Chapter 14 - Mikaela's Diary

9 1 0
                                    


GINO'S POV

Ngayon ang araw na ipapakita sa board ang ginawa naming film.

Kahit wala akong ganang tumayo at gumalaw mula sa higaan ko, kailangan kong pumunta dun.

Pinipilit ko sa sarili kong panaginip lang ang mga nangyari kagabi. Na babalik pa si Mikaela.

Pero malinaw na malinaw ang lahat.

Hindi na sya babalik.

Pumunta na ako sa office. Dumiretso ako sa theatre room dahil papanoorin namin ang ginawa naming film.

Dahil hindi ako laging present sa set, hindi ko alam ang mga nangyari sa mga naunang scenes.

"Good morning everyone. Sisimulan na natin ang viewing in a minute."

Nagsimula nang iplay yung movie.

Sinimulan ito sa scene ng isang babae. Probably nasa 1950's ang time setting nito. Typical Filipino family. Nagtatrabaho ang ama, housewife ang ina. May isa silang anak na babae.

Dahil medyo boring pa, nagdaydream na muna ako. Hindi ko muna pinanood hanggang sa narinig ko ang ilan sa mga pamilyar na linya.

"Ah. Ms?"

"Ano yun, ginoo?"1

"Sigurado ka ba sa sinabi mo kanina? Na galing kang 1954?"

Teka. Parang... parang ito ang nangyari samin ni Mikaela nung unang beses kaming nagkita.

Pagkatapos ng scene sa kotse, lumipat ang scene sa mall.

"Bakit? Anong meron?"

"M-may m-malaking bubuyog dun! Kulay dalandan! Umalis na tayo dito baka kung anong kamalasan ang dala nyan!"

HINDI AKO MAKAPANIWALA. Itong-ito ang nangyari sa amin ni Mikaela.

At kagaya ni Mikaela, may mahiwagang kwintas din yung babae.

Pinanood ko ang film hanggang sa matapos ito. Yung mga nangyari sa simula hanggang sa oras na nagkahiwalay sila, lahat yun... lahat yun nangyari samin.

Nung natapos na yung film, nilapitan ko si Ysa.

"Ysa."

"O Gino. How's the film? You like it?"

"San mo nakuha ang idea na to?"

"I told you, sa isang lola sa Bahay Pag-ibig"

"Sinong lola?"

"Si Lola Elay. She lend me her diary."13

Diary? Ang diary na lagi nyang binabasa? Ibig sabihin kwento namin ni Mikaela ang binabasa nya? Pero paano? Pano nya nalaman?

Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa. Pumunta na agad ako sa Bahay Pag-ibig para makita si Lola Elay.

Binilisan ko ang pagdadrive kaya nakarating agad ako dun.

Dumiretso ako sa garden, pero wala na sya dun sa favorite spot nya, nandun na sya sa may bench katabi nung punong yun.

Nilapitan ko sya at nakita kong nakasarado ang diary nya. Hindi na nya ito binabasa.

"Lola Elay..."

Napatingin sya sakin. "Gino, napadalaw ka..."

Umupo ako sa tabi nya.

"May itatanong ho sana ako, lola."

"Ano yun?"

"Ano po yang lagi nyong binabasa?"

Timeless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now