THIRD PERSON'S POV
Gino woke up in an unfamiliar place.
A place surrounded by tall resilient trees, grasses and flowers dancing along with the gust of wind.
The smell of these flowers dominates the atmosphere; thereby attracting butterflies of different colours which adds up to the vibrancy of this place.
He looked above and saw clouds evenly scattered through the blue sky. These clouds share the magnificence of the blue horizon above with the rays of the sun and the sun itself which brings life to the non-living things existing in this place.1
He closed his eyes and breathed, enjoying the freshness of the air that surrounds him. Aside from the sound of his breathing, he also heard the sound of birds chirping melodiously as if they are a choir of angels singing a song of praise.
He slowly opened his eyes, afraid that when they fully open, the perfect place around him will not be present anymore.
But he was wrong.
There's nothing to be afraid of because this perfect place around him will be with him forever.
From now on, he belongs here. Today, tomorrow and for the days to come, this will be his home.
Because this is heaven, and this is where his life will begin... again.
----------------------
GINO'S POV
Nasa langit na yata ako. Siguro hindi ko kinaya yung aksidente kaya eto, kinuha na ko ni Lord.
Pansin kong walang ibang tao sa lugar na to kung hindi ako. O baka, hindi ko palang sila nakikita.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, baka sakaling may makasalubong akong kahit sino na pwedeng pagtanungan kung san ako dapat pumunta.
Nakakita ako ng isang malaking puno. Kakaibang puno kasi kumikinang ito.1
Lumapit ako dun at nakakita ako ng isang batang babaeng nakaputing dress. Mga 7 years old siguro to. May koronang bulaklak pa sya na feeling ko, ginawa nya galing sa mga bulaklak na nagkalat dito.
"Bata!" Tinawag ko yung bata at humarap sya sakin. Nakita kong umiiyak sya.
Tumakbo ako papunta dun sa bata at niyakap sya. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong ito ang dapat gawin.
"Bata, wag ka na umiyak. Ssshh. Dito lang ako." Sabi ko habang nakayakap dun sa bata.
"T-talaga? H-hindi mo ako iiwan?" Tanong nya habang umiiyak pa rin.
"Oo. Hindi kita iiwan" Sabi ko habang pinupunasan ang luha nya.
"Yehey! Tara! Samahan mo ako!"
Tumayo sya at hinila ako.
"San tayo pupunta?"
"Basta. Sama ka nalang sakin!"
Hindi na ko tumanggi pa. Sinabayan ko lang yung bata sa paglalakad habang magkahawak ang kamay namin.
"Bakit ka nandito?" Tanong nya.
"Hindi ko rin alam e."
"Alam mo bang nasa heaven ka?"
"Medyo. Angel ka ba?"
"Hindi. Katulad mo rin ako."
"Ibig sabihin namatay ka na rin?"
"Oo. Matagal na."
"Ahh. E bakit ka nga pala umiiyak kanina?"
"Kasi natatakot ako. Kasi mag-isa lang ako. Ang tagal tagal ko na mag-isa. Buti nalang dumating ka."
Tumingala sya sakin at nginitian ako. Ang cute cute ng batang to. Para talaga syang anghel.
"Ganun ba? E bakit hindi ka maghanap ng kasama? Wala na bang ibang nilalang dito?"
"Meron. Pero kasi..."
"Kasi?"
"Kasi may hinihintay ako."
Umiwas yung tingin sakin nung bata tapos tumakbo sya. At dahil magkahawak kami, napatakbo na rin ako.
Gusto ko sanang itanong kung ano o sino ang hinihintay nya, pero hindi na ko nagkaron ng chance.
Mukhang nakarating na kasi kami sa pupuntahan namin.
Isang malaking golden gate ang nasa harap namin ngayon. Paglapit namin dun, kusa itong nagbukas.
"Nasan tayo?" Tanong ko sa bata.
Imbes na sumagot sya, pumasok nalang sya dun sa gate. Pagkapasok namin dun, nagsara na ulit ito.
"Nandito na tayo." Sabi nung bata.
