GINO'S POV
Nagising ako na katabi at kayakap ko ang babaeng pinakamamahal ko ngayon.
Akala ko ako na naman ang gigising sa kanya, pero mali ako. Gising na pala sya.
"Gino, kailangan nating magpunta sa Bahay Pag-ibig ngayon, ngayon dadating ang asawa ni Lola Elay." Mikaela.
"Ganun ba, o sige."
Naligo na kami, nagbihis at kumain tapos dumiretso na kami sa Bahay Pag-ibig.
Pagdating naming dun, andaming kotseng nakaparada. Siguro mga anak at apo to ni Lola.
Dumiretso na kami dun sa kwarto nya at nakita naming ang daming tao. Pero lahat sila nasa labas lang.
Similip kami sa bintana para malaman namin kung anong nangyayari. Nasa loob pala ang asawa nya.
"Asawa ko, natutuwa akong makita ka ulit. Masaya ka ba, asawa ko?" Sabi nung lolo.
"Oo, masayang-masaya ako asawa ko. Maraming salamat. Salamat sa pagmamahal mo sakin." Lola Elay.
Nagyakap silang dalawa. Lahat ng tao nakangiti maliban kay Mikaela na umiiyak.
"Mikaela, ayos ka lang ba?"
"Oo. Lumuha lamang ako dahil sa saya. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Pero malungkot rin..."
"Malungkot? Bakit?"1
"Wala. Gino. Tara na umalis? Mukhang hindi na naman pala tayo kailangan rito. Nais ko lamang masilayan ang muling pagkikita ni lola at ng kanyang asawa."
Umalis na kami ni Mikaela. Tinanong ko sya kung san nya gustong pumunta. Sabi nya dalhin ko daw sya sa isang lugar kung saan pinakamagandang tingnan ang mga bituin.
Dinala ko sya dun sa burol.
Dun na kami naglunch at merienda. Kahit buong maghapon ay yun lang ang ginawa namin, hindi ako nabagot. Hindi ako nabore kasi kasama ko si Mikaela.
Sya, hindi rin naman sya nabagot. May ginagawa sya e. May sinusulat. Ewan ko kung ano. Ayaw nya sabihin e.1
Lumubog na ang araw at mamaya-maya lang ay lumabas na ang mga bituin.
(Now Playing : Nag-iisang Bituin by Angeline Quinto. Video sa side)
Sa lamig ng gabi, may pupuno ng puwang sayong tabi. Pagmamahal. Ang tanging hatid. Patitingkarin ang yong kislap sa dilim.
"Tara humiga sa damuhan. Mas makikita natin ang mga bituin sa gantong paraan." Mikaela.
Humiga ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.
"Ang ganda nila noh?" Mikaela.
"Wala nang mas gaganda sayo." Ako.
Tumingin sya sakin at ngumiti.
Malayo man maihahatid din ng hangin ang mga hangarin na puno ng pag-ibig.
"Lagi kang titingin sa mga tala sa langit, Gino sa oras na mangulila ka sakin."
"Ha? Bakit naman kita mamimiss? E hindi ka na naman aalis."
Ang pangarap ko'y para sayo, nag-iisang bituin. Laman ng puso at damdamin ko'y nag-iisang bituin.
Umupo si Mikaela at humarap sakin.
"Gino... Hindi na ako magtatagal. Malapit na kong umalis."
Napaupo ako sa sinabi nya.
"Ha? Akala ko hindi ka na aalis. Diba dito ka nalang?"
At kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin.
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Historical FictionMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?