Chapter 10 - With her again

7 1 0
                                    


GINO'S POV

Pagkatapos ng usapan namin ni Mikaela sa park, inuwi ko na sya sa bahay. It's about time for her to meet my mom.

Eto na.

"Mom?" Sabi ko sabay pasok.

"Gino? Gino is that you? Wher— Oh. Hello." Napatingin si mama sa babaeng kasama ko ngayon.

"Magandang gabi po." Mikaela.

"Are you Mikaela?" Mama.

"Opo." Nakangiting sabi ni Mikaela.

"Oh. Nice to meet you. You're really pretty pala. Dito ka ba magdidinner?"

"Yes, Ma. Dito rin sya matutulog ngayon."

"Oh! That's great! Panahon na nga siguro na magkaapo ako."

Natulala kami sa sinabi ni Mama.

"MA! Nakakahiya ka!" Ako.

"What? You're in the right age already. Kung gusto nyo nang magpakasal, then let's go. If you want to have a baby, why not?!"

Kung sana ganun lang talaga yun kadali. Sana pinakasalan ko na ngayon si Mikaela.

"Ma, you're so liberated. Kumain na nga tayo."

Ngumiti lang si Mama tapos nagpunta na sya sa kitchen. Sumunod na rin kami ni Mikaela.

"Pasensha ka na sa mommy ko ha. Ganun talaga yun e."

"Hindi ko alam na ganto na pala ang mga babae sa panahon ngayon. Napakaimportante ng kasal sa panahon namin. Hindi ito basta basta isinasagawa. Pinaghahandaan ito at higit sa lahat, sinisigurado muna ng magkatipan kung sila talaga ang nararapat sa isa't-isa."

"Bakit, Mikaela? Tingin mo ba, hindi ako nararapat para sayo?" Malungkot kong tanong sa kanya.

"Hindi sa ganun, Gino. Pero kung titingnan mo ang sitwasyon natin... hindi basta basta ang humahadlang satin." Mikaela.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. "Basta, mahal kita."

Napatingin sya sakin at binigyan ko nalang sya ng ngiti. Dumiretso na kami sa dining room at kumain na.

Kung ano ano ang pinagtatanong ni Mama kay Mikaela. Buti naman at nagkasundo sila. Kahit makalumang tao tong si Mikaela, marunong sya makisama. Kaya nga nahuli nya ang puso ko eh.

"O sige na. Matulog na kayo. Ako na bahala dito. Goodnight!" Sabi ni mama at binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti.

Nagpunta na kami sa kwarto ko.

"Uhm. Mikaela, dyan ka sa kama, dito nalang ako sa sahig."

"O sige."

Hindi na kumontra si Mikaela. Expected ko naman to e. Conservative nga sya diba?

Pinatay ko na ang ilaw.

"Goodnight, Mikaela."

"Sayo rin, Gino."

Nakatulog rin kami agad. Masyadong naging mahaba ang araw na to. Andaming nangyari. Andaming revelations. Pero masaya pa rin ako. Kasi kasama ko ngayon si Mikaela. Ang babaeng mahal ko.

---------------------------------

( Kinabukasan )

Maaga akong nagising ngayon at pinagluto ko ng breakfast si Mikaela.

Pagkatapos ko magluto, dumiretso na ako dun sa kwarto ko. Tulog pa rin sya pagkadating ko kaya nilapag ko muna yung tray sa may lamesa.

Humiga ako sa tabi nya at niyakap ko sya.

Timeless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now