Kabanata 10

24 3 0
                                    

Lumipas ang araw at umalis rin si Unija, mayroon itong duty at umuwi muna siya sa condo niya sa Maynila kaya nagpasya kami na maggala sa Baguio bago umuwi sa Syudad.

Inaayos ko ang gamit ng mga bata sa isang maleta habang ang mag-aama ay nagsisiligo sa banyo.

"Waaah! Daddy naman e!" Hiyaw ni Nice.

Sinilip ko sila, buhat ni Vernon si Niki at hawak ni Niki ang shower na nakatapat sa mukha ng Ate niya samantalang si Uno ay nagsasabon sa may tub.

Napailing ako at kinatok ang pinto para agawin ang kanilang atensyon, "Umahon na kayo jan, kumukulubot na balat niyo sa daliri oh." Tinuro ko pa ang kamay ni Niki.

Binaba ni Vernon si Niki sa tub at umakyat narin si Nice doon, mga nakatwo pirce at underwear pa sila samantalang si Vernon ay nakadamit at basang-basa na.

Pinanood ko kung paano banlawan ni Vernon ang mga bata, nauna natapos si Uno at sumunod si Nice, nagsikuhaan sila ng tuwalya, binalot naman ni Vernon si Niki sakanyang bisig na may tuwalya.

Lumabas na ako para makadaan sila, nagaasaran parin ang mag-aama.

"Nice," tawag ni Vernon.

"Yes dad?" Sagot nito at lumingon. Nagbibihis na ito ng damit niya sa isang sulok, kung saan siya lang.

"Dress up, Niki after you dress up. Mommy and I will take a shower." Sambit niya.

Napalingon ako sakanya dahil sa gulat, pinupulbosan ko kasi ang likod ni Niki at Uno.

Nakatingin din si Vernon at kumindat tsaka pumasok sa banyo. Tila wala siyang kapaguran.

Tumayo ako sa sumunod sakanya sa banyo, napakasarap ng higa niya doon sa bath tub, natatabunan ng bubbles ang kanyang katawan.

"Do I look hot for you to stare that long?"

Napaangat ang tingin ko sakanya, napakaganda ng postura niya, tila hindi rin siya tumanda sa sobrang gwapo niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang aking suot na damit habang tinitignan siya ng diretso sakanyang mata. Sumisigaw sa kapusukan ang kanyang mata, kitang-kita ko ang pagtingin niya sa bawat parte ng katawan ko, punong-puno ng admirasyon iyon.

Naglakad ako palapit at tumungtong sa tub, gumilid siya kaunti at inalalayan akong makaupo sa loob ng tub. Nasa gitna ako ng dalawa niyang hita at nakatalikod.

Akala ko ay mangyayari sa tub na iyon, ngunit wala, imbis na akitin niya ako lalo ay siya ang nagpaligo saakin. Kasalukuyan niyang hinihilot ang aking ulo na may shampoo.

"I'll do this cause you look so tired taking care of us." Sambit niya.

Napangiti ako, "Hindi naman nakakapagod, makita ko lang kayo nawawala rin pagod ko." Ani ko.

Naramdaman ko ang paggaan ng ulo ko pero nalipat naman iyon sa bewang. Niyayakap niya ako galing sa likod at nararamdaman ko rin ang maliliit na dampi ng kanyang labi saaking balikat.

Doon ako nagkachansa na magtanong, "Hon?" Usal ko.

"Hmmm?" Patuloy lang siya sa paghalik saaking likod, leeg at braso.

Inabot ko ang kanyang kamay na nasa tyan ko sa ilalim ng tubig, "Anong pinagusapan ninyo ni Unija?"

Natahimik siya at naramdaman ko ang unting espasyo na ginawa niya saamin pero hindi tinatanggal ang pagkakayakap.

Narinig ko ang munting tunog galing sakanyang labi, sensyales sa kanyang pagngiti.

"Wala iyon. Hinabilin niya lang ang pinaka....maganda kong asawa." Emphasizing 'pinaka' pa ang pagkakasabi niya.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon