GINO'S POV
"Gino Ledesma! Bumaba ka na dyan!"
Hay ayan na naman si Mama. Nang-aabala na naman ng masarap kong tulog.
Bumangon nalang ako at naghilamos. Masamang ginagalit ang nanay ko e. Maladelubyo sa movie na 2018 ang bagsik.1
Pagkababa ko, ayun. Ready na ang almusal. Woo. Sarap ng buhay ko. Haha.
"Goodmorning to the most beautiful mom in the world." Bati ko kay Mama Menchu.
"Sus! Sipsip! Kumain ka na nga lang at pupunta ka pa sa Bahay Pag-ibig."1
Bahay Pag-ibig ang name nung Home for the aged na weekly kong binibisita. Ewan ko ba pero gustong-gusto ko yung lugar na yun.
"Si papa nga po pala?"
"Ayun, pumasok na sa office nya. Kaya ikaw, bilis-bilisan mo dyan, baka hinihintay ka na ng mga fans mo dun."
Natawa nalang ako sa sinabi ni mama. Sa gwapo ko kasing to, andaming mga tao dun sa Bahay Pag-ibig ang nahuhumaling sakin. Haha. Walang halong biro.1
Pagkatapos ko maligo at magbihis, agad agad na kong nagdrive papunta dun sa Bahay Pag-ibig. Oo, ako ang nagdadrive kasi 22 years old na ako. Nasa tamang edad na.1
Finally after 10 years, nakarating na rin ako sa wakas. Ibinaba ko na lahat ng pasalubong ko at binigay ito dun sa mga helpers na sumalubong sakin.
Tinulungan ko na rin sila dalhin yun lahat sa storage room. Pagkatapos namin ayusin yung mga dala kong pasalubong, ayun dumiretso na ko sa confession room. -__________- Okay joke lang. Sa office ni Sir Laurenti ako nagpunta. Sya kasi ang nagmamanage nitong home for the aged.
"GINO! Medyo tinanghali ka yata" Yan agad ang pambungad sakin ni Sir.
"Oo nga po e."
"O sya. Halika na. Hinahanap ka na ng mga admirers mo."
Naglakad na kami papunta sa receiving room. Doon tumatambay ang mga lola at lolo kapag wala silang ginagawa. Yung iba, nagpapahangin. Yung iba naglalaro. Yung iba nagbabasa. Yung iba nagsusulat. Yung iba, nanonood ng TV.
"GINO HONEY!"
Kung inaakala nyong girlfriend ko yan. Pwes nagkakamali kayo. Hahaha.
"Hello Lola Zeny!" Sabi ko sa matandang nakayakap sakin.
Si Lola Zeny ay isip bata na. Minsan nag-uugaling 3 years old sya. Minsan naman, nagiging mature woman. Pero sa oras na to, mukhang isa syang teenager.
"Anong Lola Zeny ka dyan! Babe nalang."
Hindi ko maiwasang ngumiti. Nakakatuwa si Lola.
"O sige, Babe. San mo gusto pumunta?"
"Date tayo honey!"
Bago pa man ako makasagot, biglang naglapitan samin ang iba pang mga lola.
"Gino! Ako nalang idate mo!"
"Hello! Ang gwapo mo naman. Kamukha mo ang namayapa kong asawa."
Well. Sabi sa inyo e. Lakas ng kamandag ko. Haha. Para akong artista ditong pinagkakaguluhan ng mga matatanda. Lagi namang ganto pag pumupunta ako kaya medyo sanay na ko.
Pinagtatawanan nalang ako ni Sir Laurenti.
Habang nagkakagulo sila sakin, bigla akong napatingin sa may garden. Specifically dun sa puno sa may garden. Nakita ko ang isang matandang nakaupo sa ilalim ng puno.
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Historical FictionMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?