Student teacher... JN Edition...

234 26 39
                                    

Finally I decided na POV ni JN ang story na ito... I could not think of any better story teller para sa chap na ito eh!

Have fun guys... please vote if you like and comment din yung mga thoughts niyo. I sooooo welcome them.

__________________________

JN's POV

Bakit pa kasi ako ang naging class president, wala tuloy akong magawa, di ako makatakas. Ah di bale na, sa ayaw at gusto nila, ayaw ko mag join ng english class namin. Tatakas ako bahala sila, pero patay naman ako kay Dahly if malalaman niya yun. Bahala na! Di pa ako handa makita siya ulit... 

Palabas na sana ako ng makita ko si Dahly. Shit! naman lagot na ako nito, teka di pa niya ata ako napansin, dahan dahan akong bumalik sa room namin... 

"James Nicholson Salas saan ka pupunta, mag cucutting class ka na naman? Di ba pinag-usapan na natin to!"

Ayan na ang armalite, sabi ko na nga ba lagot ako eh. Lumingon na ako sa kanya, as usual habit ko na magtakip ng panyo sa mukha, parang comfort zone na ang dating sa akin ng habit na ito. 

Sinagot ko na siya. "Eh ano ngayon? di ko gusto pumasok ng en... ng class..." di ko magawang sabihin na english yung subject na tinatakasan ko ngayon. Alam ng buong school kaya na student teachers ang magtuturo for the whole week, tinaasan lang niya ako ng kilay at nakapamewang pa... 

"Eh ikaw, di ba may klase ka? bakit ka andito? nag-cutting ka rin ba?" lumapit na ako sa kanya, bahala siya basta ayaw kong pumasok sa english class namin, "kita na lang tayo mamaya pag-uwi mo susunduin kita" akmang lalampasan ko na lang siya lagot na talaga ako, nakakatakot pa naman ito pag nagalit... 

"At bakit ayaw mo pumasok sa english class mo aber?" nararamdaman ko na ang nagbabagang aura niya, lagot ka na talaga JN magdasal ka na sa lahat ng santo na pwede mong dasalan. 

"Kasi nga ayaw ko" nilakasan ko na ang loob ko pero pumiyok ako sa huling salita nakita ko kasi na di na maipinta ang mukha ni Dahly, lagot na talaga ako, nakasulat na ba ako ng last will and testament? 

"Bumalik ka na nga sa klase mo" mahina lang pagkasabi niya nun pero ramdam ko ang galit niya, galit siya na ako nag cucutting habang ginagawa naman niya! "Bakit ikaw nag cucutting ako hindi pwede?" resbak ko sa kanya.

"ULOL!" PAK! isang malakas na hampas ng libro ang natamo ko, ayan simula na ng torture.... nagsisisi na ako Dahly spare me please...

"Ako teacher niyo at hindi ka papasok? nakakasakit ng damdamin JN ha!" Na sad bigla yung face niya... teka tama ba narining ko? Si Dahly yung teacher namin..

Napansin ata niya ang pagkagulat ko. "OO ako teacher niyo, hindi siya, buti na lang ako nakabunot ng section niyo at kahit pa siguro hindi ako ang nakabunot, gagawa at gagawa ako ng paraan para ako maging teacher niyo, kahit pa magmukha akong selosang gf sa harap niya!" With conviction niyang sabi yun... 

Nabasa ata niya isip ko, ganito kami ni Dahly, kahit walang words spoken,  parang may kung anong connection na nababasa namin ang possibleng iniisip ng isa. Nakalimutan ko nga pala na dalawa silang magtuturo, at si Dahly ang isa dun.. Pasensya na nawala sa isip ko na may isa pa palang student teacher. 

"Tara na balik na tayo sa classroom" ako na nag-aya, bumalik naman ngiti ni Dahly. Ngayon ko pa napansin ang itsura niya. Himala nakaponytail lang, ang simple niya ngayon, parang yung look niya nung nagdate sila ni Jason na parang driver ng jeep, may lagi kasing nakalagay na hand towel sa likod niya, kaya driver tukso namin dun. Lakas ng apog edate si Dahly di na nahiya...

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon