Chapter 6 - I Care

5 1 0
                                    


GINO'S POV

Pinapasyal ko ngayon si Mikaela. Kahit pagod na pagod na ko, parang narerefill ang energy ko dahil sa babaeng to.

"GINO! MAY DELUBYONG DADATING! TINGNAN MO!!!! TARA NA. BAKA MALUNOD TAYO!!" Sabi nya sabay tago sa likod ko.

Tiningnan ko yung tinitingnan nya. Alam nyo ba kung ano yun?

Yung fountain. -_____________________-7

"Mikaela. Yan ay fountain. Display lang yan dito. Walang mangyayaring masama sayo."

"Sigurado ka ba? Baka..."

"Magtiwala ka lang sakin. Tara na."


Hinila ko sya papunta dun sa fountain. Grabe talaga to. Kawawa sya pag wala ako.1

"Ang ganda pala. Hihi." Sabi nya habang dinadaw daw yung kamay nya dun sa fountain.

"Sabi sayo e." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa babaeng to. Nakakatuwa e.

Mamaya-maya, napatingin sya dun sa may nagtitinda ng ice cream.

"Gusto mo?"


Tumingin lang sya sakin tapos ngumiti sya.

Pumunta na kami dun sa may tindahan ng ice cream tapos binili ko na sya.

"Naku sir. Bagay na bagay po kayo ng girlfriend nyo. Nakakatuwa po kayong tingnan." Sabi nung magtitinda.

"Hindi po niya ako kasintahan. Magkaibigan lang po kami." Sagot ni Mikaela.

"Naku naman ma'am. Wag nyo na po itanggi. Halatang halata naman po e."

"Po? Pero hindi po talaga."

"O sige po. Pero bagay na bagay po talaga kayo." Sabi nung magtitinda sabay abot nung ice cream samin.

Nagbayad na ko tapos umalis na kami. Naglalakad lakad lang kami nang biglang nagsalita si Mikaela.

"Gino, bakit ganun? Lagi nalang tayong napagkakamalang magkasintahan?"

"Ha? Hindi ko alam e. Siguro kasi gwapo ako."

"Ha? Anong kinalaman nun?"

"Gwapo ako... tapos maganda ka." Binulong ko lang yung huling sinabi ko.

Napatingin lang sya sakin. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Maganda ako?" Sabi nya habang nakangiti.

"Ha? Wala akong sinasabing ganyan ha. Tigilan mo ko."

"Pero narinig ko yun. Hindi mo maaring ipagkaila."

"Wala kang pruweba."

"Meron."

"Sige nga. Ano?"


Hindi na sya nakapagsalita. Hahaha. Wala pala to e.


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad tapos bigla akong nakarinig ng sigaw.

"AAAHH. GINO!!!"


Napalingon ako kay Mikaela at nakita kong nakataklob ang kamay nya sa mukha nya.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Mikaela! Anong nangyari?!"


Sinusubukan kong tanggalin ang mga kamay nya, pero ayaw nya.

Pero mamaya-maya, natanggal ko din yun.

"Anong problema, Mikaela? Anong masakit?"


Nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya. Siguro mga 1 inch lang yung pagitan.

Timeless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now