Kabanata 3

27 4 0
                                    

Tulog parin si Vernon sa sofa habang natapos ko na ang mga gawaing bahay. Nakapagluto na rin ako ng hapunan kaya napagdisisyonan ko munang maligo dahil natuyo na ang pawis ko kanina.

As I enter my old room, nangamoy agad ang amoy ko rito kahit isang taon na ang nakalipas tila nga hindi nawalan ng tao rito. Binuksan ko ang kabinet ko at ganoon parin ang pagkakaayos ng mga damit. Nandoon parin ang mga box na puro gamit-gamit.

Kumuha ako ng panibagong tuwalya at pumasok sa banyo. Ngayon ko lang naalala na mahilig nga pala akong magpatugtog kapag nasa banyo.

Pero hindi ko matandaan kung nasaan ang cellphone ko. Simula ng magising ako, wala namang inaabot na kung ano man saakin si Vernon.

Habang nagbababad ako sa bath tub, dumalaw nanaman ang isipin sa buong pagkatao ko. Kung kailan kami ikinasal ni Vernon at bakit hanggang ngayon hindi ko siya makilala. Kung talagang asawa ko siya ay mararamdaman ko iyon, mararamdaman iyon ng puso ko hindi ba? Kasi ganoon lagi sa palabas.

Iling ako natawa sa sarili kong naisip. Tila nalulunod ang utak sa piksyon. Nasa reyalidad nga pala ako, at sa mga oras na ito, si Vernon lang ang kasama at makakapitan ko. Ansama kong tao para pagdudahan pa siya.

Sandali akong nagbanlaw at nagbihis. Bumaba ako sa sala at ganoon parin ang posisyon ni Vernon. Pasado alas-otso na ng gabi.

Lumapit ako sa sofa at umupo sa maliit na puwang sa bandang bewang niya. Ang gwapo ni Vernon sa totoo lang, lalo na kapag lumalabas ang biloy niya.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinaplos ang pisngi niya. Dahil sa ginawa kong iyon ay dahan-dahang bumuklat ang kanyang mata.

Hindi ko alam pero kusang ngumiti ang labi ko sa tanawin na iyon. Tila siya'y kuting dahil sa marahang pagbukas bg mata niya.

"Kain na tayo?" Aya ko.

Tumango siya bilang pagsangayon. "Maghihilamos lang ako." Sambit niya at tumayo.

Umupo na ako sa kusina at pinapanood ang bawat galaw niya. Siguro kung naaalala ko si Vernon ay higit na masaya kami ngayon.

"Sorry."

Nagtatakha siyang tumingin saakin at umupo sa upuang nasa tapat ko. "Para saan?" May maikli pang tawa ang kanyang pagkakasabi.

Nagbaba ako ng tingin, "Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko. Hindi ko pa rin kasi maisip kung sino ka— I mean, hindi ko pa maramdaman Vernon, eh." Nagangat ako ng tingin at nakita ko ang sakit na dumaan sa mata niya pero kalaunan ay ngumiti siya.

Kinuha niya na ang sandok ng kanin at siya ang nagsandok ng kanin para saamin, "Wala iyon," sambit niya ngunit kahit iiwas niya ang tingin ay hindi nakaligtas ang luha tumulo sa mata niya.

"Vernon..."

Umiling siya at pinunasan ang pisngi niya, "Wala iyon, kaya kong maghintay, kakayanin ko ng sobra." Umupo siya at hinawakan ang dalawang kamay ko, "Hindi ako mapapagod na protektahan ka, maubos na ako kung maubos basta mabuo ka, okay nako." Ani niya at binatawan na ako.

"Ang tagal na nating dalawa na magkasama pero nababading parin ako." Tumawa pa siya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at nanahimik nalang. Wala akong masabi sa mga nangyayari ngayon, ayoko pilitin na alalahanin si Vernon pero pag nagpatuloy ito, baka matukso lang ako.

Naging tahimik ang gabing iyon, tipong hindi rin ako tinabihan ni Vernon matulog. Hindi ko rin naman kasi siya inaya na matulog sa kwarto ko pero nakakapagtakha namang isipin na hindi kami magkatabi pero hinayaan ko nalang.

Maaga ako gumising at naabutan ko si Vernon sa sala, nakafetus position at nilalamig pa, walang kumot at iisa ang unan. Pilit ang katawan niya sa sofa at lagpas na ang katawan niya.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon