MIKAELA'S POV
Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nakabalik ako dito galing sa makabagong panahon. Siguro tatlong araw na rin.
Sa tatlong araw na nandito ako sa panahon ko, patuloy lang akong nakakatanggap ng mga liham at regalo mula kay Javier.
"Pinsan. Mukhang seryoso talaga sa'yo si Javier ha."
"Sinabi mo pa, pinsan." Sabi ko habang inaamoy ang bulaklak na pinadala nya sakin nga-ngayon ngayon lang.
"Maiba ako pinsan, sinubukan mo na ba ang kwintas na ibinigay sayo ng aleng manghuhula?"
"Oo."
"Anong nangyari?"
"Nakarating ako sa hinaharap."
Nabitawan ng pinsan ko ang hawak nyang libro sa sinasabi ko.
"Ikaw ba ay may sakit? O ika'y nababaliw na?"
"Wala akong sakit, ate. Totoo ang sinasabi ko. Nakarating ako sa panahong dalawang libo't labing-dalawa."
"HAHAHA. Mikaela naman. Sigurado ka ba sa iyong sinasabi?"
"Oo, ate. May nakilala pa nga akong estrangherong Gino ang pangalan. Siya ang magiging katulong ko sa paghahanap kay Javier sa panahong yun."
"Ha? Bakit mo kailangang hanapin si Javier?"
"Dahil nabanggit ng manghuhula na sasagutin daw ng kwintas na ito ang katanungan ko."
"Ngunit ang tinanong mo ay kung si Javier nga ba ang nararapat sa iyo."
"Tumpak! Kaya nga hinahanap ko si Javier sa panahong pinagdalhan sakin ng kwintas."
"Pero paano kang nakakasiguradong nararapat nga si Javier sayo? Paano kung kaya ka dinala doon ng kwintas ay upang maipakita sayo ang hinaharap at hindi para hanapin si Javier."
"Yun na nga ang ipinaparating ko, ate. Si Javier ang hinaharap ko, alam ko. Kaya nakakasigurado akong makikita ko sya o ang mga anak at apo namin sa panahong yun."
"Pero paano kung dinala ka dun ng kwintas para makilala mo ang lalaking mamahalin mo. Ang lalaking nararapat talaga sayo... at hindi yun si Javier"
Hindi ko alam kung bakit, ngunit pumasok sa isipan ko si Gino. AAH. Wala, marahil ay naalala ko lamang sya.
"Ay. Ewan ko ate. Pinapagulo mo pa kasi ang sitwasyon e."
"Alam mo, Mikaela. May dahilan ang lahat. Nabanggit mong may nakilala kang binata dun diba? Sa tingin mo, bakit mo sya nakilala?"
Si Gino? Bakit nga ba? Kung tutuusin sa kanya talaga ako dinala ng kwintas.
"Siguro siya ang itinakdang makakatulong ko."
"Hmmm. Maaari. Maaari ring hindi..." Napatingin ako kay Ate na nagbabasa na naman ng aklat nya. Anong nais nyang iparating?1
Kailangan kong makausap ang babaeng manghuhula upang malinawan ako.
Gumayak na ako at nagpunta sa tirahan ng manghuhula. Kahit kailan talaga, hindi ko gusto ang lugar na to. Nakakakilabot!
"Mikaela. Anong kailangan mo't napasadya ka dito?" Bati nya sakin.
Umupo na ako sa harapan nya at inilahad ko ang kwintas.
"Nagamit mo na ba?" Tanong nya sakin.
"Opo."
"Anong nangyari?"
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Historical FictionMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?