Kabanata 8

22 3 0
                                    

Mas naging busy ang buwan namin sa Pilipinas, lalo na si Vernon na minsan madaling araw na nakakauwi galing aa kumpanya.

Nakahiga ako sa kama at nakakaramdam na ng gutom, napalingon ako sa orasan na nakasabit saaming kwarto, ala-una na at wala pa siya.

Tumayo ako galing sa pagkakahiga at bumaba sa kusina, nagtimpla ako ng kape at umupo sa veranda.

Wala naman akong gagawin rito sa bahay kundi ang maglinis, o magayos ng gamit ng mga bata kasama ang ibang katulong.

"Hon."

Napatayo ako at napatingin kay Vernon na mukhang pagod at nagtatanggal ng tie, "Andyan kana pala. Sandali maghahain lang ako..." Ani ko.

Maglalakad na sana ako pakusina ng hapitin niya ang aking braso at yakapin ako ng mahigpit.

"5 minutes lang hon," bulong niya sa tenga ko. Tumango ako at hinawakan nalang ang kamay niyang nasa tyan kona.

Namalagi ang katahimikan ng bigla siyang magsalita muli.

"You love me, do you?"

Tila kuryente ang puso ko sa dami ng kumislap sa bukng katawan ko. Agad kong hiniwalay ang sarili ko sakanya at tinignan siya.

Nilapit ko siya at napabuntong-hininga. "Nagdududa ka parin sa nararamdaman ko sayo, hon? May apat na baby na tayo, hindi ko naman hahayaan na maging ganto ang pamilya natin kung hindi kita mahal..."

Nangilid ang luha sa mata niya at bumaba saaking leeg. "Hindi ko na kaya na ipagpalit ka, Vernon. Kahit sa anong dahilan pa, hindi na." Sambit ko nalang.

Natapos ang malungkot at overwhelming na pangyayaring iyon ay naligo si Vernon at naghain ako, pasado alas dos na nang makahiga kami sa kama.

Salo ng kanyang braso ang aking ulo at magkayakap kaming dalawa habang nakatingin sa kisame.

"Hon, gusto ko sana magtrabaho." Simula ko. Tahimik lang siya kaya nagpatuloy ako, "Ano kasi hon, wala naman akong nagagawa rito kasi puro naman katulong dito sa bahay, naasikaso naman nila yung mga bata. Tsaka namimiss ko magtrabaho."

"Sige."

Nanlaki ang mata ko at niyakap siya. Pero nagabag ako bigla, "Hon? Ano bang trabaho ko noon bago ako maaksidente?"

Nakita ko ang pagpipit ng labi niya at tumingin siya saaking mata, ngumiti siya, "Isa ka sa outstanding accountant sa isang bangko."

"Talaga?" Nalulungkot na sambit ko. Wala akong alam sa accounting ngayon,  dahil siguro sa aksidente.

Tumangi siya, "Oo. Naaalala ko pa noon kung paano ako dumaan sa bangko para lang silipin ka roon ng hindi mo alam. Sa ganoong paraan masaya nako."

Kinurot ko ang tagiliran niya, "Sus! Crush na crush ako ha!" Asar ko.

Natawa lang siya at hinalikan ang ulo ko, "Mahihirapan ka kung magaaccounting ka ngayon, mag editor kana lang ulit sa isang fashion line, ilalapit kita sa kakilala ko." Sabi niya pa.

Umiling ako at hinampas ng bahagya ang kanyang braso, "Ano kaba! Abusado ka naman masyado sa kakayahan mo, ayoko natanggap dahil asawa kita no, magtigil ka nga, Vernon." Binigyan ko siya ng irap.

Humigpit lang ang yakap niya, "Ganito nalang, hahanapan kita ng papasukan tapos maginquire ka, sila na bahala kung tanggap ka."

Sumangayon ako roon. Nakatitig lang kami sa kisame habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang kamay hanggang sa inantok ako.

"Huwag moko iiwan, Sayena. Ikaw lang ang kailangan ko... kayo ang buhay ko."

Kasabay nang pagpikit ko ay ang pagsilay ng ngiti saaking labi. Hindi ko iiwan si Vernon.... sa kahit ano pang posibleng dahilan...

Kinabukasan ay wala naman akong masyadong ginagawa kaya naisipan kong bumyahe magisa papuntang Cordilleras para bisitahin ang bahay. Hindi hamak na inaalikabok na iyong loob, sana ay namaintain ito ng napagutusan ni Vernon.

