Kabanata 11

21 3 0
                                    

We're eating our dinner, we had large servings, cute na cute pa sila sa pagnguya nila Niki. Binaba rin namin ang dinuguan at kare-kare at nanghingi kami ng extra serving plates para hindi masayang.

Nang isubo ni Niki ang kutsara ay namangha ang photographer na si Yna, "Kasya yung kutsara sa liit ng bibig niya no? Ang galing!" Sambit niya.

Lahat naman kami natawa.

Lumingon ako sa kanan ko ng maramdaman ko ang paghila sa suot kong long sleeves na off-shoulder dress, si Nice iyon, "Ma, penge po nung chopsuey." Sambit niya.

Tumayo ako at nilagyanang plato niya. Nilagyan ko rin ang plato ko at plato ni Vernon. Kung may pagkakasunduang pagkain kami, ito ang chopsuey.

"Mawalang galang lang po," sambit ni Yna, "Kanina ko pa po kasi napapansin na may hawig po talaga anak niyo doon sa professor namin..." Aniya.

"Sino don?" Tanong ni Dustin sa kasama.

"Si Sir ano—"

"Ma! Pa! Pahingi po ng tubig!" Hiyaw na sabi ni Nice.

Tumango ako at tumingin sa mga teenager, "Pasensya na, ganyan talaga siya sa hapag e." Sambit ko nalang. Kahit kasi ako nagtatakha sa inasal ng anak ko.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Vernon sa inasal niya, "Kumain nalang tayo." Sambit niya.

Iyon ang nangyari, kumain kami at lumabas.

"Ah! Grabe ang sakit ng tyan ko! Bloated!"

"Salamat po sa libre, sir!"

Sambit nila. Tumango si Vernon, "Wala iyon, ito oh," kinuha niya ang wallet niya at inabot ang isa sa mga calling card niya, "This is my number, call me if you need anything." Sambit niya.

Binasa iyon ni Dustin, "Del Arija Group of Companies.... Mr. Vernon Del Arija....." nagloading ito sandali at nanlaki ang mata, "Del Arija! Ikaw yung sikat na young billionaire in corporate world!" Dagdag niya.

Lumapit si Dustin at pormal na nakipagkamay, tinanggap iyon ni Vernon.

Tumingin ako sakanila at napansin ang isang dalaga na kasama nila Yna na hindi talaga umimik magdamag na magkasama kami.

"Hija, anong pangalan mo? Kanina kapa hindi umiimik." Natatawang sambit ko.

Inakbayan siya ni Yna, "Nako! Hindi po talaga madaldal ito si August! Minsan nga po pakiramdam namin hindi namin siya kasama!" (G2 is August)

Natawa naman kami at nagsipaalam na. Yumakap sila sandali sa mga bata at pinauna na namin sila umalis.

"Bye po! Ingat!" Sigaw ni Niki sa mga sasakyan nilang paalis na.

Bumyahe na kami pauwi sa bahay at nagsihilamos kami sabay-sabay. Kasalukuyang nagtotooth-brush kami, nagtatawanan at tinootoothbrushan ang isa't-isa.

Pinatulog namin sila sa kwartong inukupahan ni Unija at nang makatulog silang tatlo ay bumalik na kami sa kwarto namin.

Dumiretso ako sa laptop bag at kinuha ang laptop ko samantalang may kausap sa telepono si Vernon sa veranda namin.

Binuksan ko ang email saakin ng sekretarya niya, pumili ako ng kompanya na pwedeng pasukan.

"May napili kana ba hon?"

Napalingon ako kay Vernon na kakapasok lang galing veranda, tapos na siguro kausapin ang nasa telepono.

Kinuha niya ang laptop niya at tumabi saakin sa kama.

Tumango ako, "Oo. Itong tatlo napili ko, mukhang maganda, sinearch ko rin sa internet." Sambit ko.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon