GINO'S POV
11 am na, tulog pa rin si Mikaela.
Napagod yata to.
Tumawag muna ako kay Mama.
"Hello Ma."
(Oh hey Gino. How's your vacation with Mikaela?)
"Okay naman. Masaya."
(What? Parang iba yata ang pagkakasabi mo ng masaya ah. Something happened noh!)
"Depends on what you're thinking."
(Omygahd, Gino. You can't hide that from me! Tell me about it!)
"Ma naman! Pati ba naman yun kailangan ko ikwento sayo?!"
(Ay nako. Bahala ka. Basta I want a grand daughter/son soon, okay? Bye!)
Hay. Loka talaga tong nanay ko.
Napatingin ako sa anghel na natutulog ngayon.
"Sana nga balang araw magkaanak tayo. Magkapamilya. Pinapangako ko, gagawin ko ang lahat para maging mabuting ama at asawa para sayo."
Then I kissed her cheeks.
Gusto ko pa sanang magextend dito sa resort, kaso may usapan pa pala kami ni Javy e. Imbes na gisingin ko si Mikaela, binuhat ko nalang sya papunta sa sasakyan.
Pinababa ko nalang sa helpers yung mga gamit namin.
Sinabi ko kay Javy na samin nalang sya sumabay papunta dun sa address na binigay nya. Sakto nga e. Nasa bahay pag-ibig pala ang lola nya. Sino kaya sa mga lola dun ang lola nya?
"Himbing ng tulog ni Mikaela ah." Javy.
"Oo nga e."
"Pinagod mo yata kagabi e."
"Pwede ring kaninang umaga."
"Bangus ka pre! Tinik mo!"1
Nagtawanan nalang kaming dalawa.
Ilang oras din ang byahe papuntang bahay Pag-ibig. Pero nakarating na kami dun at lahat, tulog pa rin si Mikaela.
Pinauna ko nang bumaba si Javy, gigisingin ko muna tong asawa ko.
"Mikaela? Gising na..."
Minulat na nya ang mata nya.
"Nasan tayo?" Gulat nyang tanong.
"Nasa Bahay Pag-ibig tayo."
"Ha? Wala na tayo sa resort?"
"Oo. Haha. Ang himbing kasi ng tulog mo e. Hindi na kita ginising kasi baka masyado kang napagod. Binuhat nalang kita papunta dito sa sasakyan."
"Ganun ba? Pasensha na ah." Napatungo sya habang humingi ng sorry.
Itinaas ko ang mukha nya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Wala kang dapat ihingi ng sorry, Mikaela. Kasi wala ka namang ibang ginawa kundi pasayahin ako. Salamat sa pagtitiwala sakin. Sa pagmamahal sakin."
Hinawakan nya ang mukha ko. "Walang anuman, Gino. Salamat din. Para sa lahat."
Then she kissed me. It was a passionate kiss. A kiss full of love. Napasandal na nga sya sa may pintuan ng kotse e.
Napatigil nalang kami nung biglang may kumatok.
Si Javy pala. Lumabas na kami ng sasakyan at nakita ko si Javy na nakangiti ng nakakaloko sakin.
"Balak nyo pa yata ituloy ang naudlot ah. Pasensya na sa abala ha. Hahaha."
Nag-apir nalang kami tapos naglakad na kami papasok dun sa bahay Pag-ibig.
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Historical FictionMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?