MIKAELA'S POV
"Woah. Yes, I'm Javier. But how did you know my name, miss?"
Sasagot na sana ako, pero bago ko pa yun magawa, hinila ako ni Gino papalayo.
"Gino, saglit lang. Kailangan ko syang makausap."
"Bakit pa? Akala ko ba, wala ka nang nararamdaman para kay Javier?"
"Oo, pero nakakapagtaka kung bakit naririto rin sya."
Napabuntong hininga si Gino tapos pinayagan na nya akong bumalik kay Javier.
"Javier?"
"Uhm. Ms. Baka nagagalit yung boyfriend mo."
"Hindi. Ayos lang sya. Pero Javier nga ba ang pangalan mo?"
"Oo. Pero actually, Javier the third na ako e. Javier din kasi ang lolo ko at ang daddy ko."
Lolo at daddy? Sa pagkakaalam ko, hindi Javier ang pangalan ng ama ni Javier.
"Naguguluhan ako. Javier ang pangalan ng ama mo?"
"Yes."
Bakit ganun? Bakit?
"Nakikilala mo ba ako?"
"You look familiar, but no. Hindi kita kilala ms. e."
"Ako si Mikaela."
"Ohh. Nice name. Hi Mikaela. Nice to meet you."
Inilahad nya ang kamay nya. Kukunin ko na sana ito, pero biglang kinuha ni Gino ang kamay ko at hinawakan ito.
"Brad, Gino nga pala. Fiance nya."
"Ohh. So you're getting married. Well congrats. Magpopropose palang ako sa girl ko e."
Lumuwag ang hawak sakin ni Gino. Tila napanatag sya sa sinabi ni Javier.
"Ganun ba? Mukhang mag-isa ka yata ah. Gusto mo dito ka nalang samin?" Gino
"Is it okay?"
"Of course"
Umupo na kami dito sa pinareserbang table ni Gino.
Nagorder na rin silang dalawa. Dahil hindi ako pamilyar dito, hinayaan ko na lamang na si Gino ang pumili para sakin.
"So, bro. Ilang years na kayo ng gf mo?" Gino.
"4 years na."
"Ohh. Siguro ganun nyo na kakilala ang isa't-isa."
"Medyo. Long distance relationship kasi kami e. Actually, she's one of my reasons kung bakit umuwi ako ngayon."
"One of my reasons?"
"Oo. May isa pa kong rason kaya ako umuwi."
"Ano yun?"
"To find my lost grandmother. Iniwan nya kasi kami e. Umalis sya. Pipigilan ko sana sya at susundan, but my grandpa didn't let me do that before. He told me to wait for the right time. And ngayon, ngayon na daw yung tamang panahon."2
"Alam mo ba kung san sya hahanapin?"
"Yes, lolo gave me an address, but I'm not familiar with the places here in the Philippines, so hindi ko alam kung pano ako pupunta dito."
"If you want, sasamahan ka nalang namin dyan. Kaso nga lang hanggang bukas pa kami dito."
"Me too! Sabay sabay nalang tayo umalis."
"Yun naman pala e. Sige. Magkita nalang tayo sa may receiving area ng hotel."
Sa buong pag-uusap nila ni Gino, wala akong naintindihan. Wala kasing laman ang utak ko kundi mga katanungan kung bakit nandito sa harap ko si Javier at hindi nya ako kilala.
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Tiểu thuyết Lịch sửMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?