"Anong gagawin natin dito?"
Bumitaw na sya tapos humarap sakin.
"Tulungan mo ako." Sabi nya.
"Saan?"
May itinuro syang isang bagay, or should I say isang taong nakahiga dun sa damuhan. Nilapitan ko ang taong yun at nakita kong isa palang syang matandang walang malay.
"Anong gagawin ko sa kanya?" Tanong ko sa bata pero nagkibit balikat lang sya.
Tinapik ko ng mahina ang matanda at nagising naman ito.
"Lola..."
"I-iho..."
"Ayos lang po ba kayo?"
"M-maaari mo ba akong dalhin sa may ilog?"
"Po? San po ba ang ilog?"
Sinubukan nyang bumangon pero hindi nya magawa kaya inalalayan ko sya.
Nung nakaupo na sya, tinuro nya ang isang malaking puno sa di kalayuan at katabi nun ay isang ilog.
Binuhat ko na si Lola at nagsimula na kaming maglakad.
"Lola... Matagal na rin po ba kayong nandito?"
"Oo.. Matagal na."
"At wala man lang pong tumutulong sa inyo?"
"Meron... Ngunit hindi ako makaalis doon."
"Po? Bakit po?"
"Sapagkat may hinihintay ako..."
Wow. Yun din yung reason nung bata kanina. Pareho kaya sila ng hinihintay? Gusto ko sana itanong pero hindi ko na naman nagawa.
Nung nakarating na kami dun sa ilog, ibinaba ko na sya at pinagmasdan nya ang reflection nya sa tubig. Tumabi sa kanya ang bata at sabay nilang tiningnan ang sarili nila.
Humarap sakin ang matanda at ngumiti.
"Maraming salamat..."
"Wala po yun. Uhm.. pwede po ba magtanong?"
"Maaari naman."
"May nakikita ho ba kayong babae? Matangkad, morena at napakaganda. Mikaela ang pangalan nya."
Humarap na rin ang bata sakin tapos tinabihan nya yung matanda at naghawak sila ng kamay.
"Meron." Sabi nung bata.
"Talaga? San?"
Pareho silang ngumiti sakin tapos biglang umilaw yung kung anong bagay na nakasuot sa leeg nila.
Ngayon ko lang napansin, pareho pala silang may kwintas.
Sobrang nakakasilaw yung ilaw kaya pumikit ako at tinakpan ang mata ko.
Pagbukas ko nito, wala na ang bata at ang matanda.
Unti-unting nawawala ang napakaliwanag na ilaw.
Sa pagkawala nito, unti-unti ko ring nakikita ang isang imahe ng babae.
Ang kanyang mahaba at itim na buhok.
Ang morena nyang balat.
At nung tuluyan nang nawala ang ilaw, nakita ko na rin ang maamo nyang mukha.
Ang mukhang matagal ko nang gustong makita.
Ang mukha na pagmamay-ari ng babaeng minahal at mahal ko pa rin.1
Ang mukha ni Mikaela.
"Mikaela?"
Sa pagtawag ko ng pangalan nya ay dahan dahan nyang iminulat ang mata nya.
"Gino..." Ang boses na ito. Ang boses na matagal ko nang gustong marinig.
Hindi na ko nag-atubili. Niyakap ko na sya agad. Niyakap ko sya ng napakahigpit. This time, hindi ko na sya hahayaang mawala pa ulit sakin.
"Ikaw ba talaga yan, Mikaela?"
"Oo, ako ito Gino."
Kumalas na kami sa yakap. "Teka, nasan yung bata at matanda kanina?"
Ngumiti sakin si Mikaela at hinawakan ang mukha ko.
"Ako rin sila, Gino. Sila ang mga Mikaela sa iba't-ibang panahon. Ang batang Mikaela at ang matandang Mikaela."
"Pero bakit pa kailangang bata at matandang Mikaela ang sumalubong sakin? Bakit hindi nalang ikaw? At tsaka, kung sila si Mikaela, I mean, kung sila ay ikaw bakit hindi nila ako kilala?"
