at Candy.
"wow so spacious naman here totyal may ref at mini bar pa " manghang comment ni Candy
"Wow wala sa bikid namin to,.. ito pala ang erplen" biro naman ni Faith
"Oi mga taong gubat magsiupo na kayo" saway ni Dulce sa kanila na tumatawa
At umupo na nga sila, hinila ako bigla ni Faith at pinaupo doon sa only seat na pang dalawa lang.
"Oi JN, pinag-usapan na natin to kanina, you have once chance only wag kang pumalpak" pabulong na sinabi sa akin ni Faith at dali daling bumalik kay Kevin.
Huling umakyat si Dahly, kaya nga wala siyang magawa but to take the seat beside me na nakasimangot.
Anong problema nito, pag si Cy kausap all smiles, sa akin naman parang inis sa buong mundo.
She sat down sa may window seat at di ako pinansin, instead nagbasa na lang siya ng libro Heroes of Olympus: House of hadesButi pa yung libro pinapansin niya! Inis akong kinuha ang gitara ko at ayun pakanta kanta na lang ako. Di ko ata kayang gawin yung pinag-usapan namin ni Faith, binato ako ni Faith ng nilukot na papel habang tinitignan ng masama.
Binuklat ko yung paper, " Ano ka ba move!"
Bumuntong hininga ako, "Dahls?"
"Hmmn?" yun lang sagot niya
"Could you be my date sa prom?" tanong ko sa kanya
"May meeting ako sa with the stock holders that time, I may not go" yun ang sagot niya without even looking at me
"And besides, if pupunta man ako, I will be going with Cyrus, planned out na yan 3rd year pa ako" she said casually still reading.
para namang dinaganan ni DUmbo yung puso ko sa narinig ko. Biglang uminit ang ulo ko
"You are not going with him!" medyo nalakasan ko ata ang pagkasabi nun, lumingon silang lahat sa akin.
"And why?" tanong ni Dahly sa akin, nakataas ang isang kilay niya pero di pa rin niya ako tinitignan.
"Because I said so! You are going with me" inis kong sagot sa kanya and I made sure she got my message... mainit na talaga ulo ko
"Then make me, if you can!" sigaw niya sa akin at nag walk out, pumunta siya sa CR
pagsara ng CR door
"JN you messed it up!" inis na sabi ni Faith
"She started it!" sagot ko sa kanya
Napaface palm na lang si Faith
"JN ako na lang muna kakausap kay Dahly ok" sabi ni Cy Cy na mukhang nag-aalala na rin
"Ewan, bahala na!" inis kong sagot, I plugged my earphones at itinaas ang hood ng hoodie ko.
Shit! bakit napunta kami sa ganito, aso't pusa na!
Lumapag na kami, malayo sa hangar ang rest house mga 3 oras na biyahe walang bus dito, at isa pa sa taas ng bundok ang resort.
We will be traveling by helicopter, 4 people ang kasya, 3 helicopters lang ang available may mga bagahe pa so ang ending, si Marah at Devon at kami ni Dahly will be traveling via horses.
Uncomfortable kaming dalawa ni Dahly, dinagdagan pa ng loko lokong comment ni Devon
"Oi kids uwi direstso sa rest house ha, walang biglang liko"

BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)
HumorDahly the ever cute na nerd/ chabelita/ echuserang emoterang kokak is out to conquer a new place , new school , new faces. Carry kaya nya ang mga churvah that lies ahead. Join her and her circle of out of this world friends as they try to add spice...