Ilang stop over ang ginawa ko para mamili ng inumin o pagnaiihi na, tumitigil ako sandali sa mga gas station na madadaanan ko hanggang sa nakarating nga ako sa bahay.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at dahil nakajeans at racertop lang ako ay nilamig ako agad sa klima, pasado ala-sais na ng gabi, dito nalang ako magpapalipas.

Sakto ng pagkabukas ko sa gate ay siyang pagvibrate ng phone ko sa dala kong black na handbag. Tinignan ko iyon at nakita ang panganay ko na may message.

Ate Nice :
Ma, san ka? Gabi na po.

Napangiti ako sa text na iyon, tila namiss ko tuloy bigla ang mga bata. Kampante naman ako iwan sila sa mansyon dahil nandoon naman ang mga katulong.

To Ate Nice :
In charge muna kayo ni Dad sa bahay okay? May inaasikaso lang ako, uuwi rin ako bukas.

To Ate Nice :
What do you want as pasalubong? I'm in Baguio, anak.

Maya-maya ay nagreply na siya.

Ate Nice :
Anything, Mama. Ingat ka po, I love you.

Napangiti ako at nilagay sa bag ang phone. Doon ako dumiretso ng pasok sa bahay at binuksan ang pinakamalapit na switch ng ilaw.

Napapikit pa ako sa sinag ng ilaw na iyon. Bumungad saakin ang sofa na nakataklob sa puting sapin, malinis rin ang sahig at naroon pa ang tv na iniwan ko noon.

Pinagmasdan ako ang bahay, ngayon ko lang napansin na nakapasok ako ng walang susi.

"What? Sige, papunta na ko!"

Ganon nalang manlaki ang mata ko nang makarinig ako ng boses ng tao sa itaas. Tila nagugunaw ang mundo ko, nagugunaw ako sa takot na bakit may tao rito, sapagkat sa umaga lang naman natutuloy ang tagalinis.

"Hello? Oo, sinabi niya nga sakin! Ano..... May pupuntahan ako, susunod nalang ako pag kaya... Sige, bye."

Narinig ko muli ang boses na iyon. Parang may sumapi sa loob ko at hinakbang ko nalang ang paa ko paakyat. Parang tanga ang pakiramdam ko dahil kada baitang na isugo ko ay tila pahilo ako nang pahilo, pumipintig rin ang utak ko kasabay ng bilis ng tibok nang puso ko.

Nakarating ako sa itaas, dalawa ang pintuan, pero ang isa sa kaliwa ay bukas. Bukas ang ilaw, at may nakatalikod na babae.

Sinilabhan ang loob ko at parang may tumutulo sa pisngi ko, nanlalabo ang paningin ko, naginginig ang binti ko, kasabay ng pagikot ng babaeng iyon sa gawi ko ang pag ngatal ng kanyang labi.

Tuluyang bumuhos ang aking luha, pagkat iniisip kung sino siya, ang sakit ng puso ko na parang sinasaksak ito ng paulit-ulit, pinipiga hanggang sa maubos, ganon ang pakiramdam ko.

Nagbadya ang luha sakanyang mata, hindi malaman kung lalapit, saglit akong napapikit, doon pumasok lahat ng ala-ala na mayroon saaking nakaraan.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa naramdaman ko, bigla na lamang ako bumagsak sa malamig na sahig at napaluhod, akibg niyakap ang aking sarili at pinipilit na punasan ang aking luha na hindi matigil.

"S-Sayena!"

Doon ako nagangat tingin, basa ang kanyang mukha at mukhang pagod na pagod, ang sakit ng loob ko, ang sakit ng puso ko, bakit ngayon lang ako nagising, bakit nakalimutan ko siya! Gusto ko magalit sa sarili ko. Sobrang sakit ng pakiramdam, ang hirap.

Tinignan ko kung paano siya manakbo saaking harapan at agad akong niyakap, nasadsad ang kanyang tuhod sa sahig pero hindi inisip pa man iyon.

"P-Pa-Paano? Sabihin mo saakin na totoo ka! H-Hindi ito ilu-ilusyon!" Hiyaw niya.

Nakayakap siya saakin, ramdam ko ang luha niya na pumapatak saaking balat. Nakadukdok ang mukha niya saaking leeg.

Napapikit ako at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang higpit na napaungol na ako saaking nararamdaman.

"Unija... I'm sorry... Ngayon lang kita naalala...."

Kasabay nang aking pagsambit ay siyang pagkawala ko nang huwisyo.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon