Kabanata 6

30 3 0
                                    

After 14 years.....

Mabilis ang panahon. Naging masaya ang mga lumipas na taon ko at tahimik lang iyon, nandito parin kami sa Paris pero baka umuwi na kami ng Pilipinas sa susunod na taon.

Kasalukuyan akong naglalaba ng damit ng mga bata habang nasa school sila at nasa trabaho si Vernon.

Sa taon na lumipas na rin iyon, malaki na si Vhentice, maraming nagsasabi na mas kamukha ako nito kesa kay Vernon, samantalang ang dalawang nasundan pa naming anak ay xerox sa tatay, lalo na ang lalaki na sumunod kay Vhentice, na si Vern Raz-one, ang bunso naman namin na si Ranike Louise ay halo.

Si Uno o si Raz-one ay kasalukuyang 9 yrs. old at 7 yrs. old naman si Niki.

Nagtrabaho rin naman ako rito sa France bilang editor sa isang fashion magazine, habang si Vernon ay nasa mataas ng posisyon dahil sa business ng magulang niya na pinamana rin sakanya. Rice Milling Factory iyon, isa narin ito sa malaking kompanya ng bigas na hinahango sa Pilipinas.

Pinatigil nga lang ako ni Vernon simula ng magbuntis ako kay Niki, lagi kasi siyang napapaaway sa opisina ko sa kadahilanang may nakaaway ako dahil sa masamang mood ko. Paano ay may katrabaho akong Pransiska na may gusto sa asawa ko kaya inaway ko dahil narinig kong pinagiisipan niya ng kabastusan ang asawa ko habang nasa banyo ako noon ng hindi alam ng Pransiskanang iyon.

Filipino style living parin kami sa bahay. Tagalog language namin para hindi makalimot ang mga bata.

Maya-maya pa ay dumating na ang dalawang bunso, nauuna ito kesa sa ate nila.

"Hi mommy!"

"Hi, mom."

Nilapag nila ang bag sa sofa at humila doon, kinuha ko ang niluto kong merienda at inihain na lamang sa sala.

Madungis si Niki, ang P.E. nitong puti ay lintik sa dumi. Napansin iyon ni Uno, "Tsk, Niki. I told you to stay put during P.E. Class right? Pahihirapan mo nanaman si Mommy maglaba ng white mo." Reklamo nito.

Natawa lang siya sa pangalawa. Minsan talaga ay mukhang mas panganay pa si Uno kesa sa dalawang babae, paano ay bata pa lamang tinuruan na ni Vernon na alagaan ang dalawang babaeng kapatid. Ayan lubos ang pagkastrikto.

Umirap ang bunso, "Why? Are you neat? Look at your boyscout uniform kuya, dirty!" Maarteng sigaw naman ni Niki.

Agad ko silang sinaway, "Nak, huwag ganon makipagusap kay kuya." I said.

"I'm a scout, and that's the purpose of my clothes, Niki. To get dirty." Anito.

Sakto namang dumating rin ang panganay na humalik agad sa pisngi ko at umupo sa sala.

Marumi ang damit at nagtanggal ng necker.

"Ma, may event daw sa scouting, kaso sa South Korea daw po. I bet Dad won't let me." Sambit ni Nice.

Kumuha ako ng mangkok at pinagsandok sila ng binatog na paborito nila.

Umupo ako at pinanood ang tatlo na kumain, "Of course your dad won't. Sa susunod nalang anak, masyado ka pang bata, kapag tingin namin ready kana, sige, gagastos tayo for that." I said.

Tumango lang ito. Simple ang pamilya ko, puro scout nga lang, dahilan ay idolo ang ama nila. Si Nice ay Pathfinder rank na, habang si Raz-one ay Tenderfoot, at next year nagbabalak narin sumali si Niki, kaya membership palang ang makukuha nito.

Lahat ng necker na meron sila ay naka display sa sala, nakasabit. Mayroon doon mga nakaframe pa, iyong kay Vernon na matagal ng nakaframe at nasa red background pa kaya mukhang mayaman ang bahay.

Pati mga medalya ng mga bata ay nakasabit din sa baba ng mga picture nila. Ang picture ni Nice noong grumaduate ng gradeschool ang nakadisplay habang ang dalawa naman ay graduation noong pre-school.

Gabi na at pinatulog ko ang mga bata pagkatapos nila maglaro sa garden kanina at maligo. Laking pasalamat kong wala silang assignment sa math dahil doon ako bobo.

Madaling araw dumating si Vernon. Naramdaman ko siyang humiga sa tabi ko pagkatapos niya magshower. Automatic na umakap siya saakin at hinalikan ang ulo ko, nakatalikod ako sakanya.

"I love you, hon." Sambit niya.

Inantay kong bumigat ang paghinga niya at tsaka ako humarap. Ganito ang senaryo ko tuwing gabi sa nakalipas na taon.

Ang gwapong mukha ni Vernon ay hindi nagbago kahit isang dekada mahigit na kaming kasal. Mas naging defined ang kanyang assets at hanggang ngayon marami paring nagkakagusto sakanya.

Araw-araw nanliligaw saakin si Vernon hanggang sa tuluyang nahulog ako sakanya. Wala na akong pake sa nakaraan ko. Kung ano man ang nakalimot ko, bahala na iyon. Sobrang kontento ako ngayon sa pamilya ko.

Lumapit ako kay Vernon at dinampi ang labi sakanyang labi, "I love you so much, Vernon. Sorry again for not remembering you after these long years. Pero pangako ko, hindi kita iiwan."

I smiled and closed my eyes. Wala ng tumutulong luha sa mata ko sa gabi. Hindi tulad noon. Hindi narin sumasakit ang ulo ko, hindi tulad noon.

Pero syempre, gusto ko parin maalala ang mga iyon, pero sa ngayon, ito ang buhay ko.

Wala nakong mahihiling sa Diyos. Kaligtasan nalang ng anak ko at ang magiging future nila. Kahit hindi na bumalik ang ala-ala ko.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon