Chapter 7 - I Miss You

4 1 0
                                    


MIKAELA'S POV

Kakaiba ang mga ikinilos ni Gino noong huli naming pagkikita.

Bakit kailangan niya pa akong halikan sa noo? Ganun ba talaga sa makabagong panahon? Hinahalikan ang sugat upang gumaling?

Pero hindi rin naman gumaling e. Namanhid lang siguro sapagkat nagulat ako sa biglang paghalik ni Gino.1

Nakakapagtaka rin ang pagiging maalahanin niya. Kung nakita niyo lamang ang mukha niya nung nagpanggap ako at nung tinamaan ako ng bola... tila makakapatay siya ng nilalang kung may nangyaring masama sa akin.

Ngunit bakit ko ba ito pinag-iisipan? Baka naman ganun lang ang talaga ang modernong maginoo.

"Mikaela! Ang lalim yata ng iniisip mo!" Pinsan.

"Hindi naman ate."

"Nga pala, nakabalik ka ba sa makabagong panahon?"

"Oo, ate."

"Anong nangyari? Nahanap mo ba si Javier o ang mga anak nyo?"

"Hindi ate. Laging kay Gino ako dinadala ng kwintas." Sabi ko sabay hawak dun sa kwintas.

"Gino? Ang estrangherong tumutulong sayo?"

"Oo ate. Hindi ko nga alam e. Pero tuwing pupunta ako sa makabagong panahon, lagi akong dinadala ng kwintas sa kung nasaan si Gino."

"Hmm... Iba na yan Mikaela. Sa tingin ko, may dahilan kung bakit kay Gino ka lagi napapadpad."

"Hindi ba yun na ang dahilan, ate? Yung siya ang aking makakatulong sa paghahanap sa posibleng naging pamilya namin ni Javier?"

"Maaari. Ngunit, matanong ko sayo Mikaela. Ano ba talaga ang rason mo sa paghanap ng pamilya nyo ni Javier sa hinaharap? Hindi ba maaaring makuntento ka na lamang sa ngayon at hintayin ang mga susunod na araw kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan niyo ni Javier?"

"Sa bagay. Tama ka, ate. Siguro, masyado lang akong nadala ng emosyon ko kaya nais kong malaman agad kung si Javier nga ba ang makakatuluyan ko."

"Sa tingin ko, hindi mo na kailangan ang kwintas na yan."

"Oo ate. Ngunit, mahigpit na bilin sa akin ng manghuhula na huwag koi tong tatanggalin."

"Bakit mo pa siya kailangang sundin kung hindi mo na rin naman gagamitin ang kwintas na iyan?"

"Wala namang masama, diba? Tsaka ko na lamang ito tatanggalin kapag nakausap ko na ang manghuhula tungkol dito."

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos ng usapan namin ng aking pinsan, dumiretso na ako sa aking silid.

Tinitigan ko ang kwintas ko at kinausap ko ito.

"Pano ba yan. Mukhang hindi na ulit tayo magkikita..."

Kahit kausap ko ang kwintas, alam ko sa sarili ko na sa isang tao ko nais ipabatid ang aking mensahe.

Kay Gino...

-------------------------------

GINO'S POV

Sabado ngayon. At alam nyo namang every Saturday, pumupunta ako ng Bahay Pag-ibig diba?

Grabe. 1 week lang pala ang nakalipas since nung last visit ko? Parang andami nang nangyari sa one week na yun e.

On the way na ko papunta sa Bahay Pag-ibig, pero dahan dahan akong nagdadrive. Baka kasi bigla na namang sumulpot si Mikaela tapos mabangga ko pa.

Kaso nga lang, nakadating na ako sa Bahay Pag-ibig at lahat lahat pero walang Mikaela.

Timeless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now