1954

27 3 0
                                    

MIKAELA'S POV

"Mikaela, iha! Mag-ayos ka na. May dadating tayong mga bisita." Sabi ni inay habang nagluluto ng pagkain.
"Sino po ang dadating?" 
"Mga makapangyarihang tao, anak. Sila ang nagpapasweldo sa iyong tatay kaya malaki ang utang na loob natin sa kanila."
"Pano naman naging utang na loob yun inay? Pinaghihirapan naman ni tatay ang trabaho nya ah."

"Pero kahit na. Alam mo naman na mas mahirap pa tayo sa daga noon, pero dahil tinulungan nila ang ama mo, nakaahon tayo sa hirap."3

"Ewan ko nay."

"Alam mo, magbihis ka nalang anak. Sige na."

Hindi na ko umimik. Sumunod nalang ako sa utos ni nanay.
Dumiretso ako sa aking kwarto at naghanap ng matinong masusuot.
Pagkatapos ko magbihis, nagtungo ako sa salamin para tingnan ang aking sarili.1
"Ang ganda mo Mikaela. Sayang nga lang at walang nakakapansin sa ganda mo."1

Oo, ganyan ako lagi. Kinakausap ko lagi ang sarili ko. Wala naman kasi akong ibang makausap e.
Hindi kasi kami nakikisalamuha sa iba naming kapitbahay. Simula kasi noong nakaahon kami sa kahirapan, tumaas na ang pride ni Papa at hindi na sya basta basta nakikipagkaibigan sa kahit sino. Namimiss ko na nga ang dating sya e.
Ay, bago ko makalimutan,
Ako nga pala si Mikaela Fuentes. 20 taong gulang. Sa edad kong to, hindi pa ako kailanman nagkaron ng nobyo.3
Bakit?

Unang-una, dahil walang nakakapansin sakin. Katulad nga ng sabi ko, hindi kami nakikisalamuha masyado sa ibang tao.
Pangalawa, wala pa sa isip ko ang mga ganung bagay.
"Mikaela, anak? Halika na dito sa baba. Andito na ang mga bisita."

Agad agad akong bumaba. Nakakahiya naman kung ako pa ang hihintayin diba?
Pagbaba ko, nakita ko si Itay, may kasamang isang lalake na medyo may edad na. May kasama rin sya na isang binata na siguro ay kaedad ko lamang. Medyo natulala ako dun sa binata. Ang gwapo e. 
"Mikaela, ito si Tiyo Edgar, ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. At ito naman si Javier, ang anak nya."
"Magandang tanghali po."

Ngumiti lang sakin si Tiyo Edgar. Habang si Javier naman ay lumapit sakin at kinuha ang kamay ko para halikan ito.
"Magandang tanghali din magandang binibini."2

Medyo napuno ng katahimikan ang paligid at nakita kong abot langit ang ngiti ni tatay at ni Tiyo Edgar.
"Ahm. Tara na kumain?" Sa wakas, nagsalita na rin si nanay.
Pumayag naman ang lahat na kumin. Hindi lang ako nagsasalita,, pero kumakalam na ang sikmura ko noh.
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, biglang tumabi sakin si Javier.
"Mikaela, kung mamarapatin mo sana, maaari ba tayong maging magkaibigan?"3

Ano raw?! Kinikilig ako. Haha. Ang mukhang ganto kakisig, hindi tinatanggihan.
"Ah. Oo naman. Walang problema." Sabi ko sabay ngiti.
Nginitian din nya ako. Haaayy. Pwede matunaw? Haha. Ang gwapo nya talaga.
Pagdating namin sa hapagkainan, agad naman kaming kinantsawan ng aking ama.
"Mukhang nagkakamabutihan na yata ang iba dyan ah."
"Tama ka dyan kaibigan. Mukhang magiging madali para sa kanila ang pinaplano natin."

"Anong pinaplano nyo, aber?" Tanong ni nanay.
"Malalaman nyo rin sa tamang panahon." Tatay.1
Nagsimula na kaming kumain. Minsan nagkakapalitan kami ng tingin ni Javier at nagngingitian nalang kami pag nangyari yun.
Hay ang gwapo nya talaga. Parang tinamaan na yata ako ni kupido. Pero tsaka ko na yun iisipin.
Sa ngayon kasi, binabagabag ako nung sinasabing plano ni Tatay.
Ano kaya yun?

Timeless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now