Confrontations 3- The man behind the hood.

216 34 24
                                    

Jena's POV

"Rosie iba nga lang pag-uusapan namin, hindi kita ibubuking sa crush mo ano ka ba!" Nasa classroom pa kami waiting for the last period to end. Ang tagal naman matapos ni Ms. Gracia, nakita ko ng dumating si JN at sure ako nasa classroom niya yun, o di kaya kasama ni ate? Wag naman please mas lalo akong mahihirapan. 

Pfffft! Bakit ba naman kasi namin pinoproblema to ni LJ? eh ano kong they like each other? paki ba namin dun... kaso nga kami na yung kinukulit ng parents namin at ang dalawang ugok sasabihin lang ng We are just friends, brother and sister lang kami. Ano yun? may ganun ba kasweet na brother and sister?  sabagay sweet naman talaga si ate, I expect that she would be like that, ganun din naman yun sa akin. Kahit nga kay LJ, sweet yun may pa I LOVE YOU pa nga silang nalalaman. 

Pero ni sa hinagap ko, I never thought JN would be equally sweet sa kanya to the point they look like lovers. OA pa nga kaysa lovers, may mga buhat buhat effect. Subo subo effect, Hay naku! sumasakit ulo ko! Idagdag mo pa si Dadi na pagalit galitan effect, pero gusto naman niya si JN for ate, NGE! ano ba yan? ang gulo.

I look at my friends,Rosie and Cheenee, kinulit kulit talaga nila ako kanina kung ano pinag-usapan namin ni LJ at may pa privacy effect pa kami sa library. I told them na may gusto lang ipatulong si LJ kay JN, at nilapitan niya ako kasi mas near yung personality daw namin. Yun lang at tumahimik na sila except for Rosie ng malaman niya that I need to talk to JN. Kinabahan ata ang loka, baka sabihin ko kay JN yung big C niya sa kanya. Di ako ganun Rosie oi, grabe ka naman, a little trust please.

Natapos din ang pagka boring na last period namin. Paglabas na paglabas ni Ms. Gracia, lumabas na rin ako. I was crossing my fingers na di nga sila magkasama ni ate. I found him sa may harap ng classroom nila he was leaning on the 2nd floor railings. tama bah na term yun? Ah di bale na para naman talagang railing. He was wearing a black hoodie at nakataas yung hood... pero malalaman mo na siya yun dahil sa very obvious niyang habit, may panyong nakatakip sa face niya, eyes lang makikita mo. 

He looks so pensieve, as in ang layo ng tingin niya, I started to move closer. As I got closer napansin ko na may sinusundan pala ang mga mata niya. Tinignan ko saan siya nakatingin, it was my sister. Papasok na siya sa room nila ni LJ, as usual oblivious sa mundo na ginagalawan niya, di nga niya napansin ang titig ni JN sa kanya. Parang gusto ko ng kiligin sa ginagawa ni JN, para siyang may crush sa ate ko na naghihintay na makita kahit man lang silhouette niya. Ang sweet!

When my sister was inside the classroom na, nagsimula na rin also siya pumasok sa room nila. "JN wait..." di ata napansin ng loko na may lumapit sa kanya, was he that focused on watching my sister?

He stared at me na parang hinahanap niya sa utak niya kung sino ako, nakakunot pa nga ang forehead niya. "Oi Jena ikaw pala, kumusta?" Finally nakilala na rin ako ng mokong o talagang napa-isip lang siya kung bakit ko siya tinawag. Binaba na niya ang panyo niya and revealed a smile. Now I know bakit ang dami kong classmate na nababaliw at super kilig sa tao na ito. 

Mas marami pa ata siyang fans club kaysa kuya niya. At lalo tuloy di ko maintindihan si ate bakit walang epek ang smile ng taong to sa kanya. Wala namang epek sa akin also pero I admit, smile pa lang niya ulam nah, nasaan ang kanin please?

"Do you have 3-5 minutes? can we talk?" Yun na lang ang sinabi ko sa kanya since he was waiting for an answer.

"Sure! Where do you want to talk?" ask niya naman

"Anywhere you are comfortable basta wala masyadong tao ok." Nakita ko nagbago yung expression ng mga mata niya, he may be smiling pero his eyes look worried. "Ah ok, sige dun na lang tayo sa tindahan ni Auntie." He asked me to follow him.

Bakit kaya? nagbago expression niya, what is he worried about? hahay! hirap naman basahin ng taong ito, ganito din ba ako kahirap basahin?

Matao na ang tindahan, bumili siya ng manggang hilaw at bananacue at dalawang buko juice. Ibinigay niya sa akin ang bananacue at buko juice. "Auntie, pwede patambay dun sa loob?" nag ask siya ng permission. Tumango si Auntie sabay smile, busy siya masyado eh. Pinagtitinginan kami ng mga people, lalo na yung mga girls, yung tingin na parang gusto ka nilang sabunutan dahil kasama mo ang nilalangit at pinagpapantasyahah nila. Keber! I don't care, hold your horses girls, hindi ako ang dapat niyong pagselosan. 

Sumunod na ako sa kanya sabay thank you sa snacks, gutom na ako pero gusto ko munang matapos ang mission na ito. I'll eat you later aligator!

Kaswal na umupo si JN and I sat sa chair across him. He looks pale at di nga niya masyado kinakain yung mangga. "Are you ok? parang may sakit ka?" tanong ko naman sa kanya with concern, char! of course no marunong din naman akong maconcern sa mga people. 

 "ok lang ako, may lagnat lang konti, but I'm ok, wala lang akong panlasa." tipid niya na sagot kahit one sentence yun. Ganito pala kahirap makipag-usap sa isang katulad namin ni JN? I really could see myself sa kanya, same bird and feather hahay! 

"You look so pale, you should go home na lang at magpahinga, next time na lang tayo mag-usap."

"I don't like to go home, ang boring dun at tsaka..." di na niya tinuloy ang sasabihin niya. 

Parang alam ko na kung anong karugtong nun, "Nag- aalala ka na baka walang maghatid kay ate? I'll wait for her if you like..." di ko namalayan na, na voice out ko ang nasa isip ko. 

He did not reply, flinched or even deny. Since napunta naman sa kay ate ang usapan, ituloy tuloy ko na. "Ano ba si ate sa iyo?" seryoso kong tanong with the inis face. 

Napatingin na siya sa akin, di ko matantiya, his face was a jumble of emotions. Di ko rin mabasa iniisip niya... Mind reader na ba ako ngayon?

There was silence, awkward silence. Yet tinigasan ko sarili ko with all the wide eyed expression waiting for his answer. Ang hirap pala ng di nagbliblink ng matagal, mahapdi sa eyes.

"I love her...as a sister, as a friend, as a family." Yun lang sinagot niya, with a very serious face, para ngang pissed off pa siya eh!

"OK!" di ko na siya kinulit, I know when to draw the line, his answer was enough to explain himself. 

I gave him na lang yung natitirang paracetamol sa bag ko. "Inumin mo yan at baka  mapaano ka, may bilbiling carmen na mag-aalala. "

He took the medicine from me and smiled again. Hay! abnormal din pala ang isang to!

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon