MIKAELA'S POV
"Love, Mikaela. Pagmamahal ang itatapat natin sa kanila." Wika ni Gino.
Hindi ko lubos maisip ang sinabi ni Gino. Parang imposibleng malabanan namin ang oras at panahon.
"Ngunit..."
"Sshh. Wag ka na magsalita Mikaela. Basta ang mahalaga, magkasama tayo ngayon." Sabi ni Gino tapos niyakap nya ako.1
Naalala ko ang mga lumipas na araw. Ang dalawang buwang nagdaan. Wala akong ibang inisip kung hindi si Gino. Si Gino at si Gino.
---- FLASHBACK ----
"Mikaela, may problema ka ba?" Inay.
"Wala ho."
"Parang napapansin kong madalas kang tulala o malungkot."
"Wala lang ho ito, Nay."
"O sya sige. Tawagin mo na lamang ako kung ika'y may kailangan pa."
Isang buwan na ang nakakalipas simula noong huli kong makita si Gino. Nais ko sanang bumalik sa panahon nya ngunit naalala ko ang sinabi ng aking pinsan. Walang kasaysayan ang pagpunta ko doon.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paggagantsilyo.
Mamaya-maya ay may narinig ako kumatok kaya nagtungo ako sa pintuan para buksan ito.
"Mikaela." Si Javier.
"Javier. Napadalaw ka. Pasok ka muna."
"Para sayo nga pala Mikaela." Iniabot nya sakin ang bulaklak.
"Salamat. Maupo ka muna."
Ipinatong ko muna ang bulaklak sa lamesa na katabi ng upuan ni Javier tapos umupo na ko sa tabi nya.
"Anong kailangan mo at napadalaw ka?"
"Wala naman. Nais lang kita makita. At tsaka may nasabi rin kasi sakin si ama."
"Tungkol saan?"
"Sa tingin ko, hintayin nalang natin na ang iyong ama ang magsabi sayo."
"Ah. Ganun ba. O sige."
Hindi ko alam pero parang wala ako sa sarili ko. Dati rati ay napakalakas ng tibok ng puso ko pag nakikita ko si Javier o makakausap sya pero ngayon ay wala akong maramdamang galak.
"Mikaela, may problema ba?"
"W-wala naman. Kumusta ka na nga pala?"
"Heto... Masaya... at umiibig." Sagot nya.
Napatingin ako sa kanya pero agad ko rin binawi ang tingin ko at tumungo.
Nagulat na lamang ako nang bigla nyang hawakan ang aking kamay.
"Mikaela. Nitong mga nakaraang araw, walang ibang sinasabi ang isip ko kundi ang pangalan mo. Walang ibang tinitibok ang puso ko kundi ikaw. Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ikaw lamang ang nakikita ko."
"J-javier..." Napatingin ako sa kanya.
"Mikaela, ako'y umiibig sayo."
Ito. Ito ang matagal ko nang pinakahihintay. Pero bakit ganito? Wala akong nararamdaman.
"Ayos lamang kung wala kang maisagot sa akin. Alam kong nagulat ka sa aking pagtatapat. Pero sana maniwala ka. Totoo ang aking sinabi Mikaela. Hindi kita nililinlang." Javier.
Hindi na ko nakapagsalita. Ngumiti na lamang ako.
Kinalaunan ay umalis na rin si Javier. Pagkaalis nya ay agad akong nagtungo sa aking pinsan upang ibalita ang pagtatapat ni Javier.
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Historical FictionMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?