"Kasi isa na naman silang pagsubok ng oras at panahon satin."
"Ano?"
Hinawakan ni Mikaela ang kamay ko at naglakad-lakad kami.
"Gusto nilang subukan kung tayo talaga ang nakalaan sa isa't-isa. Kaya nga hinarap nila sayo ang bata at matandang Mikaela."
"Tapos? Pano naging pagsubok yun?"
"Parehong may hinihintay ang dalawang Mikaela. Inilagay sila sa lugar kung saan makikita sila ng iba pang mga namatay na. Pero kahit tulungan pa sila ng iba. O kahit lapitan pa sila ng sinuman, hindi titigil sa pag-iyak ang batang Mikaela at hindi gigising ang matandang Mikaela kung hindi ang nakalaan sa kanila ang lalapit at tutulong."
Nalinawan na ako. Yun pala yung sinasabi nilang hinihintay nila.
"Ibig sabihin..."
"Oo, Gino. Ikaw talaga ang nakalaan para sakin."
Tumigil kami sa paglalakad at hinarap nya ako.
"Ang tagal kong hinintay ang oras na makasama ulit kita..." Mikaela.
"Sorry ha. Lagi ka nalang naghihintay."
Hinaplos ko ang mukha nya at hinawakan nya ang kamay kong yun.
"Wala yun Gino. Sabi ko naman sayo, kahit san ako pumunta, mamahalin pa rin kita. Maging matanda man ako o bata, alam kong ikaw ang para sakin. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi ang pagmamahalang meron tayo. Ageless. Unfading. Eternal..."
"...Timeless."1
Ngumiti sya, at ganun rin ako.
"Kahit gano man katagal akong naghintay para sayo, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko. At kahit tumigil na sa pagtibok ang puso ko, hindi ka pa rin nawawala dito." Mikaela, sabay turo sa puso nya.
"Thank you for your Timeless Love, Mikaela. This time, ako naman ang magpapatunay nun sayo. Na kaya ko ring mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sakin. Let me prove that to you beginning today..."
"Until forever?"
Ngumiti ako at hinalikan ko sya sa noo.
"Until forever... and then back."
Ngumiti sya at dinikit nya ang noo nya sa noo ko.
"I love you so much, Gino..."
"I love you, Mikaela... I love you, forever."
And then we kissed.
Unlike our last kiss, this time we shared a kiss full of happiness. Full of love. Full of contentment.
Kasi alam namin na simula ngayon, hinding-hindi na kami mapaghihiwalay ng kahit ano.
Sinubukan kaming paghiwalayin ng oras at panahon. Nung una, nagtagumpay sila. Pero sa huli, mas nanaig pa rin ang pagmamahalan namin.
A Timeless Love.
Yan ang pagmamahalang meron kami ni Mikaela.
Madaming pagsubok ang hinarap namin. Nanggaling kami sa magkaibang panahon. Iniwan nya ako ng dalawang beses. Naghintay sya ng matagal para makita ako. Nabuhay ako ng parang patay sa loob ng dalawang taon dahil sa pangungulila sa kanya.
Pero sa kabila ng mga yun, nandito kaming dalawa. Magkasama. Masaya. Yakap ang isa't-isa.
Nanaig pa rin ang pagmamahal namin at handa naming ipagpatuloy yun ngayon.
I may have so much to prove. Pero hindi ako kinakabahan. Hindi na kasi ako kukulangin sa panahon o kakapusin sa oras.+
Kasi ang meron ako ngayon? Forever.2
At dito papatunayan namin ni Mikaela na katulad ng paraisong ito,
There also exists the so called...
A Timeless Love.
-THE END-Awwiieee, natapos konaaaa, huwaaaaa. SANA PO NAGUSTUHAN NYU! SANA PO E VOTE NYU, ILOVEYOU, PALOWERS😭💕💕
YOU ARE READING
Timeless Love (COMPLETED)
Historical FictionMay magagawa pa ba ang love na sinasabi nyo kung oras at panahon na ang kalaban namin? Can love really survive the test of time?