Chapter 4 - MALL

12 1 0
                                    

GINO'S POV


Nasa loob kami ng kotse ngayon. Wala lang. Nasa loob lang kami. Hindi ko madigest yung sinabi nitong babaeng to kanina e.

She's from 1954? Oh cmon!

Tiningnan ko ulit tong babaeng to at mukha naman talaga syang makalumang tao.

Halatang amazed na amazed sya sa kotseng to e. Paglaruan ba naman ang aircon.

"Ah. Ms?"

"Ano yun, ginoo?"

"Sigurado ka ba sa sinabi mo kanina? Na galing kang 1954?"


Umayos na sya ng upo at tumingin sakin.

"Nais mo bang isalaysay ko sayo ang nangyari sa akin?"


Hanep. Lalim talaga mga bregs.

"Sige."

"Ganto kasi yun. May isang binata na nakapagpatibok ng aking puso. Lubos talaga syang napakakisig at napakamaginoo. Hay."

Kung makikita nyo lang ang itsura nya ngayon. Alam nyo yung itsura ng mga sinaunang babae na pag nagdedaydream ng crush nila? Ganun ang itsura nya ngayon. Feel na feel talaga.

"Nais kong malaman kung sya na ba ang nakalaang lalaki para sa akin kaya sinamahan ako ng aking pinsan sa manghuhula dun sa lugar namin."

"Manghuhula?!"

"Oo, binata. Manghuhula. Pagkasabi ko sa kanya ng aming pakay ay ibinigay nya sa akin itong kwintas na to at sinabi nyang ito daw ang makakasagot sa aking katanungan."

"Weh. E mukhang hindi ka naman nasagot ng kwintas na yan e. Bakit ka nandito?"

"Wala rin akong ideya, binata. Siguro kaya nya ako dinala sa panahong to ay para ipakita sa akin ng hinaharap. Kung si Javier ba ang naging kabiyak ko, o nagkaanak ba kami... Hay. Hindi na ako makapaghintay."

"Psh." Sabi ko at tumalikod na ako sa kanya.

"Alam mo ikaw, tulungan mo nalang ako. Tulungan mo akong mahanap si Javier."

"AYOKO NGA. Ni hindi ko nga kilala yang Javier na sinasabi mo e. Pati nga ikaw hindi ko kilala e."

"Nagmamakaawa ako sayo. Tulungan mo lang ako at lulubayan na kita."

Nagliwanag ang mata ko sa sinabi nya. Kung tulungan ko na kaya tong babaeng to? Nakaaawa naman e. At tsaka para lubayan na rin nya ako. Medyo nauubos na kasi ang dugo ko sa kanya. Kanina pa ko nagnonosebleed dito sa mga sinasabi nya

"Oo na!" Sabi ko, sabay harap sa kanya.

Oops. Wrong move.

Ang lapit pala nya sakin. Maganda naman pala tong babaeng to e. Muka lang talagang may sayad ang utak dahil sa mga kinikilos nya.


Mga 2 minutes din kaming magkatitigan. Kung hindi pa siguro sya lumayo, baka nahalikan ko na to. Haha. Joke.

"Ah. Ehem. Mikaela nga pala." Sabi nya at inabot ang kamay nya.


Kinuha ko ito ang nakipagshake hands. "Gino."


Napansin kong ang sama ng tingin nya dun sa kamay namin.

"May problema ba?" Sabay tanggal ko ng kamay ko.

"Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal? Hinahalikan ang kamay ng babae kapag nakikipagkilala ka dito."


Ay nga pala. 19 kopong kopong pa nga pala galing tong babaeng to.

Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ko ito.

Timeless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now