Kabanata 2

44 5 0
                                    

Sa mga araw na lumipas, malimit ang paguusap namin ni Vernon. Magtatanong lang ako at sasagot siya, minsan ay pareho kaming napapaiyak sa mga nangyari.

Siya ang naging sandalan ko sa mga oras na nananakit ang kahit ano saakin,  aaminin ko rin na minsan na ring sumulpot saaking isipan ang tanong na, nagsasabi ba talaga si Vernon ng totoo? Pero tingin ko ay oo, ramdam ko ang sakit tuwing nagkwekwento siya.

Nakaupo lamang ako sa hospital bed ko, maayos na ang kwarto, at nakaayos na rin ang aking  mga gamit. Simula ng magising ako ay normal na ang katawan ko sa paggising at pagtulog. Mahigit isang buwan ang tinagal ko pa rito para ihilom ang mga sugat saaking katawan at mga nabaling buto.

Sa lahat ng araw na iyon, tuluyan ko ng nakikilala si Vernon.

Tumayo ako sa kama at naglibot sa kwarto. Hinaplos ko ang ibabaw ng lamesa ko, noon ay puno ito ng prutas na pinapakain saakin ni Vernon pero ito siya ngayon, gagamitin narin ng iba.

Amoy likido ang buong kwarto, nandito parin ang tanke ng oxygen na ginamit saakin, andon din sa gilid ang bakal ng IV.

Napagalaman ko rin na nacomatose ako ng mahigit isang taon, kinabitan rin ako ng ventilator para maging life support ko sa mga fragile days ko.

Umupo ulit ako sa kama at pinanood na lamang ang paa kong maglaro, swing kanan, swing kaliwa.

"Okay ka naba?"

Napalingon ako sa pintuan. Nakangiti akong tumayo at hinila ang isa sa mga maleta. Agad na binitbit ni Vernon ang malaking maleta at isang duffel bag na puro gamit ko ang laman.

Tumango ako sakanya, "Salamat ng marami, Vernon. Kung wala ka siguro sa mga panahon na iyon, hanggang ngayon hindi ko alam saan ako pupulutin." May lungkot na ngiti akong pinakita.

Napabuntong-hininga siya at kinuha ang kanang kamay ko. Tipid ang ngiti niya pero sumilip muli ang kanyang biloy. "It's you, everything just for you, hon. Proprotektahan kita kahit ikamatay ko pa." ngumiti siya at inalalayan ako palabas ng kwarto.

Sumulyap ako sa mumunti kong nakasamang kwarto, sa wakas at makakalabas narin ako.

Unang lumabas si Vernon kaya ako ang nagsara ng pinto. Andoon siya sa tapat at nakangiting nagaabang saakin, "Mamimiss mo pa ata itong hospital ah?" Sambit niya.

Tumango ako, "Yung sakit hindi pero yung mga tao, oo." Ani ko.

Sa tangkad na taglay ni Vernon, kapag ganito kami kalapit sa isa't-isa, hindi ko maiwasan magangat ulo para tignan siya.

Pagsakay namin sa elevator ay tahimik lamang kami, hanggang siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Bago pala tayo pumunta sa Pransya, may pupuntahan at kukunin tayo ha?" Sambit niya  nakangiti. "Miss mona iyon ng sobra." Dagdag niya pa.

Makalabas kami ng elevator ay pinaupo niya ako sa lobby, kakausapin at pasasalamatan niya raw ang nga tao doon na kausap niya sa nagdaang mga buwan. Hinayaan ko na rin siya.

Habang tinititigan ko ang mga taong naglalakad sa aking harapan ay naramdaman ko ang pagupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Kamusta na ang iyong nararamdaman,  Mrs. Del Arija?" Tanong ng Doktor.

Napatayo ako agad at tumango sakanyang harapan para magpasalamat ng paulit-ulit. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang doktor na nagtiis saakin, si Doctora Isabelle.

Morena at payat si Doctora Isabelle, kulot ang dulo ng buhok at hindi ganoon katangkaran ngunit malinis siyang tignan na talaga.

Hinawakan niya ang kamay ko at inupo muli, "Ano kaba! Umupo ka muna." Sambit niya.

Nahihiya akong tumango, "Maraming salamat ho sa pagtitiis saakin. Alam kong grabe yung pagod niyo para mabuhay ako muli. Promise po, aalagaan ko lahat ng buto na nafracture saakin, hindi na muli ako kakabitan ng kung ano man sa katawan, doc."

Sumilay ang ngiti sakanyang labi at hinaplos ang kamay ko. Tinapik niya ang aking balikat at tumayo.

"Maraming salamat, hija. Palaging magdasal at huwag pilitin ang utak ha? Huwag magisip ng kung ano-ano." Sambit niya at niyakap ako sandali. "Magiingat kayo sa France. Bisitahin niyo ako ulit." Ngiti niya bago tuluyang umalis.

Sakto ng umalis siya ay dumating na rin ang mukhang modelo ng bench na si Vernon. Natawa ako sa ginawa niya kaya hinampas ko siya ng marahan.

"Puro ka kalokohan! Tara na nga!" Tawang sabi ko.

Tinulungan ako ni Vernon sa paglagay ng maleta sa compartment ng sasakyan niya. Medyo kumirot ang ulo ko nang makita ko na Porsche Panamera ang sasakyan niya, kulay itim ito at isa sa mamahaling sasakyan sa Pilipinas.

Suot ang nagandang ngiti, pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat, "Pasok na mahal na prinsesa," sambit niya.

Tila nagningning ang kanyang mata ng makitang sumilay ang ngiti ko kaya hinampas ko muli ang kanyang braso.

Naging matagal ang byahe, sa Laguna pala ako nakaconfine dahil doon daw ang tirahan ng lola ni Vernon na kailangan rin niyang bisitahin noong nakaraang taon ngunit maayos na ito ngayon kaya tutungo kami sa Pransya sa mga susunod na araw.

Nakatulog ako sa byahe, paggising ko ay nakahinto na ang sasakyan. Nasa bahay ko na kami sa Baguio.

Gumawi ako sa kaliwa para tignan si Vernon kung nandoon paba. Nagulat ako ng makitang nakatagilid siya ng pwesto at nakatitig ang mata saakin.

Napaayos ako ng upo, "I-Ilang oras na tayong nandito?" Tanong ko. Pilit inaayos ang buhok.

Tinignan niya ang orasan, "Dalawang oras mahigit." Sabi niya.

Nanlaki ang mata ko, "Ano?! Bakit hindi  mo ako ginising! Ang tagal mong naghintay saakin!" Reklamo ko pa.

Nanumbalik ang ngiti at nagpakita ang kanyang biloy, "Wala iyon, ang payapa ng mukha mo kanina ang hirap gisingin baka masapak mo pa ako." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Tara na." Aya niya pa.

Tulungan kami sa pagkuha ng gamit ko sa compartment. Sakto ng makita ko sa shoulder bag ko na may susi, kahit hindi ko matandaan alin doon sa mga ion ay sinubukan ko ang lahat ng susi, sa wakas ng makapasok kami.

Binaba ko sa sala ang mga maleta at sinaksak ang aircon para hindi mainit ang kulob ng bahay.

Nahiga agad si Vernon sa mahabang sofa at nanonood lamang saaking ginagawa.

"Pagkatapos mo jan, pahinga ka tapos magayos ng gamit na dadalhin sa France ha? Para diretso na ang alis natin bukas."

Tumango lang ako sa sinabi niya at kumuha ng walis sa kusina. Isang taon na akong hindi umuuwi rito pero parang hindi nawalan ng tao sa sobrang linis ng bahay.

Pagbalik ko sa sala, tulog na si Vernon at hirap na hirap kumumportable sa sofa dahil sa tangkad niya. Lagpas ang paa nito sa sandalan ng sofa.

Natawa ako at kumuha ng unan sa kwarto sa taas at nagmamadaling bumaba ulit. Inangat ko ang ulo ni Vernon at inilagay ang unan sakanyang uluhan.

Sandali akong umupo sa sahig at tinitigan ang maamo niyang mukha. Halata ang pagod at puyat sa mukha ni Vernon, tila wala na itong tulog na maayos.

Gumalaw siya kaunti dahilan para tumunog ang buto niya sa likuran. Ngawit iyon siguro dahil ang pwesto niya sa pagtulog sa hospital ay nakaupo at nakahiga lamang ang ulo niya sa kama ko samantalang ang likod ay laging nakakuba.

Nakaramdam ako ng awa sa asawa ko. Oo, tinatanggap kona. Sa mga linggo na lumipas, walang araw na ipinaramdam ni Vernon na may pagkukulang na ako sakanya. Ramdam ko ang pagmamahal niya.

Sa sobrang init ng pagmamahal ni Vernon, hindi ko alam kung minamahal ko ba talaga siya dahil hindi ko pa rin siya maalala